Rival 18: Poisonous Beauty

46 3 2
                                    



Min Ho POV

Last period na namin ngayon at isang subject nalang ang hindi namin namemeet ang lecturer. Wala rin siya kahapon at late siya ngayon ng isang oras. Mantakin mo pumasok pa siya apat hindi na.

"Oh! Mamaya ka na tumawag may klase pa ako!" nakasigaw nitong sabi sa kanyang kausap sa telepono.

Hindi siya katandaan pero kung tatantyahin ang edad ay nasa mid thirties siya. Matangkad medyo maputi at medyo singkit ang mata.Nasa katamtamang laki ng katawan siya,hindi payat..hindi rin mataba.

"Kayo ba ang Special class?"tanong nito sa amin.

"Yes sir.." sagot naman nung kasama ni Valdez.

"Oh..isa lang pala taga Special Class rito?Edi iisa lang pala ang estudyante ko? Ano? Eh..sino kayong tatlo sit in?"

Mukhang strikto ang Lecturer na to ha.

"Hindi po Sir... kasali po kami sa Special class hindi lang po kami nagsalita." singit naman ni Valdez

"Oh talaga?Akala ko nakikisit in lang kayo e.. para masabing klase ito.Kung iisa lang naman ang estudyante ko? Magwawan on one nalang kami sa library o sa faculty kaysa umakyat pa ako rito..Ano?Simpleng tanong tinamad sumagot? Konti niyo na nga lang tinamad pa kayo magsalita.Kayong dalawa hindi ba kayo magsasalita?"sabay tingin niya sa amin ni Hyun Ae.

"Magsasalita kami kung may itatanong ka pa Ser'" may pabalang na sagot ko sa aming gurong mayabang.

Tingnan ko lang kung umubra sa kin yang kayabangan mo...


Napangisi ako habang naalala kung gaano napahiya ang dati kong Lecturer dahil sa hindi kami nagkasundo.



Hindi naman ako tinuruan na maging bastos pero aminado akong sumasagot din ako sa mga lecturer ko kapag..alam kong tama ako.Hindi naman masama kung hindi kami sumagot ang akin lang simpleng bagay lang bakit kailangan niya pang palakihin?


Hindi ka naman pumasok kahapon ngayon magyayabang ka pa?

"Huh! Baka pag nagtanong ako hindi ka na talaga makapagsalita?"mayabang niyang tanong sa kin

"Bakit hindi niyo muna subukan? Mahirap na baka sayo bumalik yan Ser"sagot ko naman.

"Kung hindi mo masagot isa sa mga tanong ko ibabagsak na kita ngayon dahil sa kabastusan mo."pagbabanta nito sa akin.



Hindi mo ako matatakot sa mga ganyan dahil wala ni isa sa mga Lecturer ko ang nakapagpabagsak sa akin kahit ganito ang ugali ko sa kanila.


"Sige Ser... "

Ngumisi ito at inilipat ang tingin sa aking katabi.


"Malakas ang loob mo.Gusto kong subukan ka pa...kaya gusto ko idamay ang katabi mong hindi pa din nagsasalita hanggang ngayon. Hanggang saan ang yabang mo? Kapag hindi rin siya nakasagot sa isa sa mga tanong ko pareho ko kayong ibabagsak sa subject na to."


Huh?! Bakit kasama siya?! Hindi pwede palibhasa takot to sa lakas ng loob ko e.


Napatingin ako sa kanya. Tila wala manlang kagulat gulat na makikita sa mukha niya. Samantalang ang Lecturer namin parang payaso kung makangisi dito sa harap.


Itinago ko ang inis ko pero kailangan ko sumagot.


Magsasalita na sana ako dahil hindi ako sangayon sa sinabi niya.


"Sige pero kailangan may kapalit din kapag nasagot namin lahat ng tanong mo." gulat akong napatingin sa kanya.


Hindi siya nagulat sa sinabi niya pero mas lalo siyang ngumiti. Parang ikinatuwa niya pa lalo ang sinabi ni Hyun Ae.


"Ano naman ang gusto mong kapalit?"

My Childhood Rival (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon