Chapter 15 "FIN"

2.2K 35 17
                                    

Si Nanami:

Hindi ko alam kung bakit nagising pa ako. dapat nawala na ako! dapat hindi na ako gumising pa! wala akong kwenta! Hindi ko man lang kayang patayin ang taong pumatay sa papa ko!! nagkaroon na ako ng emosyon! Nakakahiya ka Nanami!!!

Nakita ko agad si lolo na natutulog samay tabi ko kaaya naman hinawakan ko siya at gumising siya agad.

“Nana-chan! Are you okay?”

“yes lolo. Okay na okay na ako.”

“that’s good.”

Nagbukas ang pinto at pumasok si Ginji kasama si Kenneth.

Oo nga pala si Kenneth! Naiinis ako sa sarili ko dahil nasabi ko ang mga salitang yun.

Agad lumapit sa akin si Kenneth at hinawakan ang kamay ko.

“Nanami...okay ka na ba?”

“Oo..yung mga nasabi ko kalimutan mo na yun.”

“hindi Nanami..mahal kita.please?”

Tinanggal ko ang kamay ko.

“I am the Yakuza Princess and I never fall in love..tandaan mo yan Kenneth. Umalis ka na!”

“alam kong mahal mo rin ako Nanami.pakiusap wag ka namang ganyan.”

Hindi! Kahit kelan hindi ako magkakagusto sa isang lalakeng tulad mo!! Ang lalakeng pumatay sa papa ko!!

“I’ll spare your life for the sake of Synthia and the others. Umalis ka na!!”

“pero Nanami! Nanami!!”

“umalis ka na daw!”

Hinila na siya ni Ginji palabas ng room.

Si Kenneth:

Alam kong mahal ako ni Nanami! Nararamdaman ko yun pero wala na akong magagawa pa! nung hinila ako ni Ginji palabas may limang tao agad na humarang sa kwarto ni Nanami. Walang puedeng pumasok.

Pagdating ko sa labas ng hoispital sinalubong agad ako ni Harold at sumakay na kami sa sasakyan.

“Sir Kenneth. Nakapasok po sila sa website. Sorry po. Pinlayas ko na yung technician natin.”

“Ayos lang. hanapin mo kung sino ang nagkalat na tayo ang pumatay sa papa niya. Patayin niyo agad pagnahanap niyo. Siguraduhin niyong malinis ang trabaho niyo.”

“yes sir.”

Dumiretso kami sa building namin. Isang lumang building na walang taong nakatira sa paligid. Agad akongg nagpalit ng damit. Tulad ni Nanami wala akong puso..pero wala akong puso para sa mga masasamang tao sa mundo..yun ang pagkakaiba natin Nanami..

Yakuza PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon