---
"Crystal!" napatingin ako sa Likod kung saan nag mula ang tawag. at nakita ko si Zeus. "Good morning =)" nakangiting bati niya ng makalapit siya sa'kin. Nginitian ko lang siya at Nagtuloy na ulit sa Paglalakad.. "Nag-almusal kana?" tanong niya.
"Oo." sagot ko..
"Next week na yun Festival. Pero Friday pa naman tayo kakanta." sabi niya.. Alam ko yun -__- di nalang ako nagsalita.. "Ah.. Crystal." ,muling tawag niya, huminto ako at humarap sa kanya
"Yung totoo? Ano talaga kaylangan mo?" tanong ko.. Napakamot naman siya sa Batok niya, sa totoo lang ay Gwapo si Zeus, Matangkad din tulad ni Matthew. Mabait din siya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan.
"Ah, wala. Nevermind." sagot niya.. Mabilis siyang tumakbo palayo. Psh. Problema nun? Nagtuloy nalang ulit ako sa Paglalakad.. Nang makarating ako sa Room ay Panay ang Bulungan ng mga kaklase ko, hindi ko naman maintindihan.
"Crystal!" tawag sa'kin ni Lyka.. "Alam mo na ba yung balita?" tanong niya, nagkibit balikat ako. "May Transferee daw! at wag ka! Ang Ganda daw! Pang Model ang Dating!" sabi niya na akala mo manghang-mangha
"Oh tapos?" tanong ko.
"Ay! Sungit naman nito. Hindi ka ba kinakabahan?" tanong niya
"Bakit ako kakabahan?"-ako
"Alam mo na, Yung Transferee, maganda, Hot, sexy. Tapos si Matthew, gwapo. Mabait. Almost Perfect! Hindi ka kinakabahan na Magkagustuhan silang dalawa?" napaisip ako sa tanong niya.. Hindi naman siguro. Tsaka ok lang yun, sinabi naman sa'kin ni Matthew na kahit may GF siya ay ako padin ang Number one sa puso niya. Nagkibit balikat nalang ako sa tanong ni Lyka..
"Ang alam ko, napunta siya sa Section ni Zeus at Matthew.. Tsk. Tsk." sabi niya ng umiiling iling pa. "Wag ka mag-alala, dahil Loyal naman sayo si Zeus! Haha!" pagtutuloy niya. Baliw na 'to
Lumipas ang Oras , Nagpunta kami sa School Garden ng matapos kaming Kumain. Kasama ko si Lyka at Zeus kanina pero umalis saglit at nagpaiwan ako.. Muli kong nilalanghap ang sariwang hangin. Napaka payapa talaga dito, Tahimik.
"Best Friend! Nakita ko na siya =))" napadilat ako ng mata, nakita ko si Matthew sa tabi ko
"Ha? Sino?" tanong ko.. mukha kasi siyang masaya
"Yung babaeng ... Mahal ko.." Nakangiti niyang sabi.. Naramdaman ko ang pag-iiba ng Emosyon sa mukha ko, yung babaeng mahal niya? mahal agad?
"T-talaga? Co-c-congrats Best friend! s-sana .. sana maging masaya ka sa kanya.." nauutal na sabi ko. Bakit bigla akong kinabahan? Dahil ba mawawala na naman sa'kin ang oras at atensyon niya?
"Ikaw talaga! siyempre naman magiging masaya ako sa kanya! balak ko na nga siyang ligawan e" lalo akong nakaramdam ng Lungkot at kaba, Ligaw?
"Sino yung Girl?" tanong 'ko
"Si Sheena.. Dati ko siyang, hmm. Ex? I mean. Puppy Love lang, siya ang First Girlfriend ko at kababata ko din siya. Nakilala ko siya nung Hindi pa kita nakikilala. Kaso, nagkahiwalay kami dahil umalis siya." sagot niya. Halata sa Kanya ang pagiging masaya.
BINABASA MO ANG
Gitara [Completed]
Fiksi Remaja©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..