~~ The Next Day (Monday)
~ Zeph's POV ~
"Zephaniah! bilisan mo na't malapit ka nang mahuli.." sabi ni mama sa akin habang pababa ako ng hagdan.
"Opo ma.. nandiyan na po." sagot ko naman sa kanya pabalik.
"nakakain ka na ba? si Eliah nasaan na?" tanong niya ulit habang inaayos yung kwelyo ng damit ko.
"mauna na daw po ako susunduin daw po siya ng classmates niya." sagot ko naman ulit..
"O sige na at baka mahuli ka pa." dagdag niya pa.
"Opo ma." sabay halik ko sa kanya sa pisngi.. "pakisabi na lang po kay papa na diditetcho po ako sa bar." tapos ay nag nod siya at umalis na ako. mag cocommute lang ako ngayon dahil hindi ako sumabay kay Toff. Nahihiya na din ako eh.
Naglalakad na ako papunta sa may sakayan ng jeep ng may isang babae ang umakbay sa akin.
"eloh Zeph.. ngayon ka na lang ulit napadaan dito ha." sabi niya.
"Ah.. busy kasi kami eh.. tsaka may work na ako last week lang." sagot ko sa kanya at inalis ang pagkakaakbay niya sa balikat ko..
"Namimiss na tuloy kita Zeph." sabi niya at ni-lean niya pa ang kamay niya sa akin.
"hahahaha... ano ka ba Aya." sagot ko. Nakakailang baka mamaya may makakita pa.
Si Aya kaibigan ko na siya noon pa pero mula nung mag aral ako ng college ay di na kami madalas magkita.
"Ang sungit mo talaga.. hatid na kita." sabi niya. Pasaway talaga.
"Ano ka ba.. di maganda yun."
tama naman diba? di maganda na yung babae yung naghahatid sa mga lalaki.
"ikaw naman yan Zeph eh.. sige na tsaka kasi di na tayo masyado nagkikita." pag pupumilit niya.
"next time na lang.. sige na male-late na din ako." tapos ay binilisan ko na ang lakad ko at iniwan siya. Hindi na din naman siya sumunod kaya nakasakay na agad ako ng jeep. Nakakahiya man yung pag iwan ko sa kanya dun kaya lang nagmamadali talaga ako.
Maya-maya lang ay nakarating na din ako sa university namin. May mga iba't ibang booth ang tinatayo, at magkakaroon nga din pala ng iba't ibang organization this week para sa foundation day.
"Yow dude!" bati sa akin ng katabi ko na si Tobby.
"himala? ang aga mo." biro ko sa kanya.
"wag ka nga umakbay Zeph para kang bakla niyan." sabi niya inakbayan ko kasi siya bigla eh.
"bakla na agad pag umakbay? pano pala pag inakbayan mo yung crush mo edi bakla ka din." dagdag ko pa sa kanya.
"siyempre iba na yun." sagot niya.
"Hi mga pogi." bati sa amin ng isang babaeng sobrang puti ng mukha kaya napukaw ang atensyon namin sa kanya.
"ang gwapo nila noh. Gosh!" sabi nung isa pa.
"5 sila diba. pero yang mukhang prince na yan ang bet ko." gurl 2
"prince naman talaga siya ah." sabi pa ng isa. Anu ba yan, tama bang pag usapan kami na rinig na rinig namin.
"grabe ka dude .. crush ka nung mga babae.." pang aasar sa akin ni Tobby habang nakaakbay.
YOU ARE READING
The Ultimate Princess fell INLOVE with the Poor Prince (ON-GOING)
Teen FictionThis is the story where the 'Ultimate Princess' fell inlove with the 'Poor Prince' in unexpected time eventhough there are some people related to them are against with their feelings. Those people make such way to break their heart and to ruin their...