Chapter 2

759 15 0
                                    

Aries.

Pumasok ako sa bahay namin dala ang isang bouquet ng red roses at isang box ng ferrero rocher. Alam kong paborito ni Yumi to kaya sure akong mapapatawad na din niya ako kapag nakita niya to. 'Yon pa e, matakaw 'yon sa chocolates. Kaya nga baboy e. Hahaha.

Tumigil ako sa labas ng kwarto namin. Nakailang buntong hininga ako bago nag-desisyong buksan ang pinto. Kinakabahan kasi ako, feeling ko parang nanliligaw ulit ako. Eh asawa ko na naman siya. Di bale na, mahal ko naman e.

Hindi ko nakita si Yumi sa kama namin kaya naman dumiretso na ako sa walk in closet para don siya hanapin pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Binuksan ko na din ang CR pero wala din siya sa loob. Pinatong ko muna ang chocolate at roses na dala ko sa kama tsaka lumabas ng kwarto. Bumaba agad ako para hanapin sa buong bahay si Yumi.

"Sweetie! Yumi!" Malakas na sigaw ko sa bawat lugar na puntahan ko, kahit nga sa pinakasulok ng bahay ay tinignan ko na din maging sa mga cabinets. Pero wala talaga ang asawa ko. "Baboy, nasan ka ba?!" Sigaw ko ng makalabas ako ng bahay. Nagbabakasakali akong nasa garden si Yumi o di kaya ay nasa swimming pool at baka nagbababad kahit madaling araw na. Pero wala din siya kahit dito.

Umupo muna ako sa lounge at bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa naisip ko. "Wag niyang sabihing iniwan na niya ako. Tangina! Hindi niya magagawa sakin 'yon." Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto namin para tignan ang mga gamit ng asawa ko at ganon na lang ang pagkalumo ko ng makitang wala ni isang gamit si Yumi na natira sa cabinet namin.

Bumaba agad ako at mabilis na sumakay sa sasakyan ko. Wala naman kasing ibang pwedeng puntahan si Yumi kundi sa bahay lang ng mga magulang niya Pinark ko agad ang kotse ko at nanakbo na ako papasok sa bahay nila. Nakita ko pa si Nanay Cita na nakaupo sa labas habang nagdidilig ng halaman. Lumapit agad ako sakaniya para mag-mano pero hindi man lang niya ako pinansin. Nakakapagtaka naman, eh sa tuwing pumupunta kami ni Yumi dito tuwang tuwa siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong niya sakin. Nagsipagtaasan naman ang balahibo ko dahil don. Grabe, nakakatakot si Nanay. "Ang alam ko, hiwalay na kayo ng apo ko. Kaya bakit nandito ka pa?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Nanay.

Ano daw? Kami ni Yumi, hiwalay na? Wala akong alam don ah.

"Nanay, magkaaway lang po kami ng asawa ko pero hindi po kami naghiwalay. Hinding hindi po mangyayari 'yon." Natigilan siya sa pagdidilig at nilingon niya ako. Lalo namang nagtaasan ang balahibo ko sa naging tingin ni Nanay sakin.

"Wala na. Matagal ka ng iniwan ng apo ko." Naguguluhan man ako sa pinagsasabi ni Nanay ay hindi ko na lang 'yon intindi. Baka naman galit lang din siya sakin gaya ng apo niya. "Nanay, nandyan na po ba si Phil?" Sigaw ng isang babae mula sa loob. Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko ng marinig kong muli ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Yumi 'yon, sa asawa ko 'yon.

At teka. Anong Phil? Bakit niya hinahanap ang gagong 'yon?

Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng bumukas ang pintuan at inilabas non si Yumi. Nakita niya ako pero parang wala siyang pakialam sakin. Para bang isa akong hangin na hindi man lang niya nakita. Nakatingin siya sa likod ko at ang lapad ng ngiti niya. Lumapit siya sakin at akala ko ay yayakapin niya ako pero nilagpasan niya lang ako. Napatingin ako sa likuran ko at halos madurog ang puso ko sa nasaksihan ko. Si Yumi, kasama si Phil at naghahalikan sila.

TANGINA! Wala pang isang araw kaming magkaaway, pinagpalit na agad niya ako at sa siraulong Phil pa na 'yon! Hindi ako makapaniwala na nagawa akong saktan ng ganito ni Yumi. Eto na ba ang karma ko sa nagawa ko kay Hera noon? Kay Sandy? Tangina, sobrang sakit pala. Lalo na't mahal na mahal ko ang asawa ko!

Between Love & Hate (#YuRies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon