Nang makababa naman si Ivo buhat ng makarating sa Hasyenda ay nakita na niyang naghihintay ang kanyang Ina sa bungad ng kanilang mansyon kasama ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid na sina Amanda at Keith.
"Ivo! Anak buti naman at nakauwi ka ng maayos!" Natutuwang turan ng kaniyang pinakamamahal na Ina. At binati siya nito ng mahigpit na yakap.
"Mama alam mo namang hindi ko kayo matitiis. I miss you mama!" Barito nitong sabi sa Ina at niyakap niya rin ito ng pabalik.
"Kuya Ivo!" Sabay namang bati sa kanya ng dalawang kapatid at niyakap rin niya ang mga ito. Ang mga katiwala naman ay binati rin siya ng buong kagalakan. Nang makapasok na ang mga ito ay agad niyang hinanap ang Ama at ang sabi ng Ina ay nagpunta ito sa barangay at baka mamaya ay darating narin ito.
"Kung ganun ay magpapahinga muna ako mama and call me when the dinner comes." Aniya sa Ina. At agad namang sumang-ayon ang Ina. Dumiretso narin siya sa kanyang silid ng kanyang maisarado ang pinto ay agad siyang nahiga sa kama at doon narin niya naramdaman ang sobrang pagod buhat ng mahaba haba nitong biyahe. Hindi pa siya nakakapahinga ng matagal ay agad namang nagring ang kanyang cellphone. He groans in annoyance. Pagalit nitong kinuha ang cellphone na nasa bulsa at tinignan kung sino ang walang hiyang tumawag sa kanya at ito ay walang iba kundi si Kenneth the Annoying creatures. Natawa naman ito sa naisip at agad na sinagot ang tawag.
"What!" Nababagot nitong sagot sa kabilang linya.
"Hello to you there! Man hahaha." natatawa nitong sabi at agad naman itong naiinis, napakadali talaga nitong maiinis ngayon lalo na at pagod siya.
"What do you want! Tell me now, pagod ako at kakarating ko lang dito sa hasyenda!"
"Ok! Ok! Man, were going there pala tita Aviona invite us to come in there since you are home now! Magpaparty raw mommy in the end of the Fiesta as a welcoming party mo. At imbitado ang lahat diyan. Hahaha mukhang di pa nasasabi sayo ng mommy about that kaya bahala ka na. Bye!" Pagkatapos niyang sabihin yon ay agad siya nitong binabaan. Napabuntong hininga nalang siya mamaya nalang niya kakausapin ang Ina at alam niyang wala na siyang magagawa kung ito na ang nagdisisyon. Makalipas ng ilang minuto ay sa wakas ay nakapagpahinga narin siya.
Tok! Tok! Tok!
Mabining katok ang nagpagising sa kanya at ng tignan niya ang oras ay alas otso na ng gabi at apat na oras itong nakatulog. May kumatok muli sa kanyang pinto at siya ay sumagod.
"Sino yan!" Tanung niya habang siya ay tumatayo mula sa kama. "Señorito pinapatawag na po kayo ng inyong Ina para maghaponan." Sagot nito sa kanya sa sinabi na susunod na siya. At nang makababa na siya ay nadatnan niya ang mga ito sa mesa kasama na roon ang Ama na agad naman niya itong binati. "Papa!" Magalang nitong bati sa Ama. "Iho! buti naman ay nakauwi ka ng matiwasay. Nakapagpahinga ka na ba ng mabuti!" Sinagot naman niya ito at pinaupo na siya para silay makakain na habang kumakain ay nagsalita muli ang Ama nito."Sya nga pala may medical mission bukas ng umaga para sa mga taga barangay baka gusto mo. Bukas pa naman ng gabi magaganap ang kasiyahan." Sabi nito sa kanya since isa rin siyang doktor at nakagawiian na sa kanila na bago maganap ang programa para sa mga tao sa San Isidro ay may mangyayaring Medical Mission. Ang mga tumutulong ay mga kagaya niyang doktor at mga taong gustong magbulontaryo para tumulong. At pumayag narin siya tuloy tuloy narin silang kumain ng tahimik. At nang silay matapos muli na namang nagsalita ang Ama "Siya nga pala may nabuluntaryo na para sa mga magpapacheck up sa ngipin hindi siya dentist pero isa iyon sa mga propisyon na kinukaha niya bilang isang doktor." Agad naman siyang natuwa dahil dito sa wakas ay hindi na sila mahihirapan sa paghahanap."Buti naman po kung ganun Papa. Taga saan po siya?" Itinuloy nalang nila ang usapan sa sala kasama ang Ina at mga kapatid. "Sinabi mung isa sa mga kinuha niya bilang doktok. Anu ibig sabihin nun mahal?" Tanung sa kanya ng asawa. "Ahh. Yung tanung mo anak, taga diyan lang siya sa barangay, Apo siya ni Nora galing ito Germany at kahapon lang ata ito nakarating. As you ask love mukhang marami itong kinuha sa medical field. makikilala mo rin siya tomorrow." Nang marinig niya iyon ay naging interesado ito sa kanya. Curiosity kills the cat ika nga nila.
"Pwede po ba akung magpacheck Dad?" Tanung ni Keith sa Ama. At natuwa naman ito dahil sa pagpayag ng Ama. Nang matapos ang pag uusap ay nagtuloy tuloy na ito sa kanyang kwaryto para magpahinga. Nang tignan naman niya ang cellphone ay may message sa kanya si Kenneth na darating ang mga ito bukas ng alasingko.
"Lola anu po sinabi ni kapitan?" Tungkol sa bagbubulontaryo niya sa Medical Mission. "Pumayag na si kapitan at natutuwa pa nga ito ng sa wakas ay may nagbulontaryo na Dentista noon kasi ay hirap sila sa paghahanap. At alam narin iyon ni Señor Lucas." Pahayag sa kanya ni Lola Nora at natuwa siya na pumayag sila. "Buti naman kung ganun Lola, anung oras po pala Lola?" "Ang sabi ay 7 kaya dapat nanduon ka na ng maaga may meeting pa kasi." Nang malaman niya iyon at nagpaalam na rin ito sa kanya para makapag pahinga na ito. Siya naman ay nagpalamig pa ng konti bago tumuloy sa kanyang silid. Naabutan naman niya si Lilay na natutulog na sa kanyang kama, noong isang gabi pa kasi ito nagpaalam kung pwede silang magtabi at di naman siya tumangi because she find out that Lilay is a sweet child. Nang makahiga na siya ay iniisip nito ang mangyayari bukas at ipinapanalangin niya na sana magiging maganda ang araw bukas. Hindi namalayan ni Vivian na nakatulog na siya.
Kinabukasan ay naghanda na si Vivian at suot narin nito ang Doctors Coat na bagay na bagay daw sa kanya lalo raw itong gumanda. Natuwa naman siya sa mga sinabi nila sa kanya. Pagkatapos kumain ay sumakay na sila sa tricycle papuntang barangay at nakita niyang marami ng naroon. At nang makababa siya ay siya rin ang paglingon ni kapitan at nilapitan sila at inaya na para pumasok. Kahit na medyo naiilang ay tuloy tuloy lang siya ng nakayuko.
"Ahh! Mukhang narito na sila Nora at ang apo niya! Sandali lang po señor at señora at susunduin ko lang po sila." Sinundan naman nila ng tingin si kapitan at sa tricycle ito patungo kaya tinignan nila iyon at mula roon ay lumabas si Nora hawak ang apo at kasunod doon ay ang babaeng matangkad, maputi nakasuot ng puti at ng lumingon ito sa gawi nila ay namangha sila sa ganda nito maging Ivo ay natulala dito. Ngunit sandali lang ang iyon dahil agad itong nagbaba ng tingin. "Iyon ba ang Doktor na Apo ni Nora? Aba'y napakagandang bata." Lumapit sa kanila ang sekretarya ng kapitan at inaya sila na pumasok sa opisina. Nang makarating sila ay agad na nakita ni Ivo ang babaeng nakaupo sa mahabang mesa na nakatalikod sa kanila. Nang makita sila ng mga ito ay agad naman silang tumayo at nagbatian. "At siya nga pala Señorito at señorita siya po pala si Vivian ang nagbulontaryo bola ng dintista. Vivian iha sila pala ang pamilya Montenegro ." At nang humarap si Vivian sa kanila ay namangha sila sa ganda nito ngunit agad na nakabawi ang mag asawa ay nakipagkamay ang mga ito sa kanya at buong puso niya itong tinanggap. And she face the Montenegro siblings at nakipagkamustahan kina Amanda na natuwa sa kanya si Keith naman ang namumula ang pisngi ng hawakan nito ang kamay niya at hinalikan sa pisngi. Na ikinatawa naman ng mga matatanda na naroon. Doon lang nakahuma si Ivo ng makikipagkamay na si Vivian sa kanya. "I'm Doctor Vivian Kate, you must be the Doctor na anak nila Señor at Señora!?" malambing na wika nito sa kanya at nakipag kamay nang magkadaupang palad sila ay nakaramdam siya ng kakaiba maging si Vivian. "I'm Ivo Montenegro, yes I'm a doctor. Panganay na anak nila Mama at Papa kinagagalak kitang makilala Vivian." Malamig nitong sabi para maitago ang pagkabigla.
to be continued! :)
mai_hime
BINABASA MO ANG
THE DARK LOVE SERIES: Princess in Disguise
RomanceTHE DARK LOVE SERIES: Princess in Disguise by: mai_hime Vivian Kate Thompson wants to have a simple life away from being rich, tumakas siya sa marangyang buhay. At napunta siya sa isang lugar na makakapagparanas sa kanya ng kakaibang karanasan na...