Uhaw ka na ba?
Magtubig ka!
Ang masasabi ko lang, ito yung araw na masakit para saakin.
Pinipilit ko pigilan ang bugso ng nadarama pero wala akong magawa.
Kahit anong tawag ko sa kanya ngiti niya ay pilit lubos akong nagpipighati.
Ang sakit maging uhaw sa pag-ibig kung maling tao ang mamahalin.
Sinubukan kong alamin kung meron pangtingin ang aking giliw.
Pero kabiguan ang siyang pinalit. Sa tuwing kasama ko siya hindi ko siya mabasa kapag may kasama kaming iba. Pero kapag kami lang dalawa bakit ang lambing niya.
Isa lang ba kong, panakip butas?
Bakit hinayaan ko ang sarili ko na magkaganon?
Bakit?
Naalala mo lang ako kapag may kailangan ka.
Kaya't pinilit kong umiwas. Hanggang sa ganun ka na din at sumama ka na sa iba.
Ang dahilan mo ay gusto mo sila makasama kasi nagkakawalay na tayong lahat.
Kapag naalala ko ang sinabi mong...
"Sabay na ko sayo pauwi." Sabi mo
"Sige, intayin kita" sagot ko. At umalis na ko inintay kita sa may labas pero di ka lumubas.
Pagsilip ko balak mo ba palang sumabay sa iba.
Tumakbo ako ng mabilis kahit hindi kaya.
Galit ba to? O uhaw lang ako sa pagmamahal mo.
Ang sakit talaga maalala ng nakaraan. Buti nalang hindi ko na siya nakikita. Kung magkita man kami di ko siya gaanong pinapansin. Tatawagin ko lang siya saglit at katabi ko ang siyang unang kakausapin. Wth. Haha. Ikaw tumawag pero iba ang kinausap. 😂
BINABASA MO ANG
Diary Ng Istupida
PoetryKwento nga ba ito ng author mo? Baka naman, katangahan na naman niya ito. Baliw. Baliw.. Baliw... Sinong nagsasabing ako'y baliw. Ganoon na lang ba ang tingin nila sa isang taong nagmamahal lamang? *Inspired by Stupid Disaster* ©2016_All_Rights_Res...