//Nicks//
Tumigil kami sa harap ng isang napakalaking school. Napanganga nalang ako.Grabe, ganto pala dito ha. Bakit hindi nalang ako nagaral dito?
"Kyle, bababa ka ba?" tanong sa akin ni Jacob, na pababa na ng sasakyan.
Ngumiti ako, "Ay, wag nalang, titingin na lang ako."
"Sige," bumaba siya at may nakitang babaeng nakauniform, "UY! Halika dito!"
Napatalon yung babae at nang makita si Jacob, "Ay, ikaw lang pala yun."
Eto na ba siya?
Akala ko ba napaka ganda niya na?
Eh, parang konti lang yung pinagbago.
Tumangkad, pumayat, mas maputi na siya, oo maganda, pero di ko siya type eh.
"Nasan si Rose?" tanong ni Jacob.
Ah, ok. Di pa pala siya yun.
"Si Rose?" kumunot yung noo nung babae, "Ayun, busy, intrams na kasi next week eh."
"Nagte-training?" Tumaas yung kilay ni Jacob.
"Oo," biglang sumilip sa akin yung girl, "sino yun?
"Ah, si Kyle."
Kyle.
Yun lang talaga yung masasabi niya.
"Siya ba yung pinagmamayabang ni Rose na Kyle?"
"Oo, talbog yang Levi na yan noh?"
Binatukan siya nung babae, "Hoy, wag ka nga! Da best parin si Papa Levi ko noh! Siya kaya ang pinaka da best ever! Nakakaasar! Wala ka kasi kanina eh! Hmph! Eto o,"
Nilabas niya yung cellphone niya at pinakita niya iyon kay Jacob, "Habang nagmo-morning assembly kami kanina, pumunta biglaan si Papa Levi at nagpropose sa kanya para sa prom! Swerte talaga ng bes ko noh?"
"Kay Rose?" nagulat si Jacob.
"Sino pa ba ang makakakalog dun sa matigas niyang ulo?"
"Send mo yan sa akin ha, aalis na ako."
"Sige," agad namang nagtype sa cellphone niya yung babae at pumasok na si Jacob sa sasakyan.
"Ah, Bianca," Tinawag ni Jacob yung babae.
"O?"
Ngumisi si Jacob, "Ikaw prom date ko ha? Kung hindi ibubulgar ko sa buong campus niyo at namin ang sikreto mo...nating dalwa pala."
"Anong-?!"
"Di ba-"
"Tumahimik ka diyan! Oo na!" hinampas niya si Jacob ng bag niya.
Sinara na ni Jacob yung pinto at nag drive na siya.
"Sira ulo ka talaga, Ocampo!"
Tumawa nalang siya. Pagkalampas namin nung kabilang school, tinanong ko na siya.
"Jacob, anong sikreto?"
Ngumisi siya at sinabi, "Sikreto nga eh!"
"Ang daya mo!" tumawa ako.
"Bakit?" Tumingin siya sa akin gamit ang mirror, "May sasabihin ka bang sikreto na makaka tapat sa sikreto namin ni Bianca?"
Napatigil ako dun ah. Mukhang seryoso siya. Patay. Did he see through my act? I immediately failed and it's only my first day here.
Biglaan siyang tumawa, "Biro lang! Ikaw naman hindi maloko!"
"Ah, hahaha..." nagkungwari akong natawa, "Naloko mo ako dun ha!"
"Kung nakita mo lang yung histura mo! Hahahahhaha! Para kang tarsier!" tumawa siya ng mas malakas tapos nagsnap siya at hinalungkat yung bulsa niya tapos inabot sa akin yung phone niya, "Ayan yung karibal mo, si Levi Castillo."
"Anong karibal?" Napangisi ako, "Mukhang wala naman siyang kaalam-alam sa mga bagay."
"Hay, sana nga," Napasinghal si Jacob, "pero, siya ang nasa tuktok ng School natin, at si Rose ang nasa tuktok ng School nila, pare, ayokong sirain yung mood mo pero talagang walang butas yang lalaking yan. Maganda ang records niya sa school, magalang, matalino, jusko, pati yung pagiging basketball captain inaangkin niya sa akin eh."
"Tol, wag kang magalala, patutumbahin natin yan," sabi ko sakanya nang pagkababa namin sa sasakyan.
"Nae-excite tuloy ako, mukhang intresting tong year na to," sinara niya yung sasakyan at pinalo yung likod ko, "Welcome home, pre."
BINABASA MO ANG
PROM DATE FAVOR
Teen FictionSa buhay may 2 klase ng tao: ang Masipag, at ang Tamad . Sa love meron din: ang Tanga, at ang Manhid.