Wakas

3 1 0
                                    


"Bathala, gusto ko po bumalik sa lupa. Mahal na mahal ko po si Nathalia."

Pagmamakaawa ko sa harap ng Bathala. Gusto kong mahagkan si Nathalia. Gusto ko pa siyang makasama.

"Pang anim mo na itong balik sa lupa. Una, nagtangka kang lumabas ng langit kaya pinarusahan kita. Binigyan kita ng misyon. Tapos nagmamakaawa ka na ayaw mo ng umalis."

Sabi ni Bathala. Hindi ko na alam. Gustong gusto ko ng bumalik sa lupa.

"Tinanggalan kita ng memorya tapos lalabas ka uli doon. Nicholas, paulit ulit kang bumabalik kay Nathalia. Kahit tanggalan kita ng memorya... ang puso mo, nasa lupa padin ang gusto."

Dagdag niya. Ano? Paulit ulit na pala akong bumabalik sa lupa para kay Nathalia? Hindi ako makapaniwala.

"Bathala, isa at huling pagkakataon nalang po. Parang awa niyo na."

Lumuhod na ako sa harap nito at yumuko. Gusto ko magpaalam ng maayos kay Nathalia.

May inilabas na stick ang Bathala at itinapik ito sa ulo ko.

"Wala kang maaalala. Aalis ang lahat ng memorya."

At nakatulog na ako ng mahimbing.

*

**

" Amber, tara! Doon tayo sa pintuan ng langit!"

Aya ko kay Amber. Kaibigan ko sa langit. Si Amber ang lagi kong nakakasama kapag nakikipaglaro ako sa kanya.

"Hindi tayo pwede dyan!"

Hinila ako nito bago ako makalabas at itinabi sa gilid.

"Bakit, Amber? Narinig ko na sobrang masaya daw sa lupa. Narinig ko ang dasal ng nagngangalang Nathalia."

Sabi ko at hinawakan naman ako ni Amber at niyakap.

"Hindi kita papakawalan. Dito ka lang sa akin Nicholas. Dito ka lang sa langit... dito ka nababagay...."




Mahinang sabi nito at hinigpitan niya ang yakap sa akin.

THE END.

Angel (AS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon