HNKC! 4

110 4 0
                                    

"Korni? Diba Cheese ako?"

Cheese?

"A-alam mo na ba?"

Omooooo! Alam na ba niya? Paano niya nalaman? Imposible namang yung apat ang nagsabi sakanya. Mga luka man sila pero mapagkakatiwalaan parin.

"Huh? Alin?" Parang may nabunot na tinik sa puso ko ng makitang napaka inosente niya. Ibig sabihin hindi niya alam. (^∇^)

Kahit naman tatlong taon akong patay na patay sakanya, hindi ko parin hinayaang malaman niyang crush ko siya. Alam ko kasing mawawala din yung feelings ko para sa kanya at eto na nga, nawala na ng hindi niya man lang nalalaman. (^∇^)

"W-wala. Bitawan mo nga ako!" Ano bang problema ng isang to at lagi nalang ako inaakbayan?

"Tutor mo na ako diba? So tuturuan na kita ngayon" sabi niya at umakbay ulit sakin.

"So? Gawain ba ng tutor akbayan ang estudyante niya?" Sabi ko saka kinuha ang kamay niya at binali. Joke! Inalis ko lang.

"Sa kaso nating dalawa, oo" sabi niya saka inakbayan ulit ako. Napahinga nalang ako ng malalim. Bakit ba ang kulit ng isang to?

"Bukas mo nalang ako turuan. Masama ang pakiramdam ko. Ge bye" aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Epal -___-

"Bakit hindi mo sinasabi sakin?" Sabi niya saka sinapo ang noo at leeg ko "Hindi ka naman nilalagnat ah. Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo naman sakin para alam ko" napatulala nalang ako dahil sa reaksyon niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero naiinis ako sa kadahilanang hindi ko alam. Basta naiinis ako sakanya!

"Paki mo ba?" Aalis na sana ako kaya lang ayaw niya bitawan ang kamay ko. Argh! Binubwisit niya talaga ako!

"B-bakit ba ang sungit mo ngayon?" Inirapan ko lang siya at akmang aalis na pero hindi ko maalis ang kamay kong hawak niya.

"Ano ba! Uuwi na nga ako!" Sa halip na bitawan ako niyakap pa ako ni Paulo. Putey! Bakit ba sa twing niyayakap niya ako parang may zoo sa tyan ko?

"Wag mo naman akong sungitan" parang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko dahil lang sa bulong niya.

"Ihahatid na kita" sabi niya pagkakalas sa yakap namin. Tumango nalang ako bilang sagot. Tinatamad ako magsalita eh -___-

Tahimik lang kami buong byahe hanggang makarating kami sa bahay namin.

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?"

Papapasukin ko pa ba siya? Nakakahiya naman sakanya kung hindi diba? Hinatid pa naman niya ako. Pero baka asarin lang ako ni kuya eh. Alam kasi ni kuya na crush ko siya dati pero syempre secret lang namin yun kaya sigurado akong hindi niya sasabihin kay Paulo.

"Sige pasok ka" walang gana kong sagot. Wala talaga ako sa mood -___-

Aba at nauna pa talaga siyang pumasok sa bahay ko ah. Haaay. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Paulo Estrada?

"Kuyaaa!" Tsk. Nabaliw nanaman ang kuya ko. Pinulupot kasi niya yung kaliwang kamay niya sa leeg ko tapos ginugulo naman ng kanang kamay niya ang buhok ko. Gets niyo? Kung hindi, hala bahala kayo. Wala talaga ako sa mood -___-

"Bakit hindi mo sinasabi saking may boyfriend kana pala. Anong klasing kapatid ka?" Tinulak ko muna siya para makawala ako sa kamay niyang mabaho.

"Tsk. Hindi ko naman--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kamay naman ni Paulo ang pumulupot sa leeg ko. Yung totoo? Bakit kailangan pa nilang ipulupot yung kamay nila sa leeg ko? Tatakas ba ako?

"Hahahaha. Sorry kuya Lance kung ngayon lang ako formally makakapagpakilala. I'm Paulo Estrada nga pala. Future husband ng kapatid mo" wala na akong ibang nagawa kundi tapunan ng masamang tingin si Paulo. Tinatamad ako magsalita eh. Kung nasa mood lang talaga ako ngayon, naku. Baka kanina pang walang buhay si Paulo. Future husband niya mukha niya!

Kung ginawa niya lang sana to nung mga panahong crush ko pa siya, siguro stay strong kami ngayon-- Erase. Erase. Move on na ko kaya hindi ko na dapat iniisip yung mga what ifs chuchu na yan.

Pero ang galing niya umarte ah. Mukha kasi talaga siyang kilig na kilig nung sinasabi niya mga ka-etchusan niya kay kuya. Pulang pula pa ang mukha. Daig pang 'Cherry Bomb ng NCT 127'.

Tiningnan ko muna ng masama si Paulo saka marahas na tinanggal ang kamay niya sa leeg ko. Mukhang nagulat yung dalawa sa ginawa ko pero wala akong pake!

"Pfft. Hahahahaha" napapitlag ako ng biglang tumawa ng malakas si kuya.

Anong nakakatawa dun? -___-

"Tinatawa-tawa mo diyan?" Sa halip na sagutin ang tanong ko, nginitian niya lang ako saka tumingin kay Paulo.

"Congratulations bro. Hahahahaha" Gulat naming tiningnan si kuya.

O-kay. So loading pala si kuya. Ngayon niya lang kino-congrats si Paulo eh.

"Hahaha. Hindi ko alam na slow ka pala kuya Lance, pero thank you parin" tatawa-tawa pang sabi ni Paulo. Binatukan tuloy ni kuya.

"Hindi ako slow no! What I mean is, congrats kasi mukhang naipasa ko na sayo ang sumpa. Hahaha"

"Sumpa?/Sumpa?" Sabay pa naming tanong ni Paulo.

Yung totoo? Binigyan ba siya ni Bea ng muriatic acid at ang lakas ng tama niya ngayon? Sumpa sumpa. Daming alam. Tsk.

"Inaantok nako"

Sa totoo lang, hindi pa naman talaga ako inaantok. Bigla nalang kasi ako nainis sa presensya ng dalawang panget na nilalang na kasama ko. Pero mas naiinis ako kay Paulo. Hindi ko alam kung bakit, basta naiinis ako sa kanya. Ang panget niya!

Iniwan ko na sila sa sala at umakyat na papuntang kwarto ko. Mahirap na baka mahawa pa ako sa katangahan ng kuya ko. Nakita ko pang may sinabi si kuya kay Paulo na nakapag papula sa mukha ni Paulo ng bongga. Pero wala parin akong pake!

Huhuhu. Ang sakit ng puson ko >ε<

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon