Nang makalapag ang eroplanong sinakyan ni Vivian agad naman siyang kumuha ng ticket papuntang San Isidro ang lugar kung saan siya mamalagi habang nasa Pilipinas siya. Hindi niya alam ang lugar na yon ngunit may tiwala siya sa kanyang kaibigan na hindi siya nito ipapahamak.
"Nakalapag na ang aking sinasakyan and I came safely" tawag ni Vivian kay Lucy at nakahinga namin ito ng matiwasay "And now I going to get a plane ticket for San Isidro."
"Lola Nora called me by the way, and she said that susunduin ka na lang sa Airport para hindi ka na raw mahirapan masyado"
"Nakakahiya naman kaya ko naman na."
"No. no Lola insist nag-aalala lang kasi sayo and nung malaman niya na Prinsesa ka nag alala talaga siya and she want you to be safe."
"What she knows about who am I ?“
"Yes, I'm sorry friend but I can't lie to Lola and she didnt stop asking me who you really are but dont worry its between you, me and Lola . And she promise that she won't tell to anyone."
Nakahinga naman ng maluwag si Vivian sa sinabi ng kaibigan siya na ang bahala dito. Pag katapos ng kanilang mahaba habang usapan naisipan narin narin niyang kumuha ng ticket. At muling naghintay sa susunod niyang pupuntahan.
Nangmakababa si Vivian sa eroplano hinanap agad niya ang pangalan na nakalagay sa karatula na sinasabi ng kanyang kaibigan upang makilala niya si Lola Nora. At nang makita niya ito ay agad naman itong ngumiti at nilapitan ang matanda.
"Kayo ho ba si Lola Nora." Ngiti nitong sabi sa matanda na sa tantya niya ahy nasa edad 58 na at hindi maipagkakaila na malakas na malakas pa ito dahil sa maaliwalas nitong mukha.
"Aba'y Oo ire! Naku napakagandang bata mo naman at tignan mo nga naman na marunong ka palang managalog Iha!" masaya nitong sabi sa dalaga na hindi mawala sa mukha nito ang pagkamangha nito sa kanyang kagandahan. Maging ang kasama nitong binata na namamangha rin ito sa kanya.
"Naku Lola hindi naman po at Opo marunong po akung magsalita ng Tagalog, Filipino po kasi si Mama."
"Aba'y ganun ba iha at siya pala ito ang aking apo na si Nilo, ay siya at humayo na tayo nang hindi tayo maabutan ng gabi." Bumati naman ang binata sa kanya at sumangayon sa matanda sa kanilang pag alis.
Nang makasakay sila sa tricycle na ngayon lang nya nasakyan ay tinanung niya si Lola Nora kung ito na ang San Isidro ngunit hindi pa daw ito San Isidro dahil malayo layo pa ang San Isidro at dalawang oras pa ang biyahe. Habang nasa daan ay nagkwentohan sila ng kung anung bagay bagay tungkol sa kanya at sa buhay nang mga taga San Isidro. At mukhang magugustuhan niya ang lugar na iyon kahit na ngayon lang niya ito mararanasan sa kanyang buhay. At kahit na nagaalala sa Ama at sa Inang hindi parin gumigisng ay nananalangin parin siya na sana ay maunawaan ng Ama ang kanyang nais gawin sa buhay ang mapuntahan ang Pilipinas.
Nakagaanan narin niya ng loob si Lola Nora dahil sa pagiging maligalig nito sa buhay at sa kabaitan nito. Napag usapan narin nila ang tungkol sa kanyang pamamalagi nito sa puder niya at magiging Apo nito ni Lola Nora. At pumayag narin siya dito. Bahala na kung anung mangyayari pipi nitong sabi sa isip.
"Sakto ang iyong pagdating sa San Isidro Apo, dahil nalalapit na ang fiesta roon na ginaganap tuwing katapusan ng Hunyo na ginaganap ng limang araw, siguradong matutuwa ka nito." Natuwa naman si Vivian sa narinig at excited na siya sa mangyayaring kasiyahan sa Baryo ng San Isidro. At nang sinabi ni Lola Nora na malapit na sila ay palinga linga siya sa buong paligid at hindi niya maipaliwanag sa sarili ang kasiyahan.
Nahagip ng kanyang mata ang mansyong nakatarak sa mataas na lugar kung saan sabi ni Lola Nora na ito ay Villa Montenegro. Kung saan sila ang pinakamayaman sa buong San Isidro."Abay sa wakas narito na tayo Apo, at paniguradong ika'y nagugutum na at pagod." Nang makababa sila ay siya namang paglabas ng isang batang babae at isang matandang lalaki na nasisigurado niya na asawa ito ni Lola Nora.
"Lola! Lola narito na pala kayo!" Salubong sa kanila ng batang si Lilay sa siyang narinig niyang pagtawag sa kanya ni Lola Nora. Nalingon naman ang sa kanya ang bata at agad naman niya nginitian ng buong puso. Natuwa naman siya nang makita nya itong napanganga sa kanya. At mukhang nagtatanung ang kanyang mga mata.
"Ahh nga pala siya si Vivian at simula ngayon ay mananatili na ito sa atin." pakilala naman ni Lola Nora kay Lilay upang ito'y maliwanagan. Natuwa naman si Lilay sa balita ni Lola Nora at nasabihan pa siya nitong mukhang prinsesa dahil napakaganda niya raw ito.
"Ahy siya pumasok na tayo at kumain para makapahinga na si Vivian buhat nang kanyang mahabang bihahe."
At nang makapasok na sila ay agad naman silang kumain at mukhang nasarapan naman si Vivian sa nilutong tinulang manok na ngayon lang niya natikman."Dito pala ang iyong magiging silid, silid ito ni Lucia(Lucy) nang siya ay nalalagi pa rito, o siya magpahinga ka na at bukas na tayo magkukwentuhan."
"Sige po Lola Nora at maraming salamat narin po sa lahat."
"Walang anuman iha, oh siya ikaw nay magpahinga para makabawi ka ng lakas." Nang makaalis na ang matanda ay agad naman itong nagpalit ng damit at pabagsak na nahiga sa kama. At bago pa siya makapagmuni muni ay iginapo na siya ng antok dahil sa kapaguran.
mai_hime
BINABASA MO ANG
THE DARK LOVE SERIES: Princess in Disguise
RomanceTHE DARK LOVE SERIES: Princess in Disguise by: mai_hime Vivian Kate Thompson wants to have a simple life away from being rich, tumakas siya sa marangyang buhay. At napunta siya sa isang lugar na makakapagparanas sa kanya ng kakaibang karanasan na...