Chapter Three

4 0 0
                                    

Pagkapasok ko ng building ng mga Buenafe, puro 'good morning Miss Rocky' ng mga empleyado agad ang bumungad sa akin. Panay din naman ang pagbati ko sa kanila.

Naputol ang pakikipag batian ko sa mga nakakasalubong ko ng mag ring ang phone ko. Ibang number ito sa kahapon. Pero international parin. Sinagot ko na lamang ito habang naghihintay ng elevator. Kasabay ko naman ang lalaking maangas kahapon. Hindi ko na lamang siya pinansin at ganoon din naman siya sa akin. Binalik ko ang aking atensyon sa caller ko.

"Yes, hello?" Bati ko sa tumatawag. Noong una wala akong marinig, pero nang bigla itong magsalita, napangiti ako sa narinig ko.

"Hey Jane?... Okay, I'll go see you... I'll just call you later. Bye." At binaba ko na agad ang phone ko.

Sakto namang bumukas ang elevator na walang laman kaya pumasok na ako, pati na rin si maangas na lalaki. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.

Sinamahan naman ako ni Kylie kung saan ang table ko. Dinala niya ako sa maliit na kwarto, katabi ng table ni Mr. Maangas. Okay na ako rito. May privacy.

"Thanks Ky." Sabi ko na lang sa kanya. Aalis na sana siya ng hawakan ko ang balikat niya. "Siya nga pala, pasensya na kahapon. Umalis ako ng hindi nagpaalam."

"Nakooo! Wala po 'yun. Okay lang po. Naiintindihan ko po." Sagot niya sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya saka siya umalis.

Umupo agad ako at binuksan lahat ng folders, 'today, will be a busy day.'

* * * *

"Ganoon ka na ba talagang walang ka tiwala sa akin?! At kailangan pa talagang kumuha ka ng ibang tao para sa project na 'to?! Ano na lang pala ang silbi namin?!"

Natigilan ako sa kalagitnaan ng pang-apat ko na guhit ng may marinig akong nagsisigaw. Lumabas ako ng office ko at nakita ang mga ka office mates ko na tahimik at nakatingin sa office of the President.

"Para ano pa't naging Architect ako?!" Dugtong ng lalaking sumisigaw.

Natahimik lahat maging ang nasa loob ng office of the President. Magsasalita na sana ako para magtanong ng biglang may lumabas sa opisina ng presidente at iniluwa roon ang maangas na lalaki. Nagkatitigan kami saglit bago siya tumingin sa iba. Lumapit sa kanya si Kylie na nag-aalala.

"Kuya, okay ka lang ba?" Sambit nito.

"Aalis kang ako." Sagot naman ng lalaki. Great! Kita mo namang nag-aalala 'yung tao tapos iba sinagot. Ano ba naman 'to!

Tumingin siya sa akin mata sa mata. Hindi naman ako nagpatinag at tinignan din siya. Ano bang problema niya? Alam kong ako ang tinutukoy niya doon sa pagsisigaw niya.

Lumapit siya sa harap ko. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti. Nakikita ko sa peripheral vision ko na lumabas ang CEO ng kompanya mula sa office of the President.

"Cyrus, hindi ganyan ang maayos na pagtrato sa mas mataas na posisyon sa'yo." Sabi nito. Ngunit derecho pa rin ang tingin ng lalaki sa akin.

"Excuse me." ngumiti siya bigla at nilagpasan ako. Anong problema niya?

"I'm sorry Rocky for Cyrus' behavior. It wouldn't happen again." paghingi ng despensa sa akin ni Mr. Buenafe.

"It's okay." sambit ko kahit aburido akong tanungin kong ano bang pinag-aawayan nila.

Pumasok muli ako at niligpit ang mga folders pati na rin ang ang mga drawings na natapos ko.

Patapos na ako ng pagliligpit ko ng kumatok si Kylie. Sumenyas ako na pumasok nalang siya.

"Bakit Ky? Anong atin?" tanong ko sa kanya habang nililigpit ang natirang folder.

"Ah. Kasi, yayayain sana kitang mag lunch break kasama ang team." pagyaya niya sa akin na nakangiti.

Hurtful TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon