si LYKA yung nasa side --->>>
---
"Crystal, nakaisip kana ba ng Kakantahin na'tin?" Bungad na tanong ni Zeus Pagkaupo ko sa Cafeteria.
"Wala pa eh. Ikaw?" Balik tanong ko.
"Lucky nalang kaya?" tanong niya. Si Lyka ay nakikinig lang sa'min. Halos isang linggo na din kaming laging nagkakasama, Busy din kasi si Matthew sa Pagpra-practice ng Basketball.
"Bakit iyon? Bestfriend ba kita?" tanong ko.
"Hindi, pero bagay sayo yung Kanta.. 'Im Lucky im Inlove with my Bestfriend...~'" siya, habang kinakanta yung lucky. -__-
"Ayoko nun." maikling sagot ko. Ayoko naman talaga nun, Baka kung ano pa ang isipin ng Iba. tsk.
"Aha!" napatingin naman kami sa Biglanag pagsigaw ni Lyka kaya napatingin kami sa kanya. "Eh kung mag search kaya tayo ng Magandang Kanta? Yung Duet talaga?. Wait." tapos nilabas niya ang Cellphone niya. palibhasa, may WiFi dito sa Cafeteria.. Nakatingin lang kami sa kanya habang siya ay tutok na tutok sa Cellphone niya. "Eto, Maganda 'to." Tapos Pinatugtog niya.. Napa Pokerface naman ako ng Marinig ko yung kanta -__-
"Bakit naman yan?" tanong ko
"Oo nga, If ever you're in my arms again? Para lang sa mag ex yan eh." sabi naman ni Zeus, sumang-ayon naman ako.
"OA niyo ha! Para naman sa mga manonood 'to eh, kaylangan niyo silang pakiligin!"-Lyka
"Hmm.. Pwede din, ano sa tingin mo Crystal?" tanong ni Zeus, Inubos ko muna yung Mountain dew ko bago sumagot.
"Ok lang." sagot ko, tumayo na 'ko "Tara na." pag-aya ko sa kanila. Sumunod naman sila sa'kin. Napahinto naman ako ng Makita ko si Matthew.
"Best Friend!" tawag niya sa'kin.. "Kumain kana?" tanong niya.
"Hmm.." sagot ko habang tumatango-tango.
"Ganun ba,Punta kana sa Room mo?" tanong niya. Tumango ulit ako. "Hatid na kita." nakangiting sabi niya.
"Naku, Wag na Best. Mag Lunch kana muna dun. Late na oh. Tsaka, may kasabay naman ako eh." pagtanggi ko.. Tinignan niya naman si Zeus at Lyka. tapos tumingin ulit sa'kin
"Naks! Nakikipag -usap kana sa iba =)) Ok yan, para pag wala ako may makakasama ka." sabi niya tapos kinurot ang pisngi ko.. "Sunduin nalang kita mamayang Uwian, sabay tayo umuwi. Ok?" sabi niya..
"Ok." nakangiting sagot ko. Ginulo niya naman ang buhok ko tapos naglakad na ulit siya kasama ng mga kabarkada niya.. Sinundan ko lang siya ng tingin. Napangiti ako ng muli siyang sumulyap sa'kin..
"Huy!" pag-agaw pansin ni Lyka. "Kanina kapa nakangiti diyan, nakasimangot na yung isa dito ohh." sabi niya sabay turo kay Zeus, Tinignan ko naman si Zeus pero umiwas siya ng tingin.
"Tara na." sabi ko at nauna nang maglakad. Hinawakan ko ang Pisngi ko.. Napangiti na naman ako.. Inlove talaga ako sa Bestfriend ko.
si Zeus? Matagal ko na siyang kakilala, pero di ko naman siya Close. Kumbaga, magkalevel lang ang tingin ko sa Kanila ni Lyka. Friends lang. Pero matagal ng umamin sa'kin si Zeus dati na gusto niya ko, pero ni-Reject ko , dahil kay Matthew. Alam ko nasaktan ko siya nun, pero anong magagawa ko? Kesa naman mag sinungaling ako at sabihin na gusto ko din siya gayong si Matthew naman talaga ang gusto ko? Mas mabuti na yung Sabihin ko na sa kanya ng mas maaga pa, kesa patagalin ko pa. Lalo lang siyang aasa.Lalo lang siyang masasaktan.
Lumipas pa ang Oras.. at ngayon, uwian na.. Nandito ako sa Tapat ng Gym dahil ang alam ko may practice pa si Matthew, ayoko naman pumasok sa loob dahil sigurado ako na Nandun si Krissa. Ayoko na ng Gulo.
Nakasandal lang ako sa Pader.. 5minutes na 'kong nakatayo dito. Maya-maya lumabas ang mga Cheering squad. Nagtatawanan pa sila, kasama si Krissa. Huminto sila ng makita nila ako.
"Ohhh, nandito pala ang Dakilang Bestfriend." sarkastikong saad ni Krissa, nagtawanan naman sila. "Sinong inaantay mo? si Matthew?" tanong ulit niya, di ko nalang siya pinansin.
"Baka si Matthew nga." sabi nung isa.
"Well, kung ako sayo, Uuwi na 'ko at di ko na sasayangin ang oras ko sa paghihintay sa lalaking kanina pa wala diyan." sabi ulit ni Krissa, Napatingin ako sa kanya. "Bakit? Hindi niya ba sinabi sa'yo na Hindi kayo magsasabay umuwi?" tanong ulit niya. Imposible, sinabi kanina ni Matthew na sabay kaming uuwi. Nagpunta na nga ako dito sa GYM kasi ang tagal niyang dumating sa Room kanina.Tinignan ko lang siya. "Ayaw mo maniwala? hmm, Ok, Buti nga Concern ako sayo, dahil kahit papano,Babae ka din tulad ko. Let's go girls!" sabi niya tapos umalis na.. Napabuntong hininga ako, tinignan ko yung oras. 6:30pm na. Nakita kong naglabasan na ang Mga Player ng Basketball. Pero wala si Matthew, Lumapit sila sa'kin
"Crystal! Bakit andito ka pa? Mag gagabi na ah." sabi ng isang kabarkada ni Matthew.
"Nandito paba si Matthew?" balik tanong ko, Nagkatinginan naman sila..
"Hindi niya ba nasabi sa'yo? Nauna na siyang umuwi. May kasama siyang Babae kanina, ihahatid niya daw." sagot niya. Napabuntong hininga ako.. Ok, Nag-antay ako sa wala. Dapat hindi niya nalang sinabi kanina na Sabay kami, kung may isasabay pala siyang iba.
"Sige salamat. Mauna na 'ko ha?" paalam ko sa kanila.. Naglakad na 'ko paalis.. Haayss. Eto na naman ang Luha ko,.
Ganito ba talaga ako?
Tanga, Martyr..Palaging umaasa. Mali ba na Nainlove ako sa Bestfriend ko? Pero hindi naman maiiwasan yun diba? Nasanay na 'ko na palagi siyang nandiyan.. Ang tanga ko!!
Nakarating ako sa Apartment ng di ko namamalayan. Naligo ako at Nagbihis na ng Pantulog. Wala akong gana kumain.. Nakahiga lang ako habang iniisip ang tamang gawin.
Dapat ko na bang ihinto at pigilan ang Nararamdaman ko?
Pero, paano? Mahirap eh.. Sobrang hirap..
Lumakas ang ihip ng hangin na Pumasok mula sa nakabukas kong bintana. Tumayo ako at saka ito isinara.. Ngunit pag dungaw ko sa Bintana. Muli kong nakita ang Pigura ng isang lalaki sa Di kalayuan. Tulad ng dati ay nakatingin lang siya sa'kin.. Pero hindi ko maaninag ang Mukha niya. Nag-umpisa siyang maglakad palayo. Nagkibit balikat nalang ako. Baka tambay lang. Pagkasara ko ng bintana ay muli akong nahiga.. Ipinikit ko ang mata ko. At muling tumulo ang luha ko..
Naghiwalay ang Parents ko.
Umalis ang Mommy ko at sumama sa Ibang lalaki, at ngayon ay may Pamilya na sila
Si Daddy, nasa ibang bansa naninirahan dahil nandoon ang Kompanya niya.
Nakilala ko si Matthew nung Panahong sobrang Lungkot ng Buhay ko.
Palagi akong pinapadalhan ng Pera ni Daddy, kahit ayaw niya sa'kin. suportado niya ako. Ganun din si Mommy.
Pero anong gagawin ko sa Pera nila?
Ang gusto ko lang naman ay ang Oras at Atensyon nila, hindi ko kaylangan ng pera nila.
Dumating si Mattew at Nilagyan muli ng Kulay ang mundo ko.. Nasanay ako na Palaging siya ang kasama ko. Nasanay ako na palagi siyang Nandito.. at di nagtagal, nainLove ako sa kanya.
Tama nga ba na Minahal ko siya?
Minsan tinatanong ko si God, bakit sa dinami-rami ng pwedeng ibigay sa'kin. Yun pang taong nakakainlove sa sobrang bait at gwapo? Pero naisip ko, siguro ay may dahilan si God. siguro ay ito ang tadhana ko.. Ang maiwanan, at magmahal ng Taong hindi dapat.
![](https://img.wattpad.com/cover/13872409-288-k133868.jpg)
BINABASA MO ANG
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..