PAUNANG SALITA

35 3 0
                                    

Mahilig akong magbasa ng kung anu-anong libro. Nagagalak ako sa tuwing mababasa ko ang isang nobela tungkol sa mga di-pangkaraniwang bagay sa mundo o mga likha ng mapaglarong kaisipan na labis kong kinagigiliwan. Mga kuwento tungkol sa mga dragon, mahika, paggamit ng mga elemento, tungkol sa mga kabalyero at iba pang mga kakaibang imahinasyon.

Ngunit isang araw, naisipan kong gumawa ng sarili kong akda. Nais kong ibahagi ang aking imahinasyon at pagkasabik sa lahat ng mga mambabasang tulad ko.

Ang "Maestro" ay hango sa iba't ibang akda ng pantasiya. Naging inspirasyon ko ang ilan sa kanila at lumikha ng sarili kong bersyon. Ipagpatawad ninyo kung may pagkakahawig ito sa ilang pamilyar kayo ngunit nakasisiguro akong orihinal ko itong ginawa at ibinuhos ko ang aking puso't kaluluwa para rito. "All Rights Reserved" ika nila sa wikang Ingles.

Ang tagpo ng "Maestro" ay sa sinaunang panahon, sa isang lugar na kathang-isip lamang. Ang mga pangalan na ginamit ko dito ay ayon sa aking mga nabasang aklat, mga ngalang narinig kung saan, at ang iba'y bigla ko lamang naisip.

Ang "Maestro" ay nasusulat sa wikang Filipino. Naisip ko na mas magiging kakaiba at kapana-panabik kung gagawin ko ito upang mas madaling intindihin ng kapwa kong taga-Pilipinas. Ngunit, maaaring gumawa rin ako ng bersyon sa Ingles. Hindi ko pa tiyak.

Kung may mga mali sa aking panulat ay ipagpatawad ninyo. Hindi po ako perpekto.

Dalangin ko na magustuhan ninyo ito at masaya akong malaman ang inyong mga komento. Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!

Kuya Mac
Maestro 2017

Ang MaestroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon