Challenge # 20

71.2K 3.5K 908
                                    

Mga bagay na hindi alam 

Violet's

Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit siya sa akin. Parang hindi si Rigor ang kaharap ko. Napakadilim ng kanyang mga abong mata at wala ni isaing kalmadong kung ano sa kanya. He kept on ripping my clothes apart kaya nanlaban ako but he's too strong. Itinulak niya ako sa kama. All I had on was my underwear. Even my bra was ripped by him. Galit na galit siya sa akin.

"Kung kani-kanino ka suma-sama! Kilala mob a si Maurice?! Masamang tao siya?!"

"Wala akong magagawa naman kasi siya lang iyong nakaisip na isakay ako sa kotse niya matapos kong lumusong sa putikan na kinalimutan mo dahil lang niligtas ka ni Magnolia! E di magsama na lang kayong dalawa! H'wag kang umakto na parang syota kita kasi hindi naman! Hindi mo ako pag-aari! Ni hindi mo ako mahal!"

Natigilan siya. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay hinubad niya ang coat niya at ibinigay sa akin. Umalis siya ng silid na iyon at iniwan ako. Inis na isinuot ko naman iyong coat na iyon. Matangkad sa akin si Rigor kaya nagmukhang dress sa akin iyon. Inis na umalis rin ako sa silid na iyon. Gago si Rigor. Ang bastos niya. I had never been so humiliated in my whole life. Paglabas ko naman ng silid na iyon ay nakita ko sila ni Magnolia na nag-uusap. He seemed to be in a bad mood now. Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko silang dalawa. Nang makarating ako sa may front door ay naroon si Maurice, na para bang naghihintay. He gave me another coat and smiled at me.

"Mukhang nag-away kayo." He said in an amused tone. I made a face. "I'll take you back to his villa."

"I'll take her back to my Villa, Maurice. Thank you but really you shouldn't have done something like this."

"Oh really VI? Can I have my fiancé back now?" Sarcastic na tanong ni Maurise. Umalma naman si Rigor.

"Wala naman akong kinukuha sa'yo." Mariing wika niya. "Baka ikaw ang may kinuha sa akin."

Maurice laughed. "If she's going to choose you this time, you must know why and it's not because she's still in love with you."

I shook my head. Inis na ako, kung mag-aaway pala silang dalawa dahil kay Magnolia, maglalakad na lang ulit ako pauwi. Tumalikod na ako. Mukhang hindi naman nila napansin ang pag-alis ko. Habaang papalayo ako sa palasyo ay nakita ko ang SUV ni Rigor. Bumukas iyon at lumabas mula roon si Antonino. Sinenyasan niya akong sumakay roon. Kaysa naman mamatay ako sa lamig, sumama na ako sa kanya. Nagpupuyos ang damdamin ko habang nakasakay roon. Inis na inis ako kay Rigor. Gusto ko nang umuwi. Miss na miss ko na rin naman ang Mamay ko.

Nang makarating kami sa Villa ay agad akong pumasok sa kwarto ko. I let all the tears fall. Noon ko lang naramdaman ang panginginig ng buong katawan ko. Ang tapang ko kanina sa harapan ni Rigor pero heto ako ngayon takot na takot na. I was crying while holding on to the doorknob. I couldn't contain it anymore. Hindi ko alam kung para saan ang kalungkutang nararamdaman ko, dahil ba nami-miss ko ang pamilya ko o dahil sa katotohanan na may ibang babaeng nagligtas kay Rigor kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang sakit kasi. Naiinis rin ako dahil hinayaan ko siyang bastusin ako. PInalaki ako ng Mamay ko nang hindi ako nababastos nang ganito, but he did that to me and it's fucking agitating.

Inayos ko ang sarili ko. Naligo ako at nagbihis. Hindi na rin ako lumabas ng kwarto. Iyak ako nang iyak. Gusto ko kay Mamay. Gusto ko kay Papay – kahit na ayaw niya ako.

Bago ako tuluyang makatulog ay narinig kong may kumatok sa silid ko. Alam kong si Rigor iyon pero hindi ko siya pinapasok. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko alam kung ilang beses siyang kumatok basta nakatulugan ko na lang siya. Kinabukasan ay nagising ako dahil pakiramdam ko ay nagkakagulo sa ibaba. Sumilip ako sa may verandah. Nakita kong papaalis na si Rigor at si Antonino, siguro ngayon ang fourth task. Hindi na rin naman ako pupunta, wala na akong gana, ang gusto ko na lang ay ang umuwi.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon