Min Ho
Tahimik akong nagbabasa sa aking upuan at hindi na muli inaalala ang nangyari nung nakaraang araw. Ibinaba ko ang libro ko ng marinig kong may pumasok.
'Siya yung announcer nung first day ha..Bakit siya narito?'
"Sorry to disturb you Special class. Sukatan ng bago niyong uniform ngayon. You need to proceed to Floor 8 at the Design Building and look for Ms.Mia for girls and Mr. Oliver for boys. Ang wala sa designated room today para magpasukat ay hindi na mabibigyan ng pagkakataon makapagpasukat para sa ibang araw.Mahigpit ang schedule ng mga magsusukat sa inyo kaya tayo ang kailangan magadjust.At dahil kasama sa school rules ang pagsuot ng uniporme.You need to comply Yonsei is very strict in terms of their rules. So kung wala kayo? Sorry! wala kayong uniform.. better drop out! That's all! " ani nito sabay alis.Para siyang robot kapag may sasabihin tsaka lang susulpot at bigla nalang aalis kapag tapos na siya magsalita.
So they'll stick and be strict with their rules.I want to see how long it will take..Anyway hindi niya ba manlang ituturo sa mga bago yung daan paano pumunta doon?
'Bahala na sila maghanap nun panigurado naman may mapa sila para makapunta dun? Magdora dora nalang sila...Hindi naman sila maliligaw rito maliit lang naman ang school na ito e.'napangisi ako sa aking naiisip.
"Saan yun banda?"tanong nung kasama ni Valdez.
"Hindi ko alam.. hindi niya sa floor 8 design building that's all.Hayyy....magtanong nalang tayo."rinig kong sagot ni Valdez
Naglakad lang ako sa harap nila ng bigla akong mapahinto at mapalingon ng nakakunot ang noo sa taong pumigil sa akin humakbang.
"Alam mo papunta dun di ba?Sabay sabay nalang tayong apat." Pagyaya nito ng nakangiti pa.
Yung kasama ni Valdez ang pumigil sa akin. Actually nice siya..super nice pero ayoko ng ideya niya dahil ayoko ng may kasama lalong lalo na kung may kasabay.
Tiningnan ko siya ng nakakunot noong sinasabing 'Bakit kailangan sabay sabay pa tayo?'.
"Hindi rin..."nagkukunyaring saad ko ng may pagngisi
'Ayoko ng kasama.. lalo na kung si Valdez pa ang kasama.'
"Eh di ba old student ka na? Bakit hindi mo alam?"nagtataka nito tanong sa akin.
'Pabo!'
'Stupid!'
'Hindi ba halata na ayoko kaya nagkunwari akong hindi ko alam para hindi sila makasama o makasabay?'
Umiiral pa naman ang pagkademonyo ni Minho pag may mga ganitong tao siyang nakakasalamuha.O sadyang mababait lang at inosente? Pwede rin nagpapanggap lang?
Let me play with this girl..."Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sayo kung bakit hindi ko alam di ba?" may yabang kong sabi.
"Hindi.. gusto ko lang sanang magkakilanlan tayong apat. Pwede naman siguro yun .."nakangiti pa rin nitong sagot.
Ano yan maskara?Gusto pa kitang asarin.Paano ka ba magalit sa likod ng iyong maskara.
Tumingin ako kay Valdez at tila tahimik lang at walang masabi.
Natawa ako ng konti....
"Magkakilanlan..."sambit ko habang nakanguso na tila nagoobserba.
"How nice...gusto mo rin akong makilala?"ngumiti ako ng peke.Lumapit ako sa kanya...."Talaga?"pagsisiguro ko.
Nagulat naman siya sa biglaang paglapit ko dahil ang lapit ng mukha ko sa kanya. Gusto kong makita kung matibay ang iyong maskara.
"Min Ho!"sigaw ni Valdez at narinig kong tumayo siya."H—hindi lang naman ikaw yung gusto kong makilala eh..."tila nahihirapang pagsagot niya.
BINABASA MO ANG
My Childhood Rival (UNDER REVISION)
RomanceIsang batang babaeng sumubok sa lakas at kakayahan ko. Naglakas ng loob para tapatan ako. Siya ba ang nakapagpabago sa akin??? O pareho naming na bago ang isa't isa ??? Nagsimula sa pagyayabang. Sinundan ng paghahamon... Nagtuloy sa kompetisyon.. Ha...