CHAPTER 4
"Kyle! Bilisan mo diyan! Male-late pa tayo niyan eh!"
"Kyle, what should I do about the Levi thing?" Kausap ko sa Skype si Kyle sa loob ng CR, tapos na akong magbihis at maligo, nagre-report nalang ako sa kanya.
"Of course, you shouldn't lose," Sagot niya.
"So, you're saying that I should ace what he aces?" Napataas yung boses ko.
'Kyle naman! Talo mo pa si Bianca kung magCR eh!'
"Yes."
"Kyle, papatayin mo naman ako eh! Hindi ako magaling sa pagaaral!" Napakamot ako sa batok ko.
"Nicks, lahat ng tao matalino, tinamad nga lang yung iba," sumiryoso yung mukha niya, "kabilang ka na sa ibang yon."
"Kyle-"
'Kyle Yohann Salvador! Pag hindi ka lumabas diyan ng 10 sigundo, papasukin na kita diyan!10...9...8...7...'
"Bye, Nicks! Goodluck!" At pagkatapos non, pinatayan niya na ako ng cellphone.
'2...1!'
Binuksan ko na yung pinto at saktong dumiretsyo si Jacob sa bathtub. Pinigilan kong tumawa at lumabas nalang ng CR.
"KYLE!!!"
"Pasensya na, Jacob!" sabi ko habang nananakbo pababa ng hagdan.
"Kyle! Aba, anong pinagkakaguluhan niyo ni Jacob don?" nagulat ako kay Tito Henry, ang tatay ni Jacob.
"Ah, wala po," ngumiti ako sa kanya.
"Sige, dahan-dahan lang, baka madulas ka basa pa yug sahig kakalinis lang nila Manang," sabi niya sa akin habang paakyat ng hagdan.
"Opo," dumiretsyo ako sa garahe at hinintay si Jacob.
Pagkalipas ng ilang minuto, may biglang gumulo ng buhok ko, "Tara na!"
"Maglalakad lang ba tayo?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat siya at tumingin sa akin, "Bahala ka."
"Siya sige, tara!" Tumango ako.
"Anong gagawin mo kay Levi mamaya?" Tinanong niya ako.
Ayan na naman tayo sa Levi na yan, "Makikita mo nalang."
"Aba, nae-excite na ako ah!" Ngumisi si Jacob tapos nanlaki yung mga mata niya, "YUCA! XYREN!"
"Ah! Jacob!" ngumiti yung isang lalaki na papasok na ng sasakyang itim.
Hinila ako ni Jacob papunta sa kanila at nagusap sila.
"Si Rose?" tanong ni Jacob.
"Ayun, sinundo ng mga kaibigan niya, masyado nang busy si Ate pagdating ng intrams, lalo na ngayon kasi senior na siya," sinilip namin ni Jacob yung lalaking nakaupo sa loob ng sasakyan na nagce-cellphone.
Sumimangot si Jacob at tumingin dun sa naka tayo sa harap namin, "Xyren, pumunta na ba dito si Castillo?"
"Oo, nako, wrong timing pa siya kasi kakauwi lang ni Kuya," sabi ni Xyren, "O, sino to?"
"Ay! Xyren, Yuca, si Kyle, wag niyong sabihing nakalimutan niyo na siya!"
Biglang humarap sa akin si Yuca, "Si Kuya Kyle?"
"Weh? Siya na to?" pinisil si Xyren yung mukha ko at hinampas ko palayo yung kamay niya, "Siya nga, Kyle! Tama nga si Rose! Pasok kayo! sabay na tayong pumasok!"
BINABASA MO ANG
PROM DATE FAVOR
Teen FictionSa buhay may 2 klase ng tao: ang Masipag, at ang Tamad . Sa love meron din: ang Tanga, at ang Manhid.