CHAPTER 6: BULLY

32 3 1
                                    

Chapter 6: Bully

Harley's P.O.V

"Hey! Go away!!" Sabi nung alipores ni Samantha. Hindi ko siya pinansin.


"Hey!! I said go away!! Jaan kami mag t-table!!" Sigaw nung isa sa'kin pero hindi ako natinag. Mag hanap sila ng ibang table. Nauna ako dito.


"Hoy! Hindi ka ba aalis jan?" Sabi nung isa.

"May naririnig ka ba hah?!" Sabi nung babaeng maputi na akala mo harina tapos ang kapal ng make-up. Kilala ko siya, hindi pa rin siya nagbabago.


"Nauna kasi ako dito. Kaya maghanap kayo ng iba. Hindi yung nang-aagaw kayo. Walang nakalagay na naka reserved 'tong table." Kalmadong sabi ko sa kanila. Subukan lang nilang saktan ako baka may gawin ako sa kanila.


"Ohhh, kilala mo kami? Isa ka rin ba sa na bully namin?" Tanong ni Charlize at tumawa naman sila. Marami ang nag bulungan.


"Sino naman siya?"

"Baka anong gawin nila Sam sakanya!"

"Bakit kasi nanjaan pa yan?"

"Pinapaalis na siya ayaw niya pa."

"Halaaa!! Ayan na si Ate Sam!!!"



Tumingin ako sa entrance at nakita ko nga si Samantha kasama si Ryen, Clark, Miguel, Karl, Joseph.
Mga No Direction este Mga feeling One direction. Hindi parin siya nagbabago.


"Oh anong nangyari dito?" Tanong Samantha sa alipores niya. Sana makilala mo ako ATE Sam.


"Siya kasi oh!!"

"Ayaw umalis!!"

"Edi maghanap ng bagong table!" Sigaw ni Samantha sa kanya,

"W--wala na kasi eh."

"G---gusto namin dito para malapit sa entrance."

"Ayaw niya umalis jan."

"Kahit pilitin namin."

Sumbong ng mga alipores niya. Nanatiling naka-upo ako upuan at nakapatong ang dalawang kamay ko sa table. Yung baba ko ay nakapatong sa isang kamay ko na parang nanonood sa kanila.

Tumingin sa'kin si Samantha at nagulat siya. Tama nga. Dapat magulat ka lang. Ang dating pinalayas niyo ay nasa harap niyo ngayon at humihinga pa.



"W---what's your n---name?" Nauutal na tanong niya.


"Harley." Nakatingin ako sa kanyang mga mata na animoy gulat na gulat sa nakikita niya. "Harley Alcantara." Sabi ko.

"Hindi mo ko maloloko 'lil sis." Sabi niya at nagulat ang mga nanonood. Halos lahat ng mga mata ay sa'min nakatutok.


"Hindi ka nagbago step sis." Sabi ko at tinignan si Karl. Hindi siya nakatingin ng deretso sa mga mata ko.


"Nagbago ako." Ngumiti siya. "Lalo akong gumanda. Angel Gomez." Diniinan niya pa yung pangalan ko.
Napatingin sa'kin sila Miguel na naguguluhan.


"Kamusta nga pala buhay niyo?" Pag-iiba ko ng usapan. "Wala na bang malas?" Sarkastiko kong sabi.



"Hahahaha!" Pilit na tawa niya. "Oo naman. Ayy wait. Pano ka nga pala nakapasok dito? Diba pang mayayaman lang ang school na 'to at hindi ka belong! Saan ka nga pala nakakuha ng pera?" Tanong niya. Pinapahiya lang ako nito eh.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE GANGSTER GIRLWhere stories live. Discover now