Chapter 9 "Ulan"

1.4K 23 0
                                    

Haay ansarap ng kinain ko. busog na busog tuloy ako. naglalakad na ako pauwi nang biglang may tumulak sa akin. Paglingon ko si Nanami pala!

“ano ba! Ikaw ha..kahit sabado gusto mo akong makita..”

“samahan mo kong bumili ng bulaklak.”

“huh? Bakit ako? tsk..alam ko na..gusto mo akong makasama noh??”

“dala ko ang samurai ko. samahan mo ako..hindi ako marunong pumili.”

Naglakad na siya palayo. Makaasar! Halikan kita diyan eeh!! Naglakad na kami papunta sa flower shop. Tinitigan niya lang yung mga bulaklak.

“oh pili ka na ah!”

“hindi nga ako marunong pumili diba?? Kaya ako nagpasama!”

“oo nga naman! Para saan ba?”

“basta kahit ano!”

Tumingin tingin ako at nakita ko yung isang red rose na sobrang ganda. Kaya naman kinuha ko to at tinapat sa kanya. kinuha niya naman.

“amuyin mo.”

“ayoko nga!”

“hindi ka talaga babae!”

Sinimangutan niya ako pero inamoy niya naman. Para bang nagslowmotion lahat sa paligid ko. nakakatuwa kasi yung itsura niya nung amuyin niya yung bulaklak. Ewan para bang nagglow yung mukha niya. Ang kyot! Ay shet ano ba nangyayari sayo Kenneth??

“sige manang kukunin ko to. Oh akin na wallet mo!”

Ayan na panira ng lahat.

“teka bakit nanaman?? Ako ba magbabayad niyan? Hindi naman sa akin yan eh!”

“bilis na!!”

Asar! Binayaran ko na lang at lumabas na ako ng shop. Maya maya pa nasa tabi ko na siya.

“oh asan na yung bulaklak?”

“tinapon ko na!”

“ay Kamote que ka talaga!! Papabili tapos itatapon nu kaya yun?? lika na nga!”

“saan?”

“ayun sa amusement park”

“ayoko!!”

Hinila ko siya. Kamote ang lakas niya!!! Pero nadala ko naman siya hanggang sa entrance. Papasok na sana kami nang makita ko si Mona.

Yakuza PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon