Nina Ricamonte
Naalimpungtan ako ng mag-vibrate ang phone ko.Papungas-pungas akong umupo sa kinahihigaan ko at in-open ang cellphone ko dahil alam kong may nag-massage sa akin.
Laking gulat ko nang mapagtanto kung kanino nanggaling ang mensahe na yun!
Kay Sir Ethan!
From:Sir Ethan
Wake up sleeping beauty.
Napatingin ako sa oras sa phone ko at ------teka?Ala-sais pa lang ah?8:00am pa pasok ko...
To:Sir Ethan
Good morning.
Sorry sir,pero masyado pa pong maaga di ba?
Send.
Napabuntong hininga ako at bumalik sa pagkakahiga.Inaantok pa ako eh.Di ko rin naman pipilitin ang sarili ko na magising nang maaga,malamang mamaya pang alas-nuebe magigising si Christian,means mauuna akong aalis sa kanya at hindi magsasalubong ang landas namin.
Muling nag-vibrate phone ko.Malamang nag-reply na si Sir.
'Im already here.'
Hanu daw?
'Saan sir?'
'outside.'
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.Oh my!nandito sya?!
Mabilis kong tinungo ang bintana at sinilip kong nandoon ba talaga so sir Ethan.
NANDITO NGA SYA!
Mabilis ko syang ni-reply-an.Tinanong ko sya kung bakit sya nandito.
Bakit nga ba sya nandito?
'As I said yesterday.Im going to pick you up.Sabay tayong pumasok .'
Ay oo nga pala!susunduin nya ako!
Nataranta tuloy ako!!!
Para akong turumpong nagpaikot mapabilis lang ang pag aasikaso ko sa sarili ko.Nag-message din ako kay Sir na pakihintay na lang ako,baka kasi mainip yung tao.Nakakahiya.
Gusto ko syang papasukin muna sa loob,kaya lang ayaw ko namang makita nya ang sitwasyon ko dito.Hay.
Simpleng jeans at white v-neck tshirt lang suot ko,pinaresan ko pa ng sandals.Hindi na ako gaanong nag ayos dahil baka mainis na si Sir sa akin,baka kasi isipin noon na,isasabay na nga lang ako ,patagal pa.
Matapos kong i-ayos ang sarili ko ay mabilisan kong iniligpit ang higaan ko. Na-asured ko na ang lahat kaya nagpasya na akong lumabas.Pero nang nasa pinto na ako'y syang pagbaba ni Christian sa hagdan.
"Saan ka pupunta."bungad nito.
Lumingon ako dito at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.Si Christian with messy hair,naka boxer lang?Topless?oh ghad!Six pack abs?at ang malala,Bakat.
BAKIT BAKAT?!
Napailing ako .Susume,ang isip ko!Nagiging berde!Biglang pumasok sa isip ko yung unang gabing nakita ko ang kabuuan nya!Lahat!As in LAHAT LAHAT!
BINABASA MO ANG
My Silent Tears (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) Nina thought that she finally reached the man of her dreams, Christian Cruz.Due to an unexpected event, she accidentally got pregnant by Christian and she married him. But that marriage was unwanted. So Christian treated Nina bad and tor...