Chapter Thirty One

31.1K 1.5K 50
                                    

Sa iyong ngiti,
Ako'y nahuhumaling.
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil.

Ang pangalan mo,
Sinisigaw ng puso.
Sana ay mapansin,
Mo rin.
Ang lihim kong pagtingin.

"Do you like the song?" Nilingon ni Esyang si Onie. Nakangiting tumango siya.

Kahapon lang sila dumating dito sa palawan. Nasa Ciudad De Valle sila. Isang isla sa palawan. Dito ginanap ang sinasabi ni Onie sa kanya na business conference. At kanina nga ang unang araw niyon. Pagkatapos ng conference nito ay niyaya siya nitong mamasyal.

Hanggang sa napadpad sila dito sa retro bar and café. Nalaman niyang sikat na banda pala ang nasa maliit na flat form at nagtatanghal. "Ang ganda. Ang sarap sa pakiramdam. Piling ko hinaharana ako." Aniya habang nakasunod ng tingin sa banda na pababa ng stage.

"Bakit gusto mo bang hinaharana?" Sino ba namang babae ang ayaw ng ganoon?

Tumango siya. "Oo naman. Kahit moderno na ang panahon ngayon mas masarap pa ring maranasan 'yung haranahin."

Sumimsim si Onie ng alak na nasa baso nito. Siya naman ay juice lang. "Kung may manghaharana sayo anong kanta ang gusto mong kantahin niya para sayo?"

Sandali siyang nag isip. "Paborito ko 'yung Buko ni Jireh Lim." Aniya. "Naalala ko kinanta ni Jopet 'yon sakin noon. Birthday ko kasi tapos kumain kami ng pancit malapit dun sa lugar namin eh may bideyoke dun. Yun bang hinuhulugan ng limang piso. Hayun! Bumanat doon si Jopet ng pagkanta kaya naman naging paborito ko na." Natatawang kwento niya habang inaalala ang mga nangyayari noon.

Sinaid ni Onie ang laman ng baso nito bago tumayo. "A-Aalis na tayo?" Tanong niya? May mga pagkain pa kasi sila sa mesa. Baka nababagot na si Onie sa mga kwento niya.

Humawak sa baba niya ang palad nito. "Hindi. May kakausapin lang ako sandali. Dito ka lang ha? Wag kang tatayo." Napatango nalang siya sa bilin nito. Nagpalingon lingon nalang siya sa paligid hanggang sa hindi na niya ito makita.

Nakatutok ang mga mata niya sa entablado nang may magsalita doon. "Good evening guys." Napatutok ang mga mata niya doon at nanlaki iyon ng makita si Onie na nakaupo sa high chair habang may hawak na gitara. Diyos por santo!

"Marie.. This is for you. " Tumutok sa kanya ang puting ilaw na halos ikasilaw niya. Nagiinit ang pisnging tinignan niya ang mga taong nakatingin sa kanya.

Maya maya'y pumailan sa paligid ang malamyos na pagtipa ng gitara. Saka kumanta si Onie habang nakatitig sa mga mata niya at patuloy na tumutugtog ng gitara.

Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti

At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo

Pakiramdam niya ay ang haba haba ng buhok niya. Hindi niya inaasahan na gagawin ni Onie ang ganito para sa kanya. Maganda ang tinig ng binata. Para nga lang siyang nakikinig ng radyo. Ang mga tao ay tahimik na nanunuod kay Onie.

Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko

May mga magsyo-syota pa na magkahawak kamay habanh nanunuod. Siya naman ay di mapigilang wag kiligin.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin

Okay na sa kanya na nakakakwentuhan ito. Okay na sa kanya na masayang katawanan ito. Pero ang hindi yata magiging okay ay ang mas lumalim pa ang maling nararadaman niya para sa binata. Natatakot siya. Paano kung mali ang iniisip niya na baka ito ang buko niya? Ang buhay niya? O baka ito ang sisira sa buhay at wawasak sa puso niya?

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko

Pero dapat bang ganoon ang isipin niya sa ganitong mga panahon? Hindi ba dapat maging masaya siya at sulitin ang bawat segundong nasa tabi niya ito at ipinararamdam sa kanya na mahalaga siya.

Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
ohhhh... 

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig 
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko.

Sa huling tipa ng gitara ay sa kanya lamang nakatitig si onie. Napuno ng tuksuhan sa paligid lalo na ng kumindat pa ang binata sa kanya.








To be continued...










----------

Gusto ko lang po iremind sa inyo na di ko kayo pinipilit na lagyan ng star o comment nag bawat chapter na pinopost ko. Masaya na po ako sa kung ano ang ibigau niyo sa akin. Wag sana pong tatatak sa isip niyo na walang ud kung walang vote and comment. Ayos lang po sa akin iyon. Kung magkakaroon man ako ng star and comment yun ay dahil kusang loob niyong ibinigay di dahil hiningi o pinilit niyo akong bigyan. Kahit wala po nun ay masaya pa rin ako.

Salamuch po.
thanks for the reads.
Ai:)

P. S
please vote Race Darwin sa Literary Award 2017 in Best writer/Author award. Malaking bagay po ang bawat boto niyo. Maraming salamuch po.

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon