"Anak, huwag mong kalimutang ngumiti huh? Chin up! Huwag panghinaan ng loob. Dapat with confidence." Sabi ni Papsi with hand gestures pa. Haays! Kinakabahan na ako. Hindi na ata maipinta yung mukha ko eh.
"Papsi, Mimi, kinakabahan talaga ako." Sabi ko habang hinahawakan 'yung dalawang kamay ni Mimi.
"Ayy! Ano ka ba naman anak. Kabisadong-kabisado mo na kaya 'yung mga linya mo. Tsaka, di na pwedeng umatras. Paano naman 'yung mga kasamahan mo?" Nilalaro ko nalang 'yung mga daliri ko habang sinasabi iyon ni Papsi. Iniharap naman ako ni Mimi sa kanya, hinawakan ang dalawa kong pisngi at idinikit niya ang kanyang mga noo. Tama lang para mabawasan ang kaba sa dibdib ko. Huminahon ako saglit.
"Huwag panghinaan ng loob." Kahit pa kumbinsihin ko ang sarili ko, hindi ko maitatanggi ang kaba na nadarama ko ngayon.
Mahigpit kong hinawakan ang manebela. In-start ang engine at pumasok sa teritoryo ng mga Buenafe. Pinakita ko lang ang i.d. ko sa Security Guard at dere-derecho ng pumasok. Inihinto ko ang sasakyan at ibinigay ang susi sa kung sino man iyon.
Sinalubong ako ng isang babae, "Good morning Ms. Samonte. I'm Kylie Rivera. This way, Ma'am."
Sumunod nalang ako sa babae. Sumakay kami ng elevator at pinindot ang 9. Tahimik lang kami pareho. Ramdam ko ang pagkailang ng babaeng ito sa akin.
"By the way, gaano ka na katagal nagtatrabaho rito?" Pagbasag ko sa katahimikan. Makikita mo ang gulat sa mukha niya.
"Ah, eh, 2 years and 4 months na po." Sagot niya.
Ngumiti lang ako ng maliit. At tumingin na naman sa harap ng pintuan ng elevator. Sakto namang bumukas. Nauna akong lumabas, sumunod naman si Kylie, pero nauna siyang maglakad at nakasunod lang ako. Habang palapit ng palapit kami sa conference room, pasaway naman itong mga paru-paru sa tiyan ko. Pero kaya ko 'to. Bago pa man ako makarating sa pintuan, I already composed myself.
Pagkabukas ni Kylie, nagsitinginan naman ang lahat sa amin. I smiled at them, "Good morning everyone. I believe I'm not late." Nasabi ko nalang with confidence.
Ngumiti at tumawa naman ang iba. Tumayo ang isang matandang lalaki na nakaupo sa gitna sa harapan, at nakipag beso-beso sa akin.
"Everyone, meet Rochelle Kyla Samonte. She just came yesterday.Based in France, but a pure Filipina. She just graduated last year as the Magna Cum Laude of the batch. She also won as the champion of the prestigious competition for Architecture at New York while she was still a student."
Hangang-hanga silang lahat habang nakatingin sa akin. At, heto naman ako, nakangiti lang all the time. Nandito lahat ng empleyado ng kompanya kaya pala walang tao sa labas. Lahat ng stock holders ay may edad na. Pero ang mga Architects and Engineers ng kompanya ay parang kasing edad ko lang.
"You're very talented and hardworking Ms. Samonte. At the Age of 17, you won a lot of competition and was working as the Head Architect at different companies at different places in Europe huh? How does it feel?"
"Hmm, well, Supposedly, I'm keeping that as secret to everyone. But as you mentioned it, it was kinda flattering because a lot of companies were trusting me." Nakangiti parin ako sa lahat kahit na parang anytime, bibigay na 'yung labi ko.
"Okay. Enough with the introducing Ms. Rochelle Kyla Samonte thing, so, can we start the presentation?"
Natawa ang lahat, maliban sa isang lalaking nasa malapit sa pinto. May itsura siya. Pero derecho lang talaga ang tingin niya sa akin. Maangas.
"I can see your excitement Ms. Samonte." Sabi ni Mr. Buenafe sa akin habang nakangiti.
"Oh, please, just call me Rocky. Enough with the formalities."
Nagpatuloy ang meeting. Nag present ng mga ideas at kung ano ang plano ko tungkol sa project nila. Mukha namang okay lang sa kanila. Nakikinig lang sila sa mga sinasabi ko at tumatango-tango.
Quarter to 12 na ng matapos ako sa presentation ko. Nagsilabasan na ang iba at ang tanging naiwan nalang ay si Mr. Buanafe, si Kylie, ako, at ang lalaki.
"I'm very impressed Rocky. You are really an Architect." Ti-nap niya ang balikat ko. Nakangiti naman si Kylie. Nang tinignan ko naman ang lalaki, maangas pa rin. Pero seryosong nakatingin sa amin.
"Thank you. I'll go ahead." Matapos kong maligpit ang gamit ko, lumabas na ako at sumunod naman si Kylie. Tinulungan niya akong bitbitin ang iba kong folders hanggang labas.
"Ma'am Rocky, ang galing niyo po pala talaga. Totoo nga po ang sabi nila." Sabi niya habang hinihintay namin ang sasakyan ko.
"Bakit? Ano bang sabi nila?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ako cellphone ko.
"Usapan po kasi sa office na magaling daw po kayo. Nakaka insecure daw po kayo kasi ang cool niyo lang. Sobrang proffesional. Ang dami niyo ng experience kahit estudyante pa lang po kayo at fresh graduate." This time, tumingin na ako sa kanya.
"Kaya ba, ilang na ilang ka sa akin kanina?" Namula siya bigla at biglang tumingin sa mga sandals niya.
Tumawa ako ng bahagya bago magsalita. Nakita ko naman ang sasakyan ko na paparating na kaya yayayain ko nalang siya. "Lunch break naman di ba? Halika, kain tayo!"
Hinawakan ko ang kamay niya at pinasakay sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Hurtful Truth
Teen FictionRocky Samonte is a 22 year-old successful and famous Architect, following the path of his deaf mother whom she admired since her childhood. Build by her Engineer father and designed by her mother, they live in a big house beside the seashore at the...