Ika-una

2 1 0
                                    


"Umuwi na tayo, Nicholas. Ano bang trabaho ang pinasok mo? Ang tagal tagal mong nawala. I've been looking for you for years."

Mahabang sabi ng babae. Hindi ko siya maintindihan. Ano kayang sinasabi nito?

"Teka. Saan mo ba ako dadalahin? Bakit mo ako kilala?"

Tanong ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Grabe naman ito. Kung nasa langit to, deretso to sa impyerno.

Maya maya nakarating na rin kami sa isang maliit lamang na bahay. Hindi naman kagandahan pero ayos na din.

"Papa!"

Sigaw ng bata nung makapasok ako ng bahay. Niyakap ako nito.

"Anak, wag mo masyadong kulitin si papa ha? Galing work yan."

Sabi ng babae tsaka dumeretso kung saan.

"Sino ka?"

Tanong ko sa bata. Hinalikan naman ako nito sa pisngi

"Papa, I missed you papa. Wag ka na umalis. Wag mo na iwan baby Chanel."

Papa? Papa na ako? Paano nangyari yon?

"Ilang taon ka na?"

"4 years old na ako papa! Hindi ka dumating sa birthday ko nung nag three ako tapos four. Where have you been po ba papa?"

Hindi ko alam kung ano isasagot sa batang ito kaya umalis ako sa tabi niya tsaka pinuntahan ang ale na nakabangga sa akin kanina.

"Ale, uuwi na ako ha?"

Nagpaalam ako pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan.

"Nicholas, wag mo na ako iwan uli para sa kanya. Dito ka nalang samin ng anak mo, please."

Sambit niya na ikinagulat ko. Anak ko? Asawa ko? Hindi ko maintindihan.

"Teka, hindi kasi kita kilala eh. Anong sinasabi mo?"

Natawa naman siya.

"Nicholas, gosh. Stop fooling around! Hindi mo kilala asawa mo? Ako ito! Si Nathalia!"

Bigla naman siyang umiyak. Hindi naman ako nagloloko eh.

"Ano? Wala akong kilalang-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla niya uli akong halikan.

"Sa amin ka na uli ng anak mo. Hindi ka na babalik kay Amber."

Tsaka niya ako iniwan ng nakanganga sa kwarto.

Angel (AS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon