04

81 3 0
                                    

Jeremy: Bunso, kailan ka ba aamin kay Jeno? Alam mo namang, manhid yang si Jeno, hindi nya malalaman hanggat hindi mo dinidiretso yan.

Eirin: Hayaan nalang muna natin ngayon, Kuya. :(

Jeremy: ?? Bakit may :(?

Eirin: Uso magbasa ng comments Kuya.

Jeremy: TAENA ANO NGA KASI?!!

Eirin: I think may nagugustuhan na si Jeno, Kuya.. hindi ko na alam gagawin dyan sa kaibigan nating yan. T_T

Jeremy: Umamin kana kasi, pota.

Eirin: Ayaw ko, hindi nya pwedeng malaman ang nararamdaman ko. Masisira ang friendship namin. T_T

Jeremy: Bunso.. hindi mo naman pwedeng itago nalang yan habang buhay, kailangan mong umamin para manlang malaman mo kung may pag-asa ka ba o wala. Kung wala man, kailangan mong tanggapin yun.

Eirin: Pero Kuya.. pag-umamin ako, I'm sure magiging awkward na kami sa isa't-isa. :(

Jeremy: Kesa naman sa nasasaktan ka! Ayaw kong umiiyak kana lang lagi sa isang sulok at nagkukulong sa kwarto mo. Nag-iisa lang kitang kapatid, bunso ka rin sa buong angkan. Pagnalaman ng pamilya natin ang tungkol dito, tiyak na ilalayo ka nila. Alam mo namang bawal sayo ang mga ganto d ba?

Eirin: Alam ko Kuya, pero si Jeno nalang ang nagpapasaya sakin, hindi ko kaya ang mawala sya sakin. Kaya't hanggat kaya ko, hinding-hindi ko ipapaalam sa kanya ang katotohanan.

Jeremy: Aling katotohanan? Ang tungkol sa pagkakaroon mo ng ibang damdamin para sa kanya o yang sakit mong maaring tumapos sa buhay mo pagnasobrahan ka?

Eirin: Pareho, Kuya.

Jeremy: BUNSO NAMAN!!

Eirin: Wapakels kana lang Kuya,pwede ba? Please.. ako na ang bahala dito. Alam ko ang ginagawa ko.

Jeremy: AISH MALALAGOT AKO SA BUONG ANGKAN NITO EH!!

Eirin: Please naman Kuya oh?

Jeremy: Aish! Bahala kana nga!!

Jeremy Santos is offline

Eirin: Thank you Kuya.

WAPAKELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon