EPILOGUE

884 12 1
                                    

Last chapter. Thank you.

-

Aries.

"Mr. Madrigal, one more try pa po. Makakalakad na din po kayo. Konting konti na lang po." Basta ko na lang pinaghahagis ang mga bagay na madampot ng kamay ko. Alam kong nagulat ko si Nurse Ali sa ginawa ko pero naiinis talaga ako. Mag-aanim na buwan na ako dito sa US pero ang pesteng mga paang to ay wala pa ding silbi. Miss na miss ko na ang pamilya ko. Miss na miss ko na ang asawa ko. "Mr. Madrigal, kumalma po muna kayo. May awa po ang Diyos at makakalakad din po kayo." Pagaamo pa sakin ni Nurse Ali.

"Tanginang buhay to! Hindi na ako makakalakad pa. Tigilan mo na ang pagaasikaso sakin. Wala ng magagawa pa kahit sinong santo ang tawagin ko." Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang nakaupo sa sahig. Wala na. Wala ng silbi ang buhay ko.

"Sir, wag po kayong magsalita ng ganyan. Just trust Him, trust God."

"Babalik na ako sa kwarto ko. Baka hindi ko na ituloy ang therapy, uuwi na lang ako ng lumpo." Pinal na sabi ko at hindi naman siya sumagot pa pero halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Inalalayan niya akong makaupo sa wheelchair at tinulak na ako ni Noah pabalik sa condo unit na pinagstayan ko sa loob ng anim na buwan. "Noah, pwede ka na munang mamasyal kung saan mo gusto." Walang emosyong sabi ko. Ayokong madamay si Noah sa sobrang pagkainis ko.

"Sir, paano po ang therapy niyo mamayang 10?" Tanong pa nito. Noah is my assistant. Since hindi pwedeng sumama sakin si Yumi dahil sa mga bata kaya siya ngayon ang nagaasikaso sakin. And I owe him, big time.

"Di ko alam kung mag-papatherapy pa ako. Wala na din namang silbi e. Hindi na ako gagaling pa. Kakausapin ko na lang si Dad na uuwi na ako." Hindi na ito nagsalita at bagsak ang balikat na lumabas siya sa hotel room na tinutuluyan ko.

Kinuha ko ang laptop sa kama ko at agad na i-dinial ang account ni Yumi. Habang nagriring ay nakakaramdam ako ng kaba. It's been a month since yung huli namin paguusapan through skype. Masyado kasi akong naging busy sa pagmamadali ng paggaling ko pero wala din akong napala. Palpak pa din! Kailangan ko na ding tawagan si Daddy at sabihing hindi na ako tutuloy sa pagpapagaling. Nakakadismaya lang kasi. Nakakapagod na din.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang asawa ko. Ang lapad ng ngiti niya na mas lalong nagpapaganda sakaniya. Nawala kahit papano ang inis ko sa sarili. "Hi sweetie! How's your day?" Masayang tanong niya sakin. Gusto kong pumasok sa loob ng screen at yakapin at halikan ang asawa ko. Tangina! I miss my wife damn much! "What happen?" Mabilis kong pinalis ang luha sa mga mata ko. Ayokong makita niyang mahina ako.

"N-nothing. It's just, I missed you my wife at ang mga bata." Unti unti na ding ngumiti si Yumi at maya maya lang ay tumabi na sakaniya sila Yael. "Hi anak. Nasan ang kapatid mo?" Umiling ito at malapad na ngumiti.

"As usual, nagpapaka-stalker na naman po kay Cherry." Iling iling pa ito habang nagsusumbong sakin. "Ewan ko ba don, ang dami dami namang iba dyan. Mas gusto pang mahalin ang babaeng hindi naman siya maalala."

"Stop Kuya. Ganon talaga ang pagmamahal. Palibhasa kasi hindi mo pa 'yon nararanasan." Suway ni Yumi dito. Mga bata pa lang ang mga anak namin ay pinangaral na namin kung gaano kahigawa ang pagibig. Lagi namin kinukwento sakaniya ang love story namin ng Mommy nila.

"Yeah right. At wala akong planong maramdaman 'yon. Sige Dad, ingat ka po dyan. May practice pa po kasi kami ng mga band mates ko. Malapit na po kasi ang laban namin." Paalam nito sakin. "Hindi ka pa ba uuwi Dad?" Umiling lang ako. Kita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya. Kahit hindi man siya open samin ng Mommy niya unlike Yvan, pero alam kong gusto na din niyang gumaling ako para makasama na nila ako.

Pero wala e. Mamamatay na akong lumpo.

"Pero malapit na din 'yon, anak. Osige, magingat ka." Nag-waved lang ito sakin atsaka tuluyang umalis. Ayokong sabihin dito na titigil na ako sa pag-tetherapy. Nagkatinginan naman kaming dalawa ng asawa ko at sabay na napangiti. Medyo gumaan ang pakiramdam ko kanina ng makita ko ang asawa at anak ko. "Sweetie?"

Between Love & Hate (#YuRies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon