Gitara-Part 10

3.9K 111 7
                                    

A/N: Hello ! =)) Sana po ay Masuportahan niyo din ito at yung iba ko pang istorya, tulad ng Pagsuporta niyo dun sa, Si MANHATER at Si PLAYBOY.

 Salamat! <3

JAM --->>>>>

-----

 Dalawang araw na ang nakalipas mula nung Binalita saakin ni Matthew na sinagot na siya ni Sheena. At simula nun, Hindi na 'ko gaanoong lumalapit o dumidikit sa kanya. Ayoko kasi ng gulo, baka kung ano pa isipin ng Girl Friend niya. Kahapon nga eh Inaaya akong sumabay ni Matthew sa Kanilang MagLunch. Tinanggihan ko. Kapag nakikita kong Palapit siya sa'kin, Lumalayo ako. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito, Gusto ko siyang Layuan.

Huwebes na ngayon at Karamihan ng Estudyante ay Nasa loob ng Gym. Ngayon ang laban nila Matthew. Hindi ko alam kung manonood ako. Rinig ko ang sigawan sa Gym. Kanina pa nag-umpisa ang Laro. Tumayo ako at Naglakad patungo sa Gym. Kaylangan kong tumupad sa Pangako.

 Pag pasok ko ay Napakaraming Estudyante. Sumiksik ako tapos tumayo sa Gilid. Nahagip agad ng Paningin ko ang Pagod na pagod at Puro pawis na si Matthew. sa Gilid ng Bench ay Nakaupo naman ang Girl Friend niya. Napabuntong hininga ako. maganda siya. Sobra. Ano nga namang laban ko diyan?

 Matatapos na pala ang 3rd Quarter ng Pumasok ako. Lamang ang Kalaban nila Matthew ng Limang Puntos. Tumawag ng Time-out ang Kalaban. Nagtungo sa Kanya-kanyang upuan ang Mga Player. Nakita kong Inabutan ni Sheena ng Tubig at Bimpo si Matthew. Napasinghap ako, dati ay ako ang Gumagawa niyan. Nakangiting tinanggap ito ni Matthew. Nagpalinga-linga si Matthew na akala mo ay may hinahanap. Ng mapagawi ang Tingin niya sa kinaroroonan ko ay ngumiti siya at Tumakbo papunta sa'kin.

 Hala. Gusto kong tumakbo palabas pero di makagalaw paa ko..

"Best Friend!" nakangiting bungad niya ng makalapit ako. "Kanina pa kita hinahanap, akala ko hindi kana manonood." saad niya. kinurot niya ang Pisngi ko. "Halika, dun ka sa Mahahagip ka ng Paningin ko.. alam mo namang ikaw ang L--ajshlglh" hindi ko narinig ang kasunod ng sinasabi niya dahil nagtilian ang mga estudyante.

"Ha?" tanong ko. Ngumiti siya sa'kin at ginulo ang Buhok ko. Pinaupo niya ako sa Tabi ng GIRLFRIEND niya -__- awkward ang feeling ko. Muling kinurot ni Matthew ang Pisngi ko ng nakangiti.

"Diyan ka lang ha?" saad niya bago tumakbo patungo sa Gitna. Napatingin ako sa Girlfriend niya. At halos mapaatras ako sa Gulat ng nakangiti ito habang nakatingin sa'kin. Nginitian ko nalang din siya. Maya-maya pa'y nagsalita siya.

"Sobrang Close pala talaga kayo." saad niya.. Parang may lungkot sa  Boses niya. Nagseselos siguro -__- si Matthew kasi. Tsk

"Naku, Ganun lang talaga yun. Para niya akong Nanay. He-he" awkward na saad ko. Ngumiti ulit siya.

"Ako nga pala si Sheena." pormal na pagpapakilala niya habang inaabot ang kamay saakin. Hinawakan ko naman ang kamay niya

"Crystal." sabi ko.. Nagbitaw kami ng  Kamay at muling nanood ng Laro. Hawak ni Matthew ang Bola, pero may mga nakaharang sa Kanya. Luminga-linga siya para mahanap kung kanino pwede ipasa. Pero masyadong mahigpit ang bantay ng kalaban. Tumingin si Matthew sa Pwesto namin at ngumiti. Bahagya siyang Tumalon at inangat ang kamay.. Inihagis ang Bola patungo sa Ring at..... SHOOT!! napangiti ako. Ang galing talaga. Muling nangibabaw sa sigawan ang Pangalan niya. Napakagwapo niya padin kahit pawis na siya. Muling nagpatuloy ang Laban at maya-maya, nagtatalunan na ang mga katabi ko. Panalo sila matthew =)) Lumapit saamin si Matthew ng nakangiti.

"Best! Sama ka sa'min ha?" saad niya.

"Ha? Saan?" tanong ko.

"Sa malapit na bar, Celebration.!" nakangiti ulit na saad niya. Tumango nalang ako. Di ko siya kayang tanggihan eh -__-

Gitara [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon