CHAPTER I
Nick
It was a normal day. Gumising ako ng normal time. Pumunta ako sa normal school kasama ang normal friends ko. We talked about normal stuff. Got dismissed at a normal time. And I was about to go back to my normal home but...
"Nick! 'Lika dito!"
"Ha?" tumingin ako kay Kyle, ang best friend kong ugok, "Bakit?"
"Basta!"
Hinila niya ako at pumasok kami sa sasakyan niya. It was quiet. Hindi manlang siya nagsalita. Hinila-hila niya ako hindi ako kakausapin? Ganon na pala ngayon. Dumating kami sa bahay niya at pumunta kami ng kwarto niya.
"Ok, so, what?" tanong ko.
Kumunot yung noo niya, "What what?"
"Anong what what ka diyan?! Eh ikaw nga yung humila sa akin diyan eh!" sinigawan ko siya.
"Shh!" sinuway niya ako at sumilip sa labas tapos sinara niya yung pinto at ni-lock iyon, "Baka marinig tayo ng chismoso kong kapatid!"
"Anong shh?! Alam mo Kyle, kung wala kang sasabihin sa akin, aalis na ako!" paalis na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Teka!" sabi niya, "kasi...ano...uh...p-pwede bang...pano ko ba sasabihin 'to?"
"Sabihin ang alin?!" iritang-irita na ako dito sa taong 'to.
"Pwedeng humigi ng favor?" tanong niya
Napatawa ako, "Kyle, kailan ka pa nahiyang humingi ng favor sa akin?"
"Hindi," umiling siya, "kasi medyo kakaiba 'tong favor na 'to kaysa sa iba."
Tumawa ako at inakbayan ko siya, "Sige, ano ba yang favor? Gusto mong i-arrange ko yung date niyo ni Giselle?"
Umiling siya, "Hindi-"
"Si Kylie?"
Umiling ulit siya.
"Si Veronica? Denise? Helga? Moreen?"
"Hindi, Nick," kinuha niya yung isang picture frame sa study table niya tapos pinakita niya sa akin, "tignan mo."
"Ano 'to?" kinuha ko yung picture frame at nakita ang mas batang Kyle at sa tabi niya isang matabang girl kumunot ang noo ko at tinignan ko siya, "O, tapos?"
"Well, yung mom ko kasi nag-promise sa mom niya na ako ang magiging ka-prom date niya pagdating ng senior high namin," sabi ni Kyle.
Nalilito na ako, "Ok, so anong kinalalaman ko diyan?"
"Ang connection mo sa picture na yan ay eto!" tinuro niya ang younger Kyle sa picture.
Tinignan ko siya, "Are you joking or something?"
"No," naging seryoso yung mukha niya, "dude, please, I need you to do this."
"Why can't you?" tanong ko.
Umupo siya sa kama. Because of that, alam ko na kung anong dahilan. Simple lang naman ang sagot diyan,
"Hindi ka nanaman nagpasa kay Ms. Cline?" nagtanong ako.
"Oo, pero please," nagmakaawa na siya, "I promise, I will pay you back, promise!"
Nanahimik ako. Pinagisipan ko muna kung game ba ako or hindi.
Suminghal ako, "Sige na nga!"
"Yes!" tumalon siya sa tuwa.
"Boys! Dinner!"
"Yeah, you owe me," sabi ko sa kanya habang palabas kami ng kwarto niya.
"Yeah, you're going tomorrow, I'll cover for you," he said, sabay abot niya sa akin ng isang notebook, "naandiyan na lahat ng kailangan mo."
"Excited?" napatawa ako.
BINABASA MO ANG
PROM DATE FAVOR
Novela JuvenilSa buhay may 2 klase ng tao: ang Masipag, at ang Tamad . Sa love meron din: ang Tanga, at ang Manhid.