HNKC! 9

49 2 10
                                    

🎵We got that power power
i eumageul tonghae
gachi hanmoksoriro noraehal ttae
Power power
deo ganghaejineungeol
Turn the music up now 🎵

Kamuntik na akong mahulog sa kama ng marinig ko ang alarm ko. As in muntik na talaga. Yung feeling na ang laki-laki ng kama tapos muntik na akong mahulog. #KalikutanGoals_001

Mabilis akong naligo at nagbihis. Pupunta kasi AKO ng Laurel Apparel ngayon. Ako lang. Busy daw kasi yung tatlo. Porket may mga lovelife sila. Tsk. Magbe-break din naman sila sa 23! Si Joyce naman, hindi ko ma-contact. Nagtravel nanaman siguro yun, sakay sa favorite sisiw niya. Pinagsabihan ko na yun na tumigil na nung isang araw eh. May bird flu kaya!

Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ko si kuya sa sala na-- pfft.

"Oh, kuya. Anong meron at naka-gold ka?" Inirapan niya ako na ikinatawa ko naman. Naka overall suit kasi siya na color gold. Tapos gitnang gitna pa yung hawi ng buhok niya. Sobrang pula din ng labi na akala mo ay nakipaglampungan sa tatlong bibe. Eww.

"Tangna kasi ni DM eh. Sinama pa ako sa kalokohan nila" tawa parin ako ng tawa ng pumasok si--

"Mr. Pabibong acting principal? Ano pong gina--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mapansin ang itsura niya. Pfft. (≧▽≦)

"Bwahahahahaha" Jusko. Pareho sila ni kuya na naka overall suit na gold. Pati hawi ng buhok at pula nalang labi, parehong pareho. Silang dalawa yata ang naglampungan eh. Double eww.

"Tangna kasi DM eh!" Bulyaw ni kuya kay Mr. Pabibong acting principal a.k.a DM-- wait, DM?

Myghad! Sabi na nga ba eh. Tama talaga lagi ang mga hinala ko. Kaya pala parang familiar yung mukha niya at gustong gusto ko siyang lait-laitin. Matagal na pala kaming magkakilala. Pero bakit close din sila ni Paulo? Matagal na din kaya sila magkakilala? Tropa ba sila? Tsk. Whatever. Going back. Matagal ko na rin palang hindi nakikita ang mga friends ni kuya. Saka nag iba na din si kuya DM ng hairstyle. Dati kasi jologs pa siya, ngayon mukha ng tao. Simula kasi ng mag college si kuya, sa condo na siya tumira para daw malapit sa school. Utot niya. Nambababae lang siya eh. Umuuwi lang siya dito pag wala akong kasama. Katulad ngayon, nasa France kasi sina Umma at Appa (Mommy & daddy), dahil may business meeting daw. Tsk. Isa pa ang mga magulang ko eh. Naglalakwatsa lang naman.

"Hoy! Wag akong sisihin mo. Si Basty may pakana nito" sagot naman ni kuya DM.

"Speaking of. Nasaan na ba ang gag*ng yun? 9 am sharp ang usapan diba? Magte-ten o'clock na. Nako naman. Kahit kailan talaga--" hindi na naituloy ni kuya ang walang kwenta niyang speech ng bumukas ang pinto.

"What's up madlang people" bungad ni-- sino naman ang isang to? Nako nga naman oh. Padami na ng padami ang characters ng HNKC!

"Damn. You're almost 1 hour late Basty" sabi ni kuya saka binato yung Basty ng throw pillow.

"Nambakla nanaman yan" sabi ni kuya DM a.k.a Mr. Pabibong acting principal.

"Namo DM" sabi niya saka binato kay kuya yung throw pillow na binato sakanya kanina ni kuya.

Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang tatlo. Wala naman kasi akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila. Ang alam ko lang, ang ganda ko. Chos. Nandito ang friends ni kuya at naka-gold silang tatlo.

*ting*💡

Parang may imaginary ilaw na lumabas sa gilid ng ulo ko. Kaya kinuha ko ang phone ko at pinicturan sila. Ilalagay ko 'to mamaya sa My Day ko sa messenger. *evil laugh*

"Damn. Amarah. Stop taking pictures!" Mabuti nalang at nakailag ako ng batuhin ako ni kuya ng throw pillow. Teka, ito ba ang use ng throw pillow? Ang i-throw?

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon