CHAPTER II

58 0 0
                                    

CHAPTER II

Nick

bzzzzt. bzzzt. bzzzzt.

Kinapa ko yung phone ko at sinagot ko yung tumatawag,

"Hello?"

"Nicks,"

"Oh, good morning, Kyle,"

"DO YOU KNOW WHAT TIME IS IT?! IT'S 30 MINUTES BEFORE YOU DEPART!"

"What are you talking about, man? Departure? For what?"

"You have a prom date waiting for you on the other side of the world!"

"Oh, shit! Nakalimutan ko!"

"Well, get your malilimutin ass out of the bed and go there!"

"Yeah, yeah," tumayo ako at nagulat sa nakita ko, "who packed my things?"

"Ako," sabi ni Kyle, hawak-hawak ang phone niya habang naka tayo sa harap ng kwarto ko.

Tumingin ako sa damit ko, "AH! SINONG NAGBIHIS SA AKIN?!"

"Sino pa ba?" tanong ni Kyle sabay hila niya sa akin, "tara na!"

~•~•~•~•~•~

"Lahat ng instructions nakalagay diyan sa notebook na yan, may ibinigay na din ako na 2 cellphone numbers sa kanya." Sabi ni Kyle.

Parang nanay lang eh. Nagsalita lang siya nang nagsalita, habang ako, ayun, nakikinig ng music sa cellphone. Tango lang ako ng tango kapag natingin siya sa akin. Sinabi niya naman na lahat ay nasa notebook.

"...that's all you have to do, understand?"

"Yeah, yeah, I'll just go there, dance, then go back here, easy," I gave him a smile.

Umiling siya, "You're saying that now, but..."

"But what?" I took off one of the ear pieces and rose a brow at him, "You think I'm going to like her?"

"Well, yeah," tumango si Kyle, then he shrugged, "10 years...maraming pwedeng mangyari sa ganong kahabang taon."

I scoffed, "No offence, Ky, but your precious childhood sweetheart is absolutely not my type."

"She's not my childhood sweetheart!" agad naman ang pag-deny.

"Teka, bat konti lang ang info niya dito?" binuklat ko yung notebook.

"Element of surprise," ngumisi siya, "yun lagi ang pinapakita niya sa akin nung bata kami, dapat makita mo din yon, Kyle."

"Ha? Anong-"

As if on cue, biglang inanounce yung flight ko. Grabe, nakakapagtaka parin talaga tong best friend ko. Actually, tuwang-tuwa ako kasi first time kong pupunta ng Philipines. I never had a chance to go there, si Mama at Papa kasi masyadong busy, wala panaman akong kakilala don.

Tumayo ako at binuhat yung bag ko.

"Bye, Kyle!" sabi sa akin ni Kyle.

Napangisi ako, "See ya, Nick."

Tapos non, dumiretsyo na ako, nang hindi manlang lumingon ulit. Sa loob, may katabi akong guy, mukhang pilipino rin. Kaso, di ko siya makausap kasi may kausap pa siya sa phone niya.

"Ysan, anong pinagsasabi mong babalik na siya? Grabe ha, after ng ilang taon, ngayon lang babalik yung ugok na yon? Bakit ba ha? hindi ba pwedeng isama mo nalang ako?...Hindi?!...bakit?...magsama ka nalang ng iba?...ayaw mo?...hay, sige, see you nalang, love you...bye,"

Hindi ko mapigilan ang pagsalita, "Girlfriend mo?"

"Hay, kung pwede lang, para walang mga basagulerong lalaking lumapit sa kanya," suminghal siya, "pero sa totoo lang hindi."

"Ah," tumango ako, "you like her then?"

"Malamang, kapatid ko eh,"

"Ha?!" napakunot ang noo ko.

Tumawa siya, "7 years ang agwat namin, siya lang yung nagiisang babae sa aming magkakapatid eh, magdedebut kasi siya. Kaya sobrang special tong year na to sa amin."

"Ilan ba kayong magkakapatid?" tanong ko sa kanya.

"Ah," hinarap niya yung phone niya sa akin at sinabi, "8 kami, ako pinakamatanda 25, tapos kambal 21, isang 20 at 19, siya at yung kakambal niya 18, at yung pinakabata, 17."

"Siya ba 'to?" turo ko dun sa babaeng nasa gitna ng mga lalaki.

"Oo," pinakita niya yung sumunod na picture, yung sister niya, "ganda noh?"

Tinitigan ko yung girl, "Sobra."

Tumaas yung kilay niya at binaba yung phone niya at inabot ang kamay niya sa akin, "Gabrelle, Gab for short."

"Ni...um...Kyle," nakipag shake ako nga hands sa kanya.

"Liam Kyle?" tumaas yung kilay niya.

"Ah! Hindi! Kyle lang!"

Tumango siya, "So, if you don't mind me asking, bat ka pupunta sa Philippines?"

"Ah, um very important occasion rin," sinabi ko sa kanya.

"Kapatid mo?" tanong niya.

"Childhood friend ko," sabi ko.

Tumango siya tapos humikab, "Sige, pre, gisingin mo nalang ako pag kakain na."

"Sure," binuklat ko yung notebook at nakinig sa music.

Tinignan ko yung nakasingit na picture ng best friend ni Kyle at siya.

Kyle & Lysandria

October 7 '04

Sobrang taba nung girl. Sa bagay, tama naman si Kyle, maraming pwedeng mangyari ng 10 years.

Ano na kayang nangyari dito?

Maarte kaya siya?

Baka naman matigas ang ulo.

O baka naman, mataba parin siya.

Hay, tsaka ko nalang siya pro-problemahin

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Pakatapos na pagkatapos ng buong flight, nagmamadaling umalis si Gab. At ako, ang alam ko lang, maghahanap ako ng isang taong nagngangalang Jacob. Akala ko mahirap hanapin, pero mabilis lang pala.

"Kyle?" tumaas yung kilay niya nang makita akong tumigil sa harap ko.

"Bakit? Hindi ba ako mukang Kyle?" tumaas din yung kilay ko.

Tumawa siya at hinataw ang likod ko, "Ikaw nga! Tara! Siguradong namiss ka na ng mga kasambahay mo!" Lumabas kami ng airport at dumiretsyo sa sasakyan.

"Kasambahay?" tanong ko.

"Si Tatay, ako, si Henry? Kami yung naiwan sa bahay niyo dito diba?" sabi niya sa akin habang nagsimulang magdrive.

"Uh, Jacob, nasan na si Lysandria?"

"Huh? Lysandria?" kumunot yung noo niya tapos tumango, "Ah, si Rebel Rose!"

"Ha?"

"Ano ba! Ikaw nga yun tumatawag sa kanya non eh, sus! Nakapag Amerika lang 'to, malilimutin na!" umiling siya, "Bumibisita siya sa inyo lagi simula nung umalis kayo, grabe ha, Kyle! Ang ganda-ganda niya na! Kaso, nasa girls school lang siya eh."

"Ay, ganon ba?"

"Pero magkatabi lang yung mga school niyo, pareho tayo ng school! Magkasabay pa nga kami ni Rose pumuntang school," nagkwento na tong si Jacob.

"Madadaanan ba natin yung school?" tanong ko.

"Ah! Sakto!" tumingin siya sa orasan at sinabi, "Awasan na nila ngayon! Gusto mo siyang sunduin?"

"Sige, bahala ka," nagkibit-balikat ako.

"Ay! Grabe! Alam mo ba na hindi niya alam na ngayon ka darating?"

Hay, diyos ko po. Wala manlang warning 'tong si Kyle sa akin na madaldal pala si Jacob.

PROM DATE FAVORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon