Chapter 11 ✔

18.2K 301 6
                                    

Nina Ricamonte

Halos lumuwa ang mga mata ng tiyahin ko nang makita ako.Bakas sa mukha nya ang pagkabigla dahil sa umbok kong tiyan.

"Tita,ayos lang po ba kayo?"

Para naman syang nabalik sa ulirat at kumurap-kurap.Malimit ako nitong tinitigan mula ulo hanggang paa,especially,ang tiyan ko.

"A-anong--panong nangyari ito Nina?!"gulat sa sabi nito.Napabuga ako sa hangin.

Paano ko ba uumpisahan?

"Ahm,Tita,pwede po ba ako munang pumasok?"pagpapaalam ko.

Nilakihan nya ang buka ng pinto at syang pagpasok ko ,dumeretso ako sa isa sa mga upuan ng maliit na bahay ng aking butihing tiya.


"Teka,baka pagod ka hija.Ikukuha kita ng tubig!"pagkukumahog nito.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Napagtanto kong maganda pa rin ito tulad ng dati at alam kong hindi ito napapabayaan ng Tita ko.

Dumating Si Tita Chameng dala ang isang basong tubig at marahang iniabot sa akin.

"Salamat Tita.."wika ko sabay inom ng tubig.

Rinig ko ang pagbuga nya ng kanyang malalim na hininga.Pakiramdam ko ,napaka walang kwenta kong tao sa harap ng tita ko,feeling ko na-disappoint ko sya.Pinangako ko noon na ako ang magtataguyod ng pamilyang iniwan ng aking mga magulang,pero ito,dumagdag pa ako sa sakit ng ulo into.

"S-sorry,tita."sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

Napayuko ako at itininago ang mga luhang nagbabadyang bumagsak...

"Sorry Tita dahil--hindi ko matutupad ang mga ipinangako ko sa inyo ng mga kapatid ko!Wala akong kwe--"

"Wag mong sabihin yan Nina."Tumayo ito sa kinauupuan at tumabi sa akin.Hinawakan ang aking mga kamay at bahagyang ngumiti.

"Hindi ako galit.Wala akong sama ng loob.Hindi ka nag kulang nung mga panahong wala ka.Lagi kang nagpapadala kaya anong dahilan para magalit ako?"

"Tita,sorry talaga.Gusto ko kayong itaguyod.Gustong gusto ko!"Sabay hagulhol ko.

Tinapik-tapik nya ang aking likod at ipinasandal ako sa balikat nya..

"Shhhhh,wag kang umiyak.Ayos lang ,ayos lang,makakasama sayo ang pagiging masyadong emosyonal."

Emosyonal?Kung alam mo lang Tita kung gaano ako nasaktan,siguro maging ikaw ay hindi mo mapapaniwalaan kung bakit buhay pa kami ng anak ko hanggang ngayon.

Nanatili lang kaming ganoon,ang magyakapan.Isang ina na ang turing ko sa Tita ko.Pareho kasi sila ni Mama,sobrang bait at mapagmahal,kaya minsan hinahanap hanap ko sya .Sa kanya lang kasi ako higit na komportable.

"Nga pala Nina,bakit hindi mo kasama ang ama ng magiging anak mo?"buong pagtatakang tanong nya.

Napabitaw ako sa mga bisig nya at inilihis ang aking paningin sa ibang bagay.

Parang ayaw kong saguting ang tanong nya.Bakit?Ano nga ba ang sasabihin ko?Na disgrasyada ako?Na ayaw akong panagutan ng tatay ng anak ko?Na sinasaktan ako nito?

"Nina,parang alam ko na ang sagot."

"Tita,please.Pwede bang magpahinga muna ako?Napagod po ako.."pag iiba ko ng usapan.

Napabuntong hininga ito at tumango,mukhang naiintindihan naman nya ang nais kong ipahiwatig...

Sinamahan nya ako papunta sa aking dating kwarto.Nabigla nga ako dahil kung anong ayos ng kwarto ko dati bago ako umalis,iyon parin hanggang ngayon.Napangiti ako ng malamang hindi talaga ito pinabayaan ng tita ko at mga kapatid ko.

Inilapag ni tita ang aking maleta sa aking kama at doon ay umupo....

"Nakaayos pa po Ang kawarto ko ah?"masaya Kong Turan.

"Pinagtutulungan namin ng mga kapatid mong ayusin,at kung sakali na mauwi ka,malinis pa rin."Paliwanag nito.

Pumunta ako sa kama ko , sinamahan syang umupo at niyakap ito."Salamat talaga,ta."

"Walang ano man.Parang anak na kita kaya pinapahalagahan kita.Pero teka,ilang buwan na ba iyan?Kailan labas Ang apo ko?"Masayang Sabi nito habang magkayakap kami.


******


Ethan Lazaro

"S-sir,ahm,wala na po tayong stock ng Beef,papa-deliver na po ba?"Tanong Ni Lyn...

Hinilot ko ang akong noo dahil sa sakit ng ulo.Kagabi kasi wala akong ginawa kundi ang tumambay sa bar.Kung di Dahil sa mga bibisita at mag i-inspect dito sa Restaurant ko,hindi talaga ako papasok.Hindi para magpahinga,,kundi puntahan si Nina at alamin kung ano bang nangyari sa kanya.

"Sir?"

"A-ahhm,s-sige,Ask Dave ,paki Sabi i-contact na Ang mga supplier natin."matamlay kong turan.

Tumango lang ito at tangka ng umalis ng huminto muli at humarap sa akin...


"What?"tanong ko..

"Ahm,kasi po,pansin ko po ng mawala si Nina,lagi na po kayong moody.M-may gusto po ba k-kayo sa kanya?A-ahmm,sorry po pero natanong ko lang!!!.."

Napapikit akong saglit at tumango.Napabuntong hininga ako at muling tumingin sa kanya."Yeah,but that's not the perfect words for it,Lyn,because I love her.Hindi sya mahirap mahalin,alam mo yan...."

"Talaga sir?!Kyaaaa!sabi ko nga ba eh!"

Napangisi na lang ako.

"So sir,kung gusto nyo po talaga si Nina.Hanapin nyo po sya!Unahan nyo po Yung demonyo nyang asawa!"

"Hanapin?!"Takang tanong ko.

Tumango ito."Opo sir,kung hindi nyo po naitatanong,sinasaktan po nung demonyong Christian na yon si Nina kahit pa buntis ito!"

Natahimik ako.

"Sir,totoo po ang mga sinasabi ko!Kaya minsan kung napapansin nyo po dati sa tuwing pumapasok sya ,puro long sleeves ang suot nya dahil tinatago nya ang mga pasa na gawa ng mokong na iyon!"

That asshole,palibhasa may pinagmanahan Kung kaya't ganoon Ang ugali.Hindi ko na ito palalagpasin pa,haharapin ko na sya.



Malalaki ang hakbang kong naglakad papuntang pinto ng pigilan ako ni Lyn.

"S-sir!Si Nina po muna ang unahin nyong hanapin,buntis po sya at wala tayong alam kung nasan sya ngayon.Mahirap na at kabuwanan na nya next month..."

Ikinalma ko ang aking sarili.Tama sya,dapat si Nina muna ang isipin.

Yung Cruz na yon?I can Kill him anytime, anywhere pero si Nina muna ang iisipin ko..

"San ba nag punta si Nina?At pano mo nalaman na umalis na sya?Nagkausap na ba kayo?"

"Whooo!whoo!Easy sir,isa-isa lang!So,hindi ko po alam kung nasan sya,obviously.Hindi po kami nagkausap simula ng mag-resign sya kasi po hindi ko rin sya ma-contact.At kung paano ko nalaman,dahil mismo kay Christian,pumunta sya sa bahay kagabi at hinanap si Lyn, meaning wala sya sa puder ng gago na iyon at natauhan na sya..."


Tumango tango ako at nginitian sya."Salamat sa info ,Lyn.Umasa ka na ibabalik ko si Nina dito..."

"Sir,sana mahanap mo sya.Mabuti syang kaibigan sa akin ,kaya gusto ko ay iyong ikakabuti nya at ng anak nya.Please sir,hanapin mo sya.Bawiin mo na sya sa demonyong iyon.."nangingiyak na sabi nito..

Hinawakan ko ang balikat nya at tinapik ito.."Dont worry,i'll win Nina,babawiin ko sya dahil alam kong ako lang ang kakailanganin nya,ako lang,mahal ko sya at sapat na iyon para sumama sya sa akin...."


Nina,hahanapin kita.At pag nagkataong mahanap man kita,hindi na kita papakawalan.

Mark my words.

My Silent Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon