"Nicholas, dahil lumabag ka sa isang patakaran, ipinapadala kita sa lupa para sa isang misyon. Tulungan ang nasasaktan."Sabi ng bathala tsaka ako nalaglag sa lupa.
Una bewang. Aray ko naman. Dapat hindi na ako sumuway lumabas sa gate ng langit. Sana nakinig nalang ako."Ano ba yan! Pa harang harang ka sa dinadaanan ko!"
Singhal ng babaeng nakabunggo sa akin. Ang sungit naman.
Humarap ako sa kanya at ngumiti,
"Pasenya na. Nalaglag kasi ako eh."
Nanlaki naman ang mata ng babae,
"NICHOLAS?!!! BAKIT GANYAN ANG SUOT MO?!!!"
Napatingin naman ako sa sarili ko at tsaka ko napagtanto na naputi akong bistida. Angel ako eh. Tsaka bakit nita ako kilala?
"Bakit mo ko kilala?"
Nagulat ako ng niyakap niya ako at binulungan,
"Ang tagal kitang hinanap."
Naramdaman kong may tumulo sa mga mata niya. Yon ba ang sinasabing luha?
BINABASA MO ANG
Angel (AS #1)
FantasyDoes Nicholas still remember Nathalia? (Angel Series #1) Started: June 24, 2017 Finished: June 28, 2017