Chapter 3 "Yakuza Family"

2.3K 32 0
                                    

Grabe itong babaeng to kuripot ata! Naglalakad nanaman kami! wala bang pera to?? Mula sa may park hanggang sa may bahay nila mga 30 minutes kaming naglakad tapos sinasabi niyang malapit lang?? ang init init eh! Pawis na ako!!

“andito na tayo. Yung mga binilin ko sayo!”

“yes  boss!”

Inopen niya na yung gate. Malaki yung gate nila hindi nakikita yung loob eeh kasi mataas talaga tapos may mga nakabantay pa sa may labas. Hindi sila security guards basta may hawak lang silang samurai. Uso ba talaga yan?? Makabili nga!

Andami pala nilang sasaakyan eeh bakit ba lakad ng lakad tong babaeng to??? Tsk..wirdo!

Sinalubong kami ng mommy nitong babaeng to. Malaki talaga yung bahay nila. Mansion siya na may pagkajapanese ang style. May fountain nga sila na gawa sa kawayan eeh ang astig! Pero kamote lang talaga! Andaming tao sa bahay nila tapos andaming samurai na nakasabit. Siya at yung mommy niya lang ata yung babae..ay teka pati pala mga kasambahay nila. Andami ha!

Nakita namin yung lolo niya na pababa ng hagdan pero ang ikinagulat ko ay yung mga tao. Bigla silang nagtakbuhan at nagsiayos sa may dulo ng hagdan. Pagbaba nung lolo niya nagbow silang lahat.

“take away all formalities..we have a guess..Nana-chan why don’t you introduce him?”

“ah..hai! (yes)” nagbow din si babae.

“this is Kenneth. He is my schoolmate and..”

It’s pay back time kala mo papalampasin ko yung pagtutok mo sa akin ng samurai?? Tumayo ako at inakbayan siya..

“i’m his boyfriend..”

“really?”

Napatingin kaming lahat dun sa lalakeng nagsalita. Kapapasok niya lang sa pinto. Kung tama pagkakaalala ko siya yung Ginji diba?? Haha..lagot ka sa akin babae ka!

Lumapit ako kay Ginji..

“ahmm..yes, you must be Ginji right?”

“yes..so you are Nana’s kareshi? (Boyfriend?)”

“huh ano?”

“ah..sabi ko boyfriend ka pala ni Nana..”

Yun! Nagtatagalog pala to eeh! Haha..lagot ka talaga sa akin.

“uy nagtatagalog ka pala! magiging maganda pagkekwentuhan natin niyan.”

“haha..Before you two make gossips...let us eat lunch first. Shall we?”

Nagpunta kaming lahat sa dining nila. Buti na lang pala at nagpaturo akong magchopsticks kay Monay kung hindi, patay na. gutom pa naman ako.

Yakuza PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon