Chapter 3: Cute

10 0 0
                                    

"The smartest thing a woman could ever learn, is to never need a man."

Yzabella's POV

Limang minuto pagkabalik ko sa table namin ay dumating naman sila Mr. Lee, Auditor, Accountant at Finance Officer sa companya niya at ang Executive Assistant niya.

"I hope, we could arrange everything bago ka magbakasyon, Ms. Quevral." Sabi ni Mr. Lee sa gitna ng pagkain niya. Napapatili ng mahinang-mahina si Ricky sa tabi ko. Paano ba naman kasi, napakagwapo at napaka-pleasant ng mukha ni Shann. I mean, Mr. Lee. Naka-suite and tie siya at gwapong gwapo ang itsura niya. Matangkad at maganda ang pangangatawan niya. Singkit din ang mga mata niya kagaya ng mga mata ng nakababatang kapatid niyang kambal na sina Gabrielle Jaye at Sabriella Faye Smith- Lee. Napakaganda ng pamilya niya!

"Of course, Mr. Lee. I won't leave not until I've already settle everything with my team." Nakangiting tugon ko sakaniya.

"That' good. I am expecting a good outcome from your team, Ms. Quevral."

"Of course Sha--- I mean, Mr. Lee." Aish! Mali mali ka na naman sa kagwapuhan niya, Bella! Nakita ko sa gilid ng mata kong nagulat at napatingin sila Venice at Ricky sa akin. Pahalata pa kasi e! Natawa ng bahagya si Miggy dahil kilala din niya si Shann. Actually, Shann and I were good friends. Magkasama kami before sa isang organization noong kolehiyo pa kami at minsan na rin kaming na-link sa isa't-isa pero bantay sarado ako ni Nicholo. At isa pa, hindi naman ako papayag maging panakip-butas noon.

Napangiti si Shann at ganun din ako.

Ilang sandali pa ay nauna nang magpaalam ang Auditor, Accountant at Finance Officer nila dahil may meeting pa daw sila with their team.

"You know what? Tomorrow, pwede niyo nang i-visit ang Accounting Department namin para maturo mo na sa team mo kung anong mga documents ang kailangan para sa auditing process niyo, Bella." Nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Is it okay? I mean, Sir, I know weekends are very important for you because your employees' family are more important than work. You know I can postpone my flight on Tuesday."

"Tss... no, it's okay. Mas hindi yata okay na ipostpone mo pa ang flight mo para samin. And I believe na kayang-kaya naman ng mga employees ko ang magsacrifice ng isang araw. Besides, may sunday pa naman para sa family nila." Aniya.

"If that's what you want, Mr. Lee."

"You know what? Kanina pa ako na-o-awkward e." Nagpakawala siya ng buntong-hininga at ibinaba ang kutsara't tinidor niya. "Pwede bang Shann nalang ulit itawag mo sa akin, Bella? Alam ko din namang kanina ka pa nagtitimping tawagin akong Shann. Hahaha!" Nahawa ako sa tawa niya. Mukhang ganon din si Miggy.

"Oo nga e! Nakaka-asiwa! Alam mo yun? Napakapropesyonal mo na kasi." Natawa kaming lahat sa hapag kainan.

"Ikaw din naman e. Look at you now? Senior Audit Team Leader at the age of 25? Diba? Young successful professional." Bigla naman akong nahiya sa mga ponagsasasabi niya.

"Uy hindi naman. Ikaw talaga."

"Hindi na ako magtataka kung nakabili kana ng sariling bahay mo." Dagdag pa niya. Ilang sandali pa kaming nagbiruan at nagkwentuhan. Naikwento din namin ang tungkol sa naging buhay namin noong college kami sa mga kasama namin. Maging kung paano kami nagkakilala at ma-link kami sa isa't-isa.

"Naalala ko nga noon Kuya Shann, noong namasyal kami sa Mall ni Ate Michie at makita namin kayong dalawa doon ni Ate Bella? Hahaha! Napagkamalan kitang boyfriend niya noon, kaya ang ending, pulang pula siyang sumesenyas kay Ate Michie na iuwi na ako. Hahaha!" Kwento pa ni Miggy. Ay nako,Miggy! Lagot ka sakin mamaya! Natawa naman ang mga kasama namin.

La Conwar Series: Lopsided-loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon