CHAPTER 5: The Princess & The Poor Prince

21 0 0
                                    

~~The Next Day (saturday)

Nagising ako ng 10:45am dahil kahit saturday ay marami kaming ginagawa, bitin pa ako sa tulog pero naghilamos na ako at bumaba na..

"Good morning kuya.." ^0^ masayang bati sa akin ni Elliah.

"good morning.. ganda ng gising mo kapatid ah.." sabi ko sa kanya at tinignan naman si mama, "good morning ma.." bati ko kay mama.

"Papansin ka kuya!" sambit ng kapatid ko.

"kayo talaga, kaaga-aga nag aasaran kayo.." sabi niya ng nakatingin sa amin na nakapamewang pa.." oh Zeph kumain ka na muna.." dagdag ni mama.

"sige po ma.." at lumakad na ako papunta sa kusina.

Wow naka egg, ham and hotdogs kami ngayon ah with friedrice.

"ang sarap ng breakfast natin ngayon kuya noh?" biglang sulpot ni Elliah sa likod ko. Kabute lang bigla bigla sumusulpot.

"kagulat kang pangit ka ah.. pero tama ka ang sarap lang ng breakfast natin.." sabi ko.

"haha di ako ang pangit ikaw yun.." sambit niya ng naka cross arms, "hanggang mamayang gabi kasi yan kuya.." dabi niya at napabuga naman ako habang umiinom ng milo.. "haha you're so funny kuya siyempre joke lang yun.." pagbibiro niya.

"baliw ka na Elliah.." yun na lang ang nasabi ko habang pinupunasan ang bibig ko.

"Ang totoo niyan kuya..."huminto siya at umupo sa katapat kong upuan, "nanalo si papa sa lotto haha pero 2k lang naman.." paliwanag niya.

"Ah astig ah.. eh nasaan na si papa?" tanong ko sa kanya habang sumusubo ng egg.

"Edi pumasok na ulit sa pagko-construction sahuran ngayon eh.." paliwanag niya at nag nod na lang ako, " kuya, sayang yung talino nila mama at papa no kung hindi lang sana sila hinad---" pinutol ko ang sasabihin niya dahil ayaw iyon pag usapan namin nila mama at papa.

"Ano ka ba Elliah.. mamaya marinig ka ni mama alam mo naman na ayaw niyang---" at pinutol niya rin ang sinasabi ko.

"Eh kasi totoo naman diba ang sama ng parents ni mama.." paliwanag niya ng pabulong. Pasaway talaga.

"Baliw ka.. alam naman natin na mali nga yung ginawa ng mga grandparents natin pero di pa rin dapat tayo magtanim ng sama ng loob sa kanila.. they're still out lolo and lola parin naman and besides someday malalaman din nila na mali ang naging desisyon nila.." paliwanag ko. Tama naman ako diba na di dapat magtanim ng sama ng loob.

"Kahit na kuya mali pa din yun kasi napaka sa---" di niya na natapos ang sasabihin niya kasi biglang may nagsalita. Si mama paktay baka narinig kami pasaway kasi tong malditang to eh.

"anong pinag uusapan ninyo? mukhang siryoso ha." tanong ni mama sa amin ng nagtataka at ang magaling kong kapatid ay binigyan ako ng 'ikaw-na-ang-bahala-kuya' look kaya tinitigan ko siya at binigyan din ng 'ikaw-kasi-madaldal-ka' look kaya ako na ang sumagot kay mama.

"Ah wala ma.. ginugulo niya lang ako." panloloko ko.

"Ah akala ko naman kung ano na, may kukunin lang ako dito," sabi niya habang pakita ng kutsilyo saamin at lumabas na papunta sa sari-sari store nya.

"Ayan muntik na.. pasaway ka kasi." sabi ko sa kaharap ko.

"Ewan ko sayo kuya, wala ka naman kwenta kausap diyan ka na nga." aba at inirapan pa ako at nagwalk out. Napailing na lang ako sa ginawa niyang napakaisip bata. Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa may bulsa ng short ko.

The Ultimate Princess fell INLOVE with the Poor Prince (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora