Gitara- Part 3

4.6K 119 3
                                    

Si ZEUS ------------- >>>>>>>>>>>

--

 Mag-isa ako ngayong Kumakain dito sa Cafeteria. Habang nakatingin sa Table ng Best Friend ko at ng GirlFriend nya.. Maya-maya, bigla nalang may umupo sa katapat kong upuan.

"Kapag Alam mo ng masakit sa Mata ang tinitignan mo, umiwas kana lang ng Tingin." sabi nya habang nilalapag sa Mesa ang Pagkain nya.

"Ano na naman kaylangan mo Zeus?" tanong ko sabay subo sa Lasagna ko.

"Gusto lang kita sabayan. Malungkot kapag walang kasabay." sabi nya ng nakangiti

"Tamaaaa!" bigla namang sulpot ni Nerd "Pasabay din ha?"

"Ano paba magagawa ko eh nakaupo na kayo. Tss" sabi ko sabay iwas ng tingin. nag-apir naman yung dalawa.

"Crystal, malapit na School Festival ah.. Anong Club sasalihan mo?" maya-maya'y tanong ni Nerd. malapit na nga. At dapat bawat estudyante ay may sasalihang Cub.

"Ikaw ano?" tanong ko..

"Ah,sa Music Club ako ehh.. Kakanta ako sa Last Day ng Festival. Gusto mo sumali? kasali din si Zeus dun" sabi na.. Napaisip ako. Nung nakaraan kasi ay dun din ako sumali. kami ni BestFriend. Ano kayang sasalihan nya?

"Sige." tipid na sagot ko, nag-apir na naman yung dalawa. "Sandali, ano nga pala pangalan mo?" tanong ko kay Nerd, kasi naman. Kaklase ko siya pero di ko alam pangalan nya. diba nga.Di ako nakikipag-usap sa iba ngumiti naman siya bago sumagot

"Lyka." sagot nya

 nang matapos kami ay Nagdiretso na kami sa Room, di na 'ko nakapag paalam kay BestFriend kasi wala na siya sa Cafeteria nung umalis ako.

"Crystal.." tawag ni Zeus. "Ah.. pwede ba na ano.. ahh. Mag Duet tayo sa Festival?" tanong nya. tinignan ko naman si Lyka at tumango-tango lang siya. Nagbuntong hininga ako bago tumingin kay Zeus

"Ok." sagot ko tapos pumasok na ko sa room,Narinig ko pang sumigaw siya ng 'yes' psh -__-

"Si Zeus, mabait.Gwapo,talented.At siguradong IKAW lang ang gusto. Eh si Matthew? BestFriend lang talaga ang tingin nya sayo." sabi ni Lyka ng makaupo siya.

"Oh.? Edi Pakasalan mo." sarkastikong saad ko.

"'to naman!" siya. di ko na siya pinansin, kinuha ko yung cellphone ko. Nagtext si Matthew,Punta daw ako sa Gym -__- Bakit na naman kaya.

Nung natapos ang klase ay agad akong dumiretso sa Gym tulad ng sinabi ni Matthew, pero pag dating ko dun, wala namang tao. Aalis na sana ako ng may magsalita sa Likod ko.

"So, Totoo nga? Na isang text lang ni Matthew, talagang pupunta ka?" humarap ako sa kanya. Tinignan ko lang siya pero hindi ako nagsalita. "Alam mo, nakakaawa ka. Nagpapaka tanga ka sa BestFriend mo! Pwede ba, Layuan mo ang BoyFriend ko!" sigaw nya. Psh, akala ko pa naman Mabait siya.

"Ano bang sinasabi mo?" malamig na tanong ko.

"Mag mamaang-maangan ka pa?! akala mo hindi ko alam? na Gusto mo si Matthew! Palagi kang dumidikit sa kanya! Bakit? Inaakit mo ba siya?!" gigil na tanong nya.

Gitara [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon