Chapter 2: Welcome Back

32 2 0
                                    

Chapter 2: Welcome Back

Ysa's P.O.V

"Grabe ang iniiiiit!!!" Sigaw ni Lalaine.

"Tss! Arte! Dito ka pinanganak, tanga!" Sigaw naman ni Andrea sa kanya.

"Tsh! Lahat tayo pinanganak dito!!" Sigaw ni Lalaine. Nasa Mansion na kami dito sa Pilipinas. Mansion ni Timothy. Turing niya kasi sa'ming apat ay anak niya. Mabait siya sa'min. Siya ang gumabay sa'min nung baguhan palang kami bilang gangster.

"Ohh eh anong ina-arte mo jan?!" Sabi ko. Napaka-ingay nitong dalawang 'to.

"Lol! Anong konek nun sa sinasabi ko?!" Sigaw ni Lalaine.

"Pssh! Manahimik na na kayo!!" Sigaw ni Kian pero hindi natinag yung dalawa.

"O pake ko nga pala?!" Sabi ni Andrea

"Wala naman kasi akong sinabing paki-elaman mo ko!!" Sabi ni Lalaine na mukhang naiinis.

"O eh ano naman sayo? Walang basagan ng trip!!" Sabi naman ni Andrea.

"Paki-elamera!!"

"Assuming ka lang talaga!!"

"What?! Ako pa asuuming?!!"

"Oo!! Ikaw assuming!"

"Baka ikaw? Hindi kita kinaka-usap tapos sasabat ka!!"

"Sinabi lang na maarte tinamaan na agad!!"

"Heh!! Sino pa ba kausap mo hah!!"

"Eh ano naman sayo?" Sigaw ni Andrea.


"Please!! Shut up!" Sigaw ni Angel at lumabas sa bahay este sa mansyon.

"Minsan na nga lang magsalita galit pa!" Sabi ni Andrea.

"Eh sinong hindi magagalit eh napaka-ingay niyo?! Manahimik na kayo ah! Nakakarinde! Putek!" Sabi ko at lumabas na rin ng bahay.

Nasan na yung babaeng yun.

Hayysst. Nandito na naman ako sa Pilipinas. It's nice to be back.

Pumunta ako sa garden at nakita kong nandun si Angel.

"Oii." Sabi ko at lumingon siya sa'kin. Dati ang emosyon niya kitang-kita mo sa mukha niya, napaka bilis hulaan kung anong nararamdaman niya dati. Ngunit ngayon napakahirap basahin, napakalamig ng titig niya sa'kin.

"Nandito na ulit tayo." Sabi niya at ngumiti ng mapait. Ang masasabi ko sa kanya, maganda siya. Maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, yung pisngi niya ay mapula, ang labi din niya ay mapula. Para siyang naka make-up pero hindi. Natural beauty. Ngunit napaka hirap basahin kung ano ang iniisip niya ngayon. Naalala ko na naman nung nagmaka-awa siyang sumama sa Japan para makalimutan niya ang problema niya.


"Ilang years na ba tayong hindi nakaka-uwi dito? 3? 4? 5?" Tanong ko sa kanya.

"3 years." Aniya.

"3 years kong pilit kalimutan ang nakaraan pero nakatatak talaga eh. Tsaka sino bang makakalimot no'n?" Sabi niya habang nakatingin sa malayo. "Hindi ko pa alam kung sino ako. Yung totoong ako. Wala akong alam." Sabi niya, tumayo na siya at pumasok na agad sa mansyon. So, ako ang naiwan?


Sa tatlong taon na yun parang wala akong nakitang mabuting Angel. Nagbago ka na, na parang lahat ng nasa tabi mo ay trinaydor ka. Sana bumalik ka sa dati. Yung dating masiyahin at maalalahanin.



THE GANGSTER GIRLWhere stories live. Discover now