KABANATA 4: NIMROD

28 0 0
                                    

~--=[ Emron ]=--~

"Ama, nakakatiyak ako na mahahanap ko siya sa lugar na iyon," sambit ni Nimrod habang nakaluhod upang magpaalam.

Lumapit ang ama nito sa kaniya at iniangat ang kanyang mukha. "Kung iyan ang sa tingin mo na nararapat mong gawin. Ngayong nawawala ang punong maestro, pagkakataon na ng ating angkan na mamuno sa buong lupain."

"Umasa ka, ama. Nararamdaman ko ang presensya ng aking disipulo. Gagawin ko ang lahat ng paraan upang makuha ang trono."

"Humayo ka, anak. Nawa'y hindi na bumalik pa si Serafim!" sigaw nito.

Tumayo si Nimrod at nilisan ang silid ng kaniyang ama. Ipinakuha niya sa isang alagad ang kaniyang pulang kabayo at inayos ang kaniyang baluti.

Nang bumalik ang alagad dala ang kabayo, agad siyang sumakay bitbit ang isang malaking palakol.

Isang malawak at mapayapang lungsod ang Emron. May halos sampung libo katao rin ang naninirahan rito. Si Maestro Nimrod ang nangangalaga sa lugar na ito.

Bata pa lamang siya ay nakitaan na siya ng talento. Ngayong dalawampu't apat na gulang na siya ay tinawag siya upang maging bagong maestro ng Emron. Ang kanyang pamilya ang pinaka-mayamang angkan sa lugar na ito kung kaya't hindi kataka-taka na sa kanila manggagaling ang susunod na maestro ng lungsod.

Kahit pa nababalot siya ng baluti sa katawan ay kitang-kita parin ang malalaki nitong braso na nahasa sa araw-araw na pageensayo. Matikas ang kaniyang tindig at mahahalata mo agad na galing siya sa isang mayamang pamilya. Naging tanyag siya sa pangangaso at pagpatay sa ilang mga masasamang nilalang gamit lamang ang kaniyang palakol. Tinatawag itong Jaeger.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bawat maestro ay may kakayanang pasunurin ang isa sa mga elemento sa mundo ng Zerin. Si Nimrod ay may kakayahang gamitin ang elemento ng apoy. Nakalilikha siya nito at nakagagawa ng malakas na pinsala sa anumang naisin niya. Maaari rin naman itong gamitin sa kabutihan. Ngunit para sa iba ay lubha itong nakakatakot na kapangyarihan.

Isa pa sa espesyal na kakayahan niya ay lumikha ng kidlat. Maraming mananakop ang hindi nagtakang puntahan ang kanilang lungsod dahil sa lakas na taglay ni Nimrod.

Mahaba pa ang lalakbayin niya upang marating ang dulong bayan sa lungsod ng Emron. Kailangan niyang baybayin ang ilog Boaz at umakyat ng tatlong bundok kung kaya't inihanda niya ang kaniyang sarili.

Nagbaon siya ng pagkain at inumin upang magbigay lakas sa kaniya. Nang marating niya ang bayan ng Cor ay huminto siya saglit. Tatlong bayan pa bago niya marating ang dulo ng lungsod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang MaestroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon