"Magandang umaga!"Bati ko sa anak kong si Chanel at sa asawa kong si Nathalia. Hindi ko alam kung bakit ang ganda ng gising ko.
"Maganda ang gising mo ha. Anong panaginip mo?"
Tanong ni Nathalia. Natawa naman ako.
"Masaya lang ako kasi buo na tayo."
Pinanggigilan ko ang pisngi ng anak kong si Chanel.
"Papa, kakain na tayo ng almusal. Mamaya na tayo magplay ng mukha ko."
Humagikgik naman siya. Sinimulan ko na ang pagkain ng nakahain na handa ni Nathalia.
"Nicholas, lalabas nga pala tayong dalawa. Iiwan ko muna si Chanel kayla Aling Minerva, yung kapitbahay."
Hindi ko alam kung anong mayroon ngayon. Lumabas na kami kahapon tapos lalabas uli kami?
"Anong okasyon?"
Tanong ko.
"Anibersaryo ng kasal natin ngayon! Hindi mo naaalala?"
Nagtatakang tanong niya pero umisip agad ako ng palusot.
"Balak sana kitang surpesahin kaso, naunahan mo na ako."
Natawa naman siya sa sinabi ko. Agad kong binaba ang kubyertos at tumayo.
"Mag-aayos na ako. Mag-ayos ka na din."
Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko. Napakagaan ng pakiramdam ko.
Lumabas na ako ng kwarto nung naayos ko na ang sarili ko. Nakita ko naman si Nathalia na nakaabang malapit sa pintuan. Nakabistida siya. Parang walang anak. Napakaganda niya. Hinding hindi ako nagsisisi na siya ang nakabunggo ko ng makarating ako sa lupa.
"Tara na?"
Pang aaya niya.
Nakarating kami ng mall at kumain kami sa mamahaling restaurant. Pinag-ipunan niya daw lahat ng pupuntahan namin. Sumunod naman ay nagsine kami. May malaking kwadrado na may litratong gumagalaw na malalaking tao. At ang huli naming punta ay sa parke.
"Nicholas. Sabi mo hindi ka na aalis diba?"
Nagulat naman ako dahil tinanong niya uli iyon."Hindi ka na uli mawawala ng parang bula diba?"
Hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Hindi naman na ako aalis."
Sabi ko. Tumigil muna kami. Umupo sa bakal na upuan dito sa parke. Kahit na naglalakad kami ay masaya naman dito. Mahangin at maaliwalas.
"Baka kasi kunin ka ulit ni Amber eh. Ayoko na mangyari yon."
Yumuko siya. Alam kong malungkot siya.
Nangako ako kahit na alam kong kahit anong oras pwede akong mawala sa mundong ito. Alam ko kahit ngayon pwede akong maglaho."Nathalia, diba napag-usapan na natin ito?"
Paghimas ko sa likod niya. Umiiyak na siya. Alam kong mali ako. Mali ako na sinasabi ko parin ito. Pakiramdam ko kasi hindi ko na kayang mawala si Nathalia sa buhay ko.
"Mahal na mahal kita, Nicholas. Hindi na kita kayang mawala."
Niyakap niya ako at ginantihan ko iyon. Parang iyon na ang pinakamasarap na yakap na naramdaman ko. Napakagaan.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya."Mahal na mahal din kita."
Bigla nalamang lumabas iyon sa aking labi. Nagmamahal na ako at walang iba kundi si Nathalia iyon.
Ngumiti siya. Ngiti na abot langit ang saya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita ko iyon. Pero nagulat ako ng bigla siyang humagulgul.
"Nicholas, wag kang umalis please...."
Pagmamakaawa niya. May lumalabas na din na luha sa aking mga mata. Hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Hindi ako aalis."
Hahawakan ko sana ang mga kamay niya kaso, unti unti nang nawawala ang mga kamay ko. Nataranta siya pati ako kaya ang ginawa niya ay niyakap niya uli ako.
"Nicholas, wag mo na kami iwan ng anak mo."
Umiyak siya ng umiyak. Pati ako. Ayoko na mawala sa mundong ito. Gusto ko na dito.
"Nathalia.... tandaan mo mahal na mahal kita."
At nawala nalang ako ng parang bula. Hindi niya na ako nakikita at nahahawakan. Tiningnan ko ang suot ko at nakita kong nakaputi na ako at lumulutang.
Hinaplos ko ang pisngi ng umiiyak na si Nathalia. Ang pinakamamahal kong babae. Hinding hindi ko siya malilimutan.
"Mahal na mahal kita, kahit sandali lang kita nakapiling hindi kita malilimutan."
BINABASA MO ANG
Angel (AS #1)
FantasyDoes Nicholas still remember Nathalia? (Angel Series #1) Started: June 24, 2017 Finished: June 28, 2017