CHAPTER 5: FIRST DAY OF SCHOOL

22 2 6
                                    

Chapter 5: First Day of School

Ysa's P.O.V

Lumapas na ang ilang araw. Nabago na yung pangalan ni Angel. Pinalitan na ng Harley Alcantara.

Pero lalo siyang nagbago. Tahimik siya pero parang lalong tumahimik, yung kahit kinaka-usap mo siya tumatango lang siya o iiling. Pag tinawag mo siyang Angel hindi siya lumilingon. Napapansin ko rin na dumidistansya siya sa'min. Ewan ko ba, naguguluhan din ako sa kilos niya. First day na namin ngayon sa papasukan naming school.



"Ohh!! So excited!" Sabi ni Lalaine. Naka uniform siya pero ang ganda niya, naka lipstick pa. Tsk tsk.


"Kulang yung bakasyon." Sabi naman ni Andrea. Well, naka-uniform din naman siya tapos may lipstick rin.


"Excited ako na kinakabahan." Sabi ni Kian. Hayyst. Ganyan din yung nararamdaman ko. 3rd year college kaming lahat, hindi namin alam kung paano mag turo yung mga teachers. Baka mamaya advance pala silang magturo, edi mahihirapan kami. Pero pag hindi naman advance, may possibility na makasagot kami sa lahat ng tanong samin.

"I'm not excited." Sabi ni Angel habang kumakain kami ng breakfast.

"Kelan ka ba na-excite?" Tanong ko kay Angel at tumawa naman kaming apat.

"Tss." Yun na naman yung sinabi niya. Puro tssss tsss tsss!!!

"May alam ka pa bang ibang salita? Bukod sa tsss mo?" Tanong naman ni Kian at tumawa na naman kami, pero nanatiling blanko yung reaksyon niya.

"Seriously? Nagagalit ka ba?" Sabi naman ni Lalaine. In sarcastic tone. Nanahimik nalang kami dahil alam naming hindi mag dadalawang isip si Angel na sagutin siya. Madami na siyang nagawa kay Angel na hindi namin nagustuhan.


"Hayyst." Bumuntong-hininga naman kaming dalawa ni Andrea.

"What's wrong?" Inosenteng Tanong ni Angel at binaksak yung spoon and fork sa plate niya at tumingin kay Lalaine.

"Nothing." Inis na sabi ni Lalaine.
Umalis din naman agad si Angel sa dining area at umakyat sa kwarto niya. Tapos na din kaming kumain kaya mag to toothbrush muna kami.

--

"Papasok na ako sa school." Sabi ni Angel pagka tapos mag toothbrush. Nag-aayos palang kami ng gamit nang nagsalita siya.

"Uhm, wait. Sasabay na kami." Sabi ko sakanya at tumango naman siya tsaka lumabas ng pintuan.

"Meron ba siya ngayon?" Gulat na sabi ni Andrea. Tumingin ako sa calendar ng phone ko at nanlaki yung mata ko. What?!!!

"Y--yes. Meron siya ngayon." Sabi ko at nagkatitigan naman kaming tatlo at nag unahan palabas sa pintuan. Naka sakay na siya sa motor niya. Hindi 'to maganda.
Napa-iling nalang ako.

"Lagot. Parang mapapasama ang first day natin." Bulong samin ni Lalaine sa'min. Sumakay natin kami sa kanya-kanyang motor namin.


<school>

"They're cheap." Sabi nung babae pagkapasok na pagkapasok nami sa parking lot ng school.

"Yeah, right?"

"Motor? Eww."

"Just ewww."

"No!! Ang astig kaya nila!"

"Kadiri! Cheap people!"

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway. Pero panay ang bulungan sa paligid. Akala mo'y ngayon lang nakakita ng tao. Iisa lang naman room naming lima.


THE GANGSTER GIRLWhere stories live. Discover now