Rival 8 : I want to be by your side.

200 6 3
                                    


Luke POV

Ako si Luke Kennard Valdez, kababata ni Hyun Ae De Silva.

Matagal kaming hindi nakapagusap dahil sa lumipat kami ng bahay at ngayon hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.Para bang kahit utak ko hindi gumagana,hindi ko alam kung ano at paano ko sisimulan ang pakikipagusap sa kanya,sa ganitong sitwasyon pa na umiiyak siya.

Since kinder magkakababata na kami niyan,magkasama at malapit na magkaibigan.Hindi lang dahil sa magkaibigan ang mga magulang namin kundi dahil sa magkalapit lang din ang tirahan namin kaya malapit na kaibigan haha .

Sa aspeto naman ng pagaaral ay hindi din kami nagkakalayo dahil parati kaming nagtatalo sa mga leksyon,recitation, pagsusulit at sa mga takdang aralin namin.Nagpapataasan dahil ang matalo ay may parusa.

Lahat ng sports ay parati din naming sinasalihan at talagang ang tadhana ang parating nagtatapat samin para kami ang magtagal sa bawat laro/palaro rito sa eskwelahan. Ngunit isa lang ang masasabi kong hindi na dapat hulaan kapag kami ang magkatunggali o magkalaban dahil ni isang beses hindi pa ako nanalo sa kanya.

Hindi niya ako binigyan ng mga pagkakataon manalo kahit sa isang laro,sa leksyon o kahit saan.Kaya sa dulo ako lagi ang tumatanggap ng mga parusa na hindi ko naman pinagsisihan dahil mas napalapit ako sa kanya dahil sa mga yun.

Hayy ang sarap balikan ang nakaraan.

Isang ekspresyon na hindi ko inaasahang ipapakita niya sakin.Hindi kasi siya ganito dati.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Nagising ako kakaisip at kakatitig sa kanya ng tumayo siya.

"Hyun Ae sandali, magusap tayo " pigil ko sa kanya.

"Wala tayong dapat pagusapan, meron ba dapat?" tugon niya ng hindi manlang nagawang humarap sa kin.

"Sorry ..... " naiiyak na sambit ko.

Hindi na siya sumagot at nagtuloy nalang sa paglakad.

"Hyun Ae..magusap tayo kahit saglit lang." pakikiusap ko sa kanya.

Ayokong masayang ang pagkakataon na ito dahil matagal kong hinintay na makita at makausap uli siya. Pero hindi pa din siya na tinag at ipinagpatuloy niya lang ang paglalakad hanggang sa makalayo siya sa akin.

Tinawagan ko naman ang mga tauhan namin na naghihintay lang sakin sa di kalayuan.

"Kuya Leo..may lalabas na batang babae diyan, please wag niyong hahayaan na makaalis siya.Gusto ko siyang makausap ng maayos.Dalhin mo siya sa mansion.."

"Eh Sir Luke baka magalit Papa niyo pag dinala mo siya sa mansion." Nagaalalang sabi naman nito.

"Ako na bahala."

"Sige po "

Naglakad na rin ako paalis ng park ng makalabas ako nakita ko si Kuya Leo.Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Okay na Sir.." tapos binuksan niya yung pintuan ng kotse.

Siya nga...

"Salamat..Paano mo siya naisakay rito?" nagtatakang tanung ko rito.

"Dahil rito?.." tas ipinakita niya yung panyo.

"Ano meron diyan?"

"Pampatulog.."

"Eh.. bakit meron ka niyan?"

"Marami ako niyan at hindi lang yan, dahil bantay mo ako. For emergency use .Wag kang magisip ng masama,hindi lahat ng may ganyan ay nangingidnap na agad.Though yan ang ginawa mo ngayon sa kanya.Isa yan sa ibinigay sa akin ng Pres mo bilang proteksyon, kung may mga mangyayaring masama." paliwanag naman nito.

My Childhood Rival (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon