Ethan Lazaro
On the way na ako papunta kayla Nina.Finally!I found her.Salamat sa mga connections ko at malaki ang naitulong ng mga ito.
Now,this is the first step,for winning Nina's heart.Pupuntahan ko sya then,I'll tell her how much i love her.Kahit pa angkinin ko ang magiging anak nila ni Cruz,gagawin ko,ang mahalaga maalagaan at makasama ko sya Hanggang sa ako naman ang mahalin nya at tuluyan nya ng kalimutan ang tarantadong lalaking yon...
"I'm on my way,Nina.Wait for me."Nakangisi Kong Sabi.
******
Nina Ricamonte
It's been a week simula ng umalis ako sa bahay ni Christian,isang linggo ko na rin syang nami-miss.
Kahit kasi sinasaktan nya ako at puro sama ng loob ang dinanas ko dati,hindi ko maiwasang mag alala pa rin sa kanya.Sa ilang buwan siguro naming pagsasama,nakasanayan nya ng may nagsisilbi sa kanya...
Hay,as if namang magagawa ng Monique na iyon ang mga ginagawa ko para kay Christian.E ni magpakulo ng tubig hindi kayang gawin...Tsk.
Malayo akong nakatingin dito sa bintana ng kwarto ko.Nag iisip kung ano bang dapat kong gawin ngayong malapit na akong manganak.Konti pa lang kasi ang naiipon ko ,at alam kong hindi sapat iyon para makaraos kaming mag ina,kahit sila Tita at mga kapatid ko na nag aaral pa..
Kung maghahanap naman ako ng trabaho,malamang walang tatanggap sa akin dahil sa kalagayan ko...
Isa pa to.Minsan naiisip ko rin yung naiwan kong trabaho kay Ethan.Napaka buti nya,at wala na akong hahanapin pa para sa isang amo...
Si Lyn,yung madaldal na yon.Sobrang miss ko na yung bruha na yon.She's great friend!
Sa pamamalagi ko doon sa Lugar na iyon,nakasanayan ko na rin ang pamumuhay doon.Minsan,naiisip ko rin..'Ano kaya kung bumalik na ako?'
Pero pag naiisip ko iyon,naiiling na lang ako at tinatatak sa isip na malamang hindi na iyon gugustuhin pa ni Christian...
Sa ngayon ay tahimik akong nagtutupi nga damit upang ilagay sa aking drawer,mukhang dito na Kasi ako mags-stay for good.Napapitlag ako sa gulat ng kumatok si Cyrus,bunso kong kapatid.
"O?bakit?Tsk!ginulat mo ako doon ah!"Wika ko.
"Sorry ate,eh kasi may bisita ka..."
Napataas ako ng kilay.Ako?May bisita?Sino naman?
Hindi ko na nakuhang magtanong dahil mabilis akong tinalikuran ni Cyrus."Teka Cyrus!" hays!Bata nga Naman.
Dahan dahan na lang akong bumababa sa higaan at inalam kung sino man yung sinasabing bisita ko.
Pero.
Ganoon na lang Ang paglakas ng tibok ng puso ko nang mapagsino ito...
Para akong nanigas.
Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko at para bang nawalan ng hininga..
Naka upo ito sa sofa at naka de-quatro pa habang naka naka -ekis ang nga braso.
Magkahalong sakit,excitement,at takot ang naramdaman ko ng magsalubong ang aming mga mata...
"C-christian."bulong ko kasabay ng pagngilid ng luha ko.
Tumayo ito at mabilis na tumungo sa kinalalagyan ko.Napasinghap ako ng matagpuang halos isang ruler na lang ang agwat namin...
Nabalot ng katahimikan ang paligid..Ni walang gustong magsalita,ang tanging naririnig ko lang ay ang bawat paghinga nya at malakas ng kabog ng dibdib ko...
"C-christian--"
"Hay,nandito ka lang pala."rinig ko sabay tawa nya..
Nagtataka ko itong tiningnan.Bahagya akong napakunot at napaawang ng kaunti.
Si Christian Cruz.
Tumatawa sa harap ko?
"Oh?bakit di makapag salita,panisan ka ng laway dyan!"Sabi nito sabay yakap sa akin.."I missed you..."
Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig,sabayan pa ng maiinit nyang hininga sa aking leeg dala ng pagsiksik nito dito .
Gulong gulo man,hiniling ko na kung isa itong panaginip ,sana wag na akong magising...
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at sinalubong ang aking mga tingin,iniangat nya ang kanyang palad at gamit ng hintuturo nito ay pinunasan nya ang luminyang luha sa aking piangi
"P-please,don't cry."bulong nito sabay yakap uli sa akin."Listen,sorry,sorry for hurting you,sorry for everything that I've done.Can you be with me again??"
Tuluyan na akong napahagulhol at mahigpit na tinugon ang yakap nya."Totoo ba ito?O n-nananaginip lang ako?!" Wala na,talagang bumigay na ako.
"No baby,this is real,please,believe in me.I want you to be with me again, please?"Nagsusumamo nitong tanong.
Kung totoo man ito,ano bang karapatan ko para tumanggi?Matagal ko itong pinangarap.
"C-christian,kung totoo man talaga ito,sa tingin mo,Anong maisasagot ko sa tanong mo?alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal 'di ba?"iyak ko.
Muli itong kumalas at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "Then,should we go now?Pack your things then we'll be together , come home again."
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.Halos lumabas lumabas na Ang puso ko Mula sa dibdib sa sobrang kalabog nito.
Lord,sobrang ganda ng regalong to.At araw-araw ko itong ipagpapasalamat.
Marahil ay napagtanto ni Christian kung ano ba talaga ang halaga ko at ng anak ko sa kanya kaya ngayon,heto,magkayakap kami na parang isang buong taong hindi nagkita...
May ikinabuti pala ang aking paglisan.
See anak?mahal na tayo ng daddy mo!
BINABASA MO ANG
My Silent Tears (COMPLETED)
General Fiction(COMPLETED) Nina thought that she finally reached the man of her dreams, Christian Cruz.Due to an unexpected event, she accidentally got pregnant by Christian and she married him. But that marriage was unwanted. So Christian treated Nina bad and tor...