Chapter Two

16 0 0
                                    

Nagkukuwentuhan lang kami ni Kylie ng kung ano-ano simula sa sasakyan hanggang ngayon. Masaya siyang kasama. Nakaka relax ang tawa niya.

Andito kami sa isang sea food restaurant ni Kylie. Sabi kasi ni Kylie masarap daw dito. Hindi naman na ako pamilyar sa Pilipinas.

"Ah, Kylie, maiba tayo, ilang taon ka na?" Ang bata pa kasi ng mukha niya.

"20 pa lang po ako Ms. Rocky." Kumunot ang noo ko. 20? Pero 2 na siyang nagtatrabaho sa kompanya? Napansin naman niya ang pagkunot ng noo ko kaya nagpaliwanag siya.

"Pamangkin po ako ni Mr. Buenafe. Kapatid siya ng nanay ko. Patay na ang nanay ko. Simula noon, sabi niya, doon na lang daw ako sa kanila. Eh, ayoko namang maging pabigat, kaya nagpresinta ako na kung pwede ako magtrabaho sa kompanya. 18 na rin naman ako noon. Pumayag naman siya kasi nag migrate 'yung dati niyang secretary."

Patay na rin pala ang nanay niya. Nalungkot naman ako bigla. Naalala ko 'yung kanina. Kaya pala ang genuine ni Mr. Buenafe kay Kylie.

Magtatanong pa sana ako kaso dumating naman bigla 'yung order namin.

Kumain at nagkuwentuhan lang kami ni Kylie buong lunch break, kaya hindi namin namalayan ang oras. Naputol ang tawanan namin noong tumunog ang cellphone niya. Tumingin muna siya sa akin bago tumayo.

Tinignan ko nalang muna 'yung phone ko habang may kausap pa si Kylie. Binasa ang mga messages na puro kay Chubby Kirby naman galing. Nag send pa ng picture niya na naka wacky. Ang kulet! Hahaha.

Naputol ang tawa ko ng may tumawag sa akin from international number. Sinagot ko ang tawag at hindi na nagulat sa narinig kong boses.

* * * * *

Dumerecho ako ng uwi sa bahay matapos ang tawag na iyon. Basta umalis na lang ako, ni hindi na nagpaalam kay Kylie. Isang oras din akong nag drive pauwi, at isang oras ding lumilipad ang utak ko.

Pagkadating ko sa bahay, nasa harden si Nanang Rita. Lumapit ako sa kanya at umupo sa swing.

"Buti hindi ka nawala pabalik rito?" Tanong sa akin ni Nang Rita na kasalukuyang inaayos ang mga orchids niya.

"Hindi naman po. Kahit ang tagal na ng panahon na hindi ako nanirahan sa Pilipinas, kabisado ko parin naman po ang parte rito." Sagot ko sa kanya habang pinitas ang bulaklak na Santan sa tabi ko.

Lumapit sa akin si Nang Rita at umupo na rin sa isa pang swing. Tahimik lang kaming pareho habang ako ay gumagawa ng kwentas gamit ang santan.

"Si Kirby" Natigilan ako sa aking pinagkakaabalahan ng biglang magsalita si Nang Rita. Nagtaka naman ako.

"Ano pong meron kay Kirby?" Ang layo ng tingin niya. Para bang may inaalala siya.

"Si Kirby, parang ikaw lang dati." Nakatingin lang ako sa kanya. Nakikinig. Tahimik lang ako at naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Alam mo bang sa tuwing nakatingin ako kay Kirby, naaalala kita? Naaalala kita sa kanya. 'Yung mga panahong wala kang ibang alam kundi mahalin ng sobra ang mga magulang mo. 'Yung mga panahong, laging ang masiyahing Rocky ang nakikita ko?"

Tumingin siya sa akin. Makikita mo ang lungkot sa kanyang mukha. Napabuntong-hininga ako, tinignan ko bulaklak ng Santan na halos maubos na.

"Gusto ko man ibigay lahat ng pagmamahal kay Kirby, hindi ko magawa." Halos pabulong ko ng sabi. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit, pero 'yun ang alam ko.

Pumasok na ako sa loob at umakyat matapos kong sabihin iyon kay Nang Rita. Papasok na sana ako ng kwarto ko ng mahagip ng mata ko ang kwarto ni Kirby.

Pagpasok ko sa kwarto niya, puro mga drawings na nakadikit sa ding-ding ang makikita mo. Parang professional na 'tong si Chubby Kirby. 8 year old pa lang pero ang galing na. May pinagmanahan.

Ini-isa-isa ko ang mga drawing niya. Puro buildings at arts ang makikita mo. Pero natigilan ako ng makarating sa higaan niya, isang family drawing ang nakadikit sa ding-ding nito. Tapos sa baba, 'isang family picture na naka attach lang 'iyong sa kanya.

Gusto kong hawakan ang frame na 'yon, pero mas nanaig sa akin ang iwasan nalang. Lumabas ako ng kwarto ni Kirby at dumerecho na sa kwarto ko. Humiga ng maramdaman ko ang pagod. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng paglalaro na naman ng mga alaala ng kahapon.

Hurtful TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon