Chapter 3

801 11 0
                                    

Aries.

Tahimik lang kaming dalawa ni Yumi habang nakahiga sa malaking kama sa attic ng bahay namin. Nakatingin lang kaming dalawa sa langit at masayang pinagmamasdan ang mga bituin na nagkalat na para bang wala kaming pinoproblemang dalawa. Pero gusto ko naman ang ganito, no stress, no problems, happy lang ganon.

Pinasadya ko talaga ang malaking bintana dito para saming dalawa para makapag-star gazing kami na nagpapagaan ng mga loob namin.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang aalis ako sa tabi niya. Hindi niya alam na kahit magaway kami ay kailanman hindi pumapasok sa isip kong iwan siya. Maisip ko pa nga lang na maghihiwalay kami kahit ilang minuto lang ay para na akong pinapatay, ano pa kung iwan ko na siya. Baka ikamatay ko na iyon ng tuluyan.

Nilingon ko siya sa tabi ko at ang lapad ng mga ngiti niyang nakatitig sa langit. Parang lumolobo naman ang puso ko sa sobrang saya dahil napapasaya ko ang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. Napakaganda talaga niya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa para kuhanin ang puso ko.

Bigla naman akong nalungkot at nasaktan para sakaniya. Ang isang anghel na nakangiti nga sa panlabas pero deep inside ay nahihirapan at sobra ng nasasaktan dahil sakin. Hindi man niya sabihin sakin pero alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon ko, sa sitwasyon naming dalawa.

Araw araw siyang maagang gumigising para lang ihanda ang isusuot ko sa trabaho, siya na din ang nagpapaligo sakin at naghahatid sakin sa opisina. Inaasikaso pa niya ang dalawa naming anak at nagtatrabaho pa siya sa umaga hanggang gabi kaya alam kong sobra na siyang napapagod sa maghapon. Gusto kong kumuha ng katulong para naman may katuwang siya na dapat ako ang gagawa pero ayaw niya. Kaya naman daw niya ang lahat basta makita niya lang kaming mga mahal niya. She's indeed a perfect wife, no one can ever replace her in my heart and in my life. Siya lang talaga ang para sakin wala ng iba.

Muli ko siyang tinignan at nagulat ako ng makitang umiiyak na siya. "Di ba sabi ko walang iiyak?" Agad niyang pinahid ang luha niya at tinignan ako. Nakangiti siya pero hindi man lang umabot iyon hanggang sa mga mata niya. "Sweetie, malalampasan din natin ang problemang to. May himala ang Dyos at alam kong makakalakad din ako sooner or later. Ang mahalaga buhay pa ako at kasama pa kita at ang mga anak natin." Inangat ko ang kamay ko at dinala ko iyon sa pisngi niya para punasan ang mga luha niyang ako na naman ang dahilan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na bang nakita ang pagiyak niya sa gabi? Hindi ko na mabilang. And it breaks my heart into million pieces.

"Sana talaga makalakad ka na, Aries. Sobra ko talagang sinisisi ang sarili ko sa nangyari sayo. Kung hindi sana ako naginarte, kung hindi sana kita inaway, kung hindi sana kita pinaalis, hin-di k-a san-a mag-hapo-ng naka-upo sa whe-el cha-ir n-a y-an." Nauutal niyang sabi. Itinuro niya pa ang wheel chair sa tabi ko at muli na namang umiyak.

"Sshh. Please stop crying Sweetie." Kahit mahirap ay nagawa kong umusod sa tabi niya at inilapit ko siya sakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit para kahit papano naman ay gumaan ang pakiramdam niya. Kahit ba alam kong walang magagawa ang yakap ko sa problema naming dalawa. "Wag mong sabihin ang mga ganoong bagay. Wala kang kasalanan sa nangyari sakin okay? Yumi, listen to me." Iniharap ko siya sakin at tinitigan ang magaganda niyang mga mata. "God has plan for me, for us. Gusto niyang mas lalong pagtibayin ang pagsasama natin sa hirap at ginhawa man. Naalala ko pa ngs yung sabi mo sa wedding vows mo, you will keep our relationship alive and exciting?" Natatawang sabi ko. Ayokong makitang umiiyak ang asawa ko, ayokong nakikitang nasasaktan dahil sa sinisisi niya ang sarili niya kasi mas doble ang sakit sakin. "So tupadin mo 'yon. Alisin mo ang guilt sa puso at isip mo kasi hindi naman talaga ikaw ang may gawa nito sakin." Ngumiti ako sakaniya ng sobrang lapad para ipakitang magiging ayos din ang lahat.

Between Love & Hate (#YuRies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon