Challenge # 11

68.2K 2.9K 551
                                    

Surpise!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Surpise!

Violet's

"Akala ko ba hindi na niya ako hahanapin? Bakit nandito na naman ako? Ayoko nga kasi dito."

Sinimangutan ko si Red habang sinisiguro niyang naka-lock iyong posas na nakasuot sa palapulsuhan ko. He looked at me.

"Ayaw naming gawin ito, V. Pero dahil mas matigas pa iyong ulo mo sa ulo ko at ni Ate kapag pinagsama kaya namin ito ginagawa."

"Hindi ko alam kung bakit pa? Wala namang may gusto sa akin sa bahay na ito but you still keep me. I'm a prisoner in this house." I rolled my eyes. Noon naupo si Red sa kama ko, magkaharap na kaming dalawa ngayon. Hinawakan niya ang isa kong kamay tapos ay tiningnan ako nang mata sa mata.

"Noong first time kitang makita – I was three years old then – you were wrapped in a violet cloth. I remember Mamay being so happy about the fact that you looked like a sleeping kitten and that she looked at me and told me that your name is Violet and that you're my sister and I have to take care of you. Papay took you in his arms and made me hold you for a little while. And then, the most magical thing happened, you opened your eyes, V. And I instantly told myself at three that when you stumble, I will pick you up. I love you, V. You matter to me, to us, especially kay Papay. H'wag mong ilayo ang sarili mo sa amin dahil lang diyan. One of the reasons why I survived my operation is you. Hindi ko pa nasasapak ang lalaking magpapaiyak sa'yo."

"Hindi naman ako paiiyakin ni Eli." I sighed. Nakanguso pa rin ako.

Ninoohan ako ni Red. "Mahal kita, V. At sana, hindi ka paiyakin ni Eli."

"Love mo ako, diba? Tanggalin mo na ito." Pinakita ko iyong posas ko. He grinned.

"Not gonna happen. Tatakas ka lang. Dito ka hanggang sa sabihin ni Papay na pwede ka nang pakawalan." He kissed my forehead and then left my room. Wala akong nagawa kundi ang tingnan siya habang paalis na siya. I bet he even locked the door form the outside. Ang malas naman ng buhay ko. Kainis naman. Kung sumama na lang ako kay Rigor, siguro nasa Italy na ako.

Lahat ng sinabi niya sa akin kanina ay tama – that he can give me what I want. I want to leave. Ang pangit naman isipin na naglayas nga ako tapos doon – doon lang at dito – dito lang ako. Sana kasi malayo para mas may thrill. Pwede ko namang isama si Eli tapos sa Italy na kami tityra. Kaya lang nag-aaral pa siya. First year na siya sa Masterals niya. Priority niya iyon.

Hay ulit.

Muling bumukas ng pinto. Nakita ko si Mamay na may dalang pagkain. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sitwasyon ko. Inilapag niya ang tray ng pagkain tapos ay sumigaw.

"Simoun Paul Azul!" She yelled. "Simoun Paul!"

"What? What happened."

Hinampas ni Mamay si Papay sa braso nang paulit-ulit habang iyak siya nang iyak.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon