Ang sakit. Akala mo totoo. Sino bang nagsabi sakin na maniwala ako?
"Good morning mahal ko! ❤"
Anong ibig mong sabihin? Nito mo lang ako nakilala.
Hindi kita maintindihan nung una.
Pero dinaan mo lang pala ako sa mga salita mong mabulalak.
Kasalanan ko bang may nilalaman ang sinasabi mo?
Muntik na.
Di kita maintindihan nung una.
Pero nalaman ko na. Yun pala ang iyong balak.
Naiiyak ako, pero di sapat ang luha saiyo.
Nagkita tayo, paraan mo pala yun para alukin ako ng kung ano.
Lahat ng mga binaggit mo sakin ay tila kasinungalingan lang. Di mo man lang magawang linawin ang lahat.
Pinaabot mo pa sa ganitong kalagayan.
Oo, kasalanan ko na. Kasalanan na mahulog sa ilang araw lang.
Akala ko ikaw ang malalaro ko pero ako pala ang naloko. 💔
Sorry. Sorry ka ng sorry. Ibig sabihin ba lahat ng sinabi mo mali lahat?
Ayoko ng isipin pa.
Author.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Istupida
PoetryKwento nga ba ito ng author mo? Baka naman, katangahan na naman niya ito. Baliw. Baliw.. Baliw... Sinong nagsasabing ako'y baliw. Ganoon na lang ba ang tingin nila sa isang taong nagmamahal lamang? *Inspired by Stupid Disaster* ©2016_All_Rights_Res...