Chapter 1

1.7K 26 0
                                    

Aries.

"Sweetie." Umupo ako sa tabi niya pero nanatili lang siyang nakatalikod sakin. "Sweetie, wag ka ng magalit sakin. Masyado lang talaga akong naging busy kaya hindi ako nakauwi ng maaga. Kausapin mo naman ako oh." May halong lambing na sabi ko pero para siyang bato na hindi man lang gumagalaw. Nanatili lang siyang nakahiga at hindi man lang ako magawang lingunin. Galit na naman siya sakin. Wala ng bago. Tsk.

"Ayoko kitang kausap. Lumabas ka na nga!" Galit na sigaw niya sakin. Imbis na sundin siya ay tumabi pa ako sakaniya lalo at niyakap siya mula sa likuran. Wala akong pakialam kahit pa mas lalo siyang magalit sa ginawa ko. Ayoko kasi siyang magalit sakin e. Ayokong ganitong ka-cold ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko kaya. Ayoko. "Pwede ba, Aries. Lumabas ka na nga kasi sa kwarto ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Kwarto niya? Kwarto na lang ba niya ang kwarto namin? Pambihira! Ang simple simpleng bagay ginagawa niyang ganitong kalala.

Hindi na ako nagsalita pa at sinunod ko na lang ang utos niya. Lumabas ako sa kwarto namin at dumiretso ako sa kusina para kuhanin ang best friend ko. For our 10 years being married, ngayon lang siya nagalit ng ganito sakin. Umuwi lang ako ng late ng konti kagabi dahil sa sobrang busy sa kumpanya, pero ayaw niya akong paniwalaan. Pinipilit niyang nambabae ako. Which is hindi ko kailanman gagawin sakaniya. Pero sabagay, lagi naman siyang inis sakin. Wala ng bago don.

Ganito ba talaga ang mga babae? Laging galit?

Napailing na lang ako atsaka kumuha ng tatlong beer can sa ref tsaka lumabas ng bahay. Umupo ako sa bench sa may garden namin at sinimulan ko ng tunggain ang alak na hawak ko. Wala ang mga bata kaya kaming dalawa lang ni Baboy ang nandito sa bahay, magkaaway pa.

"Ano ba naman yan! Tangina!" Hindi ko na napigilang mapamura. Peste naman kasi e, ang babaw niya. Nakakainis din pala na lagi na lang ikaw ang susuyo. Tangina!

Hindi na naman bago sakin na galit sakin ang asawa ko. Pero dati, konting suyo lang sakaniya ay ngingiti na ulit siya sakin at magaasaran na ulit kami hindi gaya ngayon. Sa totoo lang, sa 10 years naming pagsasama mas lamang pa ang away kaysa sa lambingan. Naiinggit nga ako sa tatlong gago e. Buti pa ang mga 'yon, mahal sila ng mga asawa nila. Samantalang ako.

"Tangina!" Inisang lagok ko ang beer na hawak ko at muling nagbukas ng panibagong beer. Natigil ako sa pag-iinom ng makarinig ako ng kaluskos na nanggagaling sa loob ng bahay. Sigurado akong siya 'yon, wala namang ibang tao sa loob e. Alangan namang multo 'yon? Tsk! Okay, Aries. Mag-joke ka lang sa sarili mo, baka sakaling papasukin ka na ng asawa mo sa kwarto niyo.

Tinignan ko ang pintuan ng bahay namin at laking gulat ko ng makita kong nakatayo si Yumi don. Nakataas ang kilay niya at ang sama ng tingin niya sakin. "Patay na naman." Bulong ko. Tinapon ko kung saan ang pangatlong beer na hawak ko at mabilis na tumayo para lapitan siya. "Sweetie, bakit nasa labas ka?" Tanong ko na para bang hindi kami magkaaway. Wala e, mahal ko ang asawa ko kaya wala akong pakialam kahit lunukin ko pa ang pride ko.

"Wala. May tinignan lang ako." Seryosong sabi pa din niya. Tatalikod na sana siya sakin ng hawakan ko siya sa kamay niya na kinagulat niya. "Ano ba, Aries. Bitawan mo nga ako." Maotoridad na sabi niya na para bang hindi niya ako asawa at diring diri siya sakin.

"Hindi kita bibitawan hangga't di mo ako napapatawad." Lumuhod pa ako at ngumuso pa ako para lang patawarin niya. Alam kong matatawa siya sa ginawa ko kaya ganon na lang ang pagkagulat ko ng sapilitan niyang alisin ang kamay ko sa kamay niya at nilagpasan ako. Hinabol ko siya ng tingin at nagtuloy tuloy lang siya sa pagakyat ng hindi man lang lumilingon sakin.

F*ck! Ano 'yon? Tinitiis niya ako? Fine! Bahala siya sa buhay niya.

I get my car keys sa kwarto namin sa baba at sumakay agad sa kotse ko. Ayoko siyang iwang magisa sa bahay pero naiinis ako sa kinikilos niya. Mahal ko siya, oo pero hindi sa lahat ng oras ako na lang dapat ang laging iintindi sakaniya. Tinext ko ang tatlong gago na magkita na lang kami sa bar ni Zeus at buti na lang at hindi na sila nagtanong pa.

Between Love & Hate (#YuRies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon