Challenge # 28

74.5K 3K 234
                                    

Beginning

Violet's

Nagising ako ng bandang ala una nang hapon. Iniisip ko pa kung anong nangyari, kung bakit ba masakit iyong katawan ko saka iyong pempem ko tapos naisip ko na nag-honey moon na nga pala kami ni Rigor kaya pala masakit pero okay lang. Being not a virgin isn't so bad after all – lalo na kung sa taong mahal mo ibinigay ang sarili mo pero iba pa rin iyong pre-marital sex sa sex after the wedding, it's more special.

Sinubukan kong tumayo para lumabas. Wala na kasi si Rigor sa tabi ko, bukas iyong pinto ng silid namin at naamoy ko iyong kung anumang niluluto niya. Pagtayo ko, bigla akong napaaray. Hindi ko kasi mahakbang nang maayos iyong mga paa ko. Nanginginig ang binti ko tapos masakit iyong core ko. Napaupo ulit ako sa kama.

"Ling? Anong ginagawa mo?" I heard his voice. Napatingin ako sa kanya. Nakatalikod kasi ako sa pinto naming dalawa. Napangiwi ako.

"Sakit eh." I moaned. Natatawang lumapit sa akin si Rigor. Mukhang proud naman siya sa pinagsasabi ko at sa pinagagawa niya kanina. Medyo naka-tatlong rounds kami. Iyong pang – four, nipe-play na lang niya iyong clit ko saka iyong mounds ko sabi ko kasi masakit na. Sobrang nakakapang-hina naman pala kasi kapag madaming explosion. Iyong parang antok na antok na ako kaya lang kasi gusto ko pa.

"H'wag ka munang gagalaw, Ling, masakit talaga iyan. Mamaya magbababad tayo sa warm bath. Promise wala akong gagawin." Kinindatan niya ako. Ngumisi lang ako sa kanya. Napansin kong may dala siyang tray na may pagkain na. Fried rice saka omelet saka fruits – avocado, orages saka apple. Buti walang saging. Natawa pa ako noong makita kong may maliit na heart na gawa sa catsup iyong kanin niya.

"Ang sweet naman." Tumawa ako. Tumayo si Rigor para ikuha ako ng tshirt. Shirt niya iyon siya na rin ang nagsuot sa akin. Siya na rin iyong nagsubo sa akin hanggang sa matapos akong kumain. Nagkukwentuhan lang naman kaming dalawa habang kumakain. Panaka-naka ay naglalampungan. Ang sweet pala kasi niya kahit na puro germs siya.

"Ano iyan." Turo ko sa may dibdib niya. May peklat siya roon na parang eagle iyong hitsura.

"Seal iyan. Royal seal para kung sakaling mawala kami at hindi makilala, sa seal na ito makikilala kami ng mga magulang namin. Uso kasi dati iyong nawawala iyong mga royal kids so our family made sure that we will have our own mark. Subo pa." Sabi niya. Binuka ko iyong bibig ko. Matapos iyon ay tinanong niya ako kung ano daw ang gusto kong fruits, kinuha ko na lang iyong apple saka kinagatan iyon. Nagpaalam naman siyang huhugasan daw niya iyong plato. Pagbalik niya sa akin ay walang dalawang salitang binuha niya ako para dalhin sa bathtub sa loob ng bathroom. Nagulat pa ako dahil pati siya ay lumusong but then, it's okay. I like his warm skin against mine. Nakahilig lang ako sa dibdib niya at pinakikinggan ang tibok ng puso niya habang pinaglalaruan niya ang buhok ko.

Hindi ako nag-iisip ng sasabihin kasi gustong – gusto ko at kuntento ako sa katahimikan sa pagitan namin ni Rigor. Ewan ko ba pero damang – dama ko ngayong mahal ko talaga siya. Siguro nga never kong minahal si Eli, Eli as just someone I consider as my safe haven and that feeling I have for him, napagkamalan ko iyong pagmamahal. Si Rigor, ginulo niya ang buong pagkatao ko pero wala akong nagawa. He made me face all my fears, and he's partly the reason why I am back with my family again. Siya rin ang isa sa mga rason kung bakit nagawa kong harapin si Papay.

I looked at him and found him sleeping while his arms were around me. I smiled.

"I love you..." I said. "I really do..."

Bahagya pa akong nagulat nang magmulat siya ng mga mata.

"I love you more, my darling Violet, from here to there 'till my last breath. I love you so much."

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon