Kasalukuyang nakaupo at kumakain ng hilaw na manggang kalabaw sina Vivian at Lilay sa silong ng mangga at mukhang sarap na sarap ito sa kanyang kinakain. Habang si Lilay naman ay pinagtatalop siya ng kakaining mangga.
"Masarap po ba ate Vivian?" Tanung ni Lilay ng mapansin nitong sarap na sarap ito sa kinakain. Nginitiian naman siya nito bago niya ito sagutin
"Oo Lilay, sobrang sarap nito at nakakatakam ngayon lang kasi ako nakakain ng ganitong klaseng mangga." Mahaba nitong sabi sa bata na nakikinig sa kanyang sinasabi.
Matapos niya itong sabihin sa bata ay tumanaw siya sa malayo kung saan makikita rito ang napakalaking hasyenda ng mga Montenegro kung hindi siya nagkakamali sa dinig niya kay Lola Nora ng makita siya nitong nakatanaw roon. At muli niyang naisip ang sinabi ni Lola Nora sa kanya tungkol sa pamilyang Montenegro.
Nakita siya ni Lola Nora na nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Montenegro kaya siya nilapitan nito.
"Apo kamusta ang tanawin?" Anang ng matanda sa kanya.
"Opo Lola, napakaganda kasing pagmasdan ang buong paligid at halatang alagang-alaga ang buong lugar at mukhang matataba ang lupa!" Sagot nito sa matanda habang nakatanaw parin.
"Sadyang maganda talaga ang pangangalaga sa lupain na iyan dahil narin sa tulong ng mga taohan o ng mga tao rito na nagtatrabaho sa hasyenda. Lahat ng tao rito sa atin ay diyan din kumukuha ng hanapbuhay. Maganda rin kasi ang pakikitungo ng nina señor at señora sa mga tao dito sa atin." Mahabang kwento ng matanda sa kanya at natuwa siya sa sinabi nito.
"Sino ho sila Lola?" Kuryosidad niya.
"Ahh sila ba, sila lang naman ang mga tao na nakilala ko na sobrang bait sa kanilang nasasakupan. Alam muna yung iba kasi na mayayaman na wala silang pakialam sa mga taong kanilang nasasakupan basta kumita lang sila ng limpak-limpak na salapi kuntento na sila ngunit ibahin mo sila Señor Arthuro Lucas Montenegro at Señora Aviona Marie Montenegro dahil sadyang likas na sa kanila ang pagiging mabait, maalalahanin, maunawain, mapagmahal at makadiyos silang tao." Talaga namangha si Vivian sa kaniyang narinig sa Lola at muli siyang nakinig sa matanda.
"Kung may kailangan ka na hindi mo na kayang solusyonan lumapit ka lang sa kanila at agad ka nilang tutulungan, kahit anung problema. Problema sa pera, sa lupa, sa sakit at iba pa."
"Hindi po ba nagttake advantage ang iba dahil sa pagiging mabait nila Lola kung hindi niyo po mamasamain ang aking katanungan?"
Nahihiya nitong tanung sa matanda. Natawa naman si Lola Nora ng makita nito ang kanyang mukha na talagang nahihiya ito.
BINABASA MO ANG
THE DARK LOVE SERIES: Princess in Disguise
RomanceTHE DARK LOVE SERIES: Princess in Disguise by: mai_hime Vivian Kate Thompson wants to have a simple life away from being rich, tumakas siya sa marangyang buhay. At napunta siya sa isang lugar na makakapagparanas sa kanya ng kakaibang karanasan na...