Chapter Twenty Six

30.8K 795 43
                                    

Onie held his hand. "Shall we?"

Nanginginig ang kamay na inabot ni Esyang ang kamay niya. "Relax, we're just having a dinner."

Bahagyang lumapit pa ang dalaga sa kanya. "B-Bakit pa kasi dito? Nakakahiya sa mga tao."

Pinisil niya ang palad nito. "You have nothing to ashamed of. You're beautiful." Bulong niya. Binati sila ng staff na unang sumalubong sa kanila bago sila iginiya sa private dinning room na sadyang mayroon ang restaurant.

Maya maya'y kasunod na nila ang chef na mismong naghanda ng dinner nila. Napangisi siya ng makita si VJ. "This is crazy 'bro. Tumawag ka pa talaga para lang sabihin na gusto mong magdinner at ako pa ang naisip mong magprepara para sayo!" Reklamo ni VJ sa kanya. He just laughed. "Anong nakakatawa?"

"You." He laughed again. "Anyways, maraming salamat 'tol. Alam ko naman na hinding hindi mo ako matitiis kahit anong mangyari."

"I'm only doing this for you and yana. Gusto ko na rin naman na magkaayos ka---."

Pinutol niya ang sinasabi nito. "Actually, hindi si Dayana ang kasama ko."

Namilog ang mga mata nito bago nilingon ang likuran niya. Nakaupo si marie patalikod sa kanila. "She's Marie the one that im talking to you."

Sinuntok siya nito sa balikat. "Are you nuts? Bakit mo siya dinala dito? You know that yana is our business partner! Paano kung biglang sumulpot ang fiancé mo dito and both of you are caught up? Anong sasabihin mo?"

Tinitigan niya muli si Marie habang nakatalikod. May dinukot siya sa bulsa at ipinakita dito. "Dayana came to me at ibinalik ito." Sabay pakita ng singsing. "She call off our wedding."

Nagisang linya ang labi ni VJ at may awang tinignan siya. "I'm sure nabigla lang siya. Maayos niyo pa 'yan."

Umiling iling siya. That's the saddest thing that ever happened to him. Dahil kay Marie may narealized siya at kung kailan handa na siyang harapin ang mga takot niya saka naman haharap ang rejection sa kanya.

"Yana!"

Nasalubong niya si Dayana sa parking ng condo niya. Paalis na siya para hanapin si Marie at kausapin ito. He felt so guilty after what happened last night and he need to talk to her.

"I just came here to return this back to you." Kinuha nito ang palad niya at may inilagay doon.

"W-What---."

"Tama nga siguro silang lahat. We're not yet ready. We maybe begun in the most romantic big love story pero aminin man natin may kulang at kulang pa din. At 'yon ay ang hindi mo kayang pagtitiwala sakin." Namukal ang luha sa mga mata nito.

Pilit niyang inaanalisa sa isip ang lahat. May mga bagay na umuukit sa isip niya. Si Yana, ang mga pangarap nila ang mga bagay na gusto nilang tuparin ng magkasama at si Marie. She suddenly came to his mind and trouble it. "I'm sorry..." Nagiguilty siya. Kasalanan niya ito. Bumigay siya sa tukso. Aminin man niya o hindi ay nagtaksil siya dito. He cheat on her. Ginawa na niya ang hinala nito. Tinotoo na niya ang paratang nito.

"Ayusin muna natin ang mga sarili natin bago natin itanong kung kaya na ba natin o handa na ba tayo. Kasi ako oo ang sagot ko eh. Oo papakasalan kita. Pero paano ka? Hindi naman sapat na ako lang ang may gusto ng lahat. Mahalagang pag aralan muna nating pagkatiwalaan ang isa't isa bago tayo pumasok sa mas malaking relasyon." She don't deserve him. Ang dami niyang dapat sabihin. Ang dami niyang dapat aminin. Pati sa sarili niya ang dami niyang gustong sabihin at itanong.

"So what's your plan now?" Tanong ni VJ.

"Yana decided already. Siguro tama siya na pakawalan muna namin ang isa't isa." Aniya. Masakit sa kanya na naging dahilan siya para makasakit ng iba. Pero hindi ba't mas makakasakit pa rin siya kung magtatagal pa?

Tinapil siya sa balikat ni VJ. "And what about her?" Sabay tutok ng mga mata kay Marie. "Anong plano mo sa kanya?"

Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa likod ng dalaga. Kasabay ng pagngiti niya at ang pagbaling nito sa gawi nila at ang pagngiti na para bang wala itong problema. Na para bang masayang masaya ito.


To be continued...

Hermosa Señoritas' 1: Those Three WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon