"Loving is not all about LOVE. It involves all virtues of life. We may not understand why, but you have to believe into it."
"Virtues of life? Parang ang complicated naman 'nun Papsi. Ang hirap namang e-process." Nag pout ako. Ang simple lang naman sana ng tanong ko, pero nabobobo ako sa binigay niyang sagot. Hmp! Ampupu naman oh!
"Hindi rin. Hindi mo pa kasi maiintindihan 'yun kasi 9 year old ka pa lang. Pero pag ikaw dalaga na, malalaman mong tama rin ako." Pinisil niya ang ang pisngi ko sabay yakap sa akin. Gustung-gusto ko talaga na niyayakap ni Papsi. Feeling ko, super safe ako.
"Eh, Paano mo ba napaibig si Mimi?" Kumawala ako sa bisig niya. Paano nga ba niligawan ni Papsi si Mimi? Hmp.
"Simple lang, sabi ko sa kanya, om-oo lang siya, liligawan ko siya habang buhay." Huh? Ang corny naman nun. Teka! Paano kaya 'yun?
"Paano? Dinaan mo sa love letter?" Tumawa lang siya. Tawa na gustung-gusto ko parating marinig. Tinitigan ko lang si Papsi. Ang gwapo talaga niya! Tumigil siya sa pagtawa at nagsalita habang ang layo ng tingin. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, kay Mimi pala na kasalukuyang papalapit sa amin dala ang dalawang saranggola. Ngumiti muna siya bago magsalita.
"Hindi anak. Hindi ko siya dinaan sa love letter. Dinaan ko siya sa kung saan kami mas magkakaintindihan."
Ngumiti si Mimi ng nasa harapan na namin siya. Tumayo si Papsi mula sa pagkakaupo niya sa swing. Lumuhod naman si Mimi at kinapa niya ang dalawa kong pisngi at pinagdikit ang aming mga noo. Humiwalay rin siya ngunit nasa pisngi ko pa rin ang kaliwa niyang kamay. Lumuhod si Papsi habang hawak niya ang kanang kamay ni Mimi na hinalikan niya ng buong puso. Nakangiti lang kaming tatlo sa isa't-isa. Ramdam ko ang pagmamahal sa aming pamilya.
Nagising ako mula sa alaalang, alam kung hindi na muling mangyayari pa. Tumingin ako sa bintana na sa gilid ng kwarto ko, ang ganda ng araw. Mahangin at hindi masyadong mainit. Ganitong-ganito 'yung araw na iyon.
"Anak, Rocky, gising ka na ba? Maghanda ka na. Bumaba ka pagkatapos mo riyan maghanda."
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa itaas ng maliit na closet. Alas 7 ng umaga. Hindi na masama ang anim na oras na tulog. Tumayo ako at dumerechong banyo. Ginawa ang morning routine at bumaba na. Sinalubong naman ako ni Kirby ng yakap pagtapak ko sa last step ng hagdan.
"Ate! Good morning. Kumusta tulog mo?" Ang bibo talaga ng batang ito.
"Okay naman. Nakatulog naman si ate ng maayos. Ikaw? Siguro, tulo laway ka na nuh?" Natawa ako dahil bigla siyang namula. Kaya gustung-gusto ko siyang asarin eh.
"Anak, kumain ka na para hindi ka ma-late. Nakahain na lahat jan sa mesa. Sasabay na ako rito kay Kirby dahil nagpatawag ng meeting sa skwelahan nila. Mag-ingat ka sa daan." Lumapit naman si Nanay Rita mula sa kusina dala ang baon ni Chubby Kirby.
"Ah, opo. Kayo din po. Hatid ko na po kayo sa labas." Hinawakan ko ang kanang kamay ni Kirby at nag marcha palabas. Patalon-talon pa siya habang naglalakad kami palabas ng bahay. Ang cuuuute!
"Mag-ingat po kayo. Kirby ha! Mag behave sa school." Pi-nat ko pa 'yung ulo niya. Nagmano ako kay Nanay Rita at sumakay na sila ng tricycle. Nag wave nalang ako sa kanila habang nakangiti.
Ngayon, ako na lang ulit. Pumikit at huminga ako ng napakalalim. Handa na nga ba ako?
BINABASA MO ANG
Hurtful Truth
Teen FictionRocky Samonte is a 22 year-old successful and famous Architect, following the path of his deaf mother whom she admired since her childhood. Build by her Engineer father and designed by her mother, they live in a big house beside the seashore at the...